Ang dating tinatawag bilangKaharian ng Nepal, na matatagpuan saKahimalayaan, ay nag-iisangkahariangHindu sa buong daigdig. Matatagpuan ito sa timogAsya, sa pagitan ngTsina atIndia. Pagkatapos ng 240 taon, isang republika na ang Nepal, at nakilala bilangDemokratikong Republikang Pederal ng Nepal.
Ang Nepal ay isang pederal na republika na binubuo ng 7 lalawigan. Ang bawat lalawigan ay binubuo ng 8 hanggang 14 na distrito. Ang mga distrito, naman, ay binubuo ng mga lokal na yunit na kilala bilang urban at rural na munisipyo. Mayroong kabuuang 753 lokal na yunit na kinabibilangan ng 6 na metropolitan na munisipyo, 11 sub-metropolitan na munisipalidad at 276 na munisipalidad para sa kabuuang 293 urban na munisipalidad, at 460 rural na munisipalidad.[7] Ang bawat lokal na yunit ay binubuo ng mga ward. Mayroong 6,743 ward sa kabuuan.