Napoléon François Joseph Charles Bonaparte (20 Marso 1811 – 22 Hulyo 1832), Duke ng Reichstadt, ay anak niNapoleon I ng Pransiya at ng kanyang ikalawang asawa na siMarie Louise ng Austria. Nang siya ay pinanganak, tinawag siya na "Your majesty - King of Rome" o "Hari ng Roma" na ayon sa kanyang ama ay titulong karapatdapat sa kanyang tagapagmana. Inangkin ng kanyang ama na ilipat sa kanya ang titulongEmperador ng Pranses noong 1815.
SiNapoleon II ay ipinanganak sa Paris noong 20 Marso 1811. Tatlong taong nakalipas, angUnang Imperyong Pranses ay bumagsak at ang kanyang ama na siNapoleon I ay pilit na ilipat sa kanya ang trono, ngunit di pumayag si EmperadorAlexander ngRusya. Si Napoleon II ay kinuha ng kanyang ina papunta saChâteau de Blois noongAbril 1814. Noong 1815, pagkatapos ng pagkatalo ng kanyang ama sa Waterloo, bumaba ulit ang ama niya sa trono sa kanyang pabor. Isang araw, pagkatapos ng abdikasyon ni Napoleon I, ang Komisyon ng Pamahalaan ng limang miyembro ang kumuha ng pamumunong Pransiya, humihintay sa pagbabalik ni HaringLouis XVIII na nasa Cateau-Cambresis. Ang Komisyon ay humawak ng kapangyarihan at hindi namuno si Napoleon II bilang emperador. Ang pagpunta ng mga Allies sa Paris noongHulyo 7 ay nagdala ng mabilisang pagtatapos ng mga kahilingan ng mga tagasuporta ni Napoleon II.
Pagkatapos noong 1815, ang batangprinsipe, na ngayo'y kilala bilang "Franz" (mula sa kanyang lolo na siEmperador Francis ng Austria), ay nanirahan saAustria. Siya ay ginawaran ng titulong Duke ngReichstadt noong 1818.
Masyado siyang malapit kayPrincesa Sophie ng Bavaria at may nagpanukala na siya ang tunay na ama ng kinabukasang EmperadorMaximilian I ng Mexico, ngunit ang panukalang ito ay hindi nakatanggap ng pagsangayon. Namatay siya satuberculosis noong 22 Hulyo 1832 saPalasyo ng Schönbrunn. May mga pahayag na ang kanyang kamatayan ay resulta ng paglalason sa kamay ng mga ahente niMetternich
Noong 15 Disyembre 1940, ang mga labi ng Duke ng Reichstadt ay nailipat mula saVienna patungo sasimboryo ng Les Invalides sa Paris. Ito ay ginawang "regalo" sa Pransiya ng dikatador na siAdolf Hitler ngunit hindi ito na ikinasaya ng mga Pranses. Noong 15 Disyembre 1840, ang mga labi niNapoleon I ay inilipat doon at ang batang prinsipe ay namahinga kasama na kanyang ama sa madaling panahon. Inilipat ang mga labi ni Napoléon François Joseph Charles Bonaparte sa mababang simbahan. Karamihan ng kanyang labi ay nailipat sa Paris, ngunit ang kanyang puso at bituka ay nanatili sa Vienna.
Ang mga Bonaparties ay isinangguni siya bilang "Hari ng Rome" at bilang Napoleon II, Emperador ng Pranses kahit na walang opisyal na proklamasyon. Ang susunod na Bonaparte na pumunta sa trono ng Pransiya ay gumamit ng pangalangNapoleon III sa pagrespeto sa kanya. Kilala rin siya bilang "L'Aiglon", or "The Eaglet". Sumulat ng isang palabas na L'Aiglon siEdmond Rostand tungkol sa buhay ni Napoleon II.