Nakasarang patinig (English:close vowel) ang mgapatinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa pinakamataas na bahagi ng bubong ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mgakatinig.[1] Kilala rin ito sa tawag nasaradong patinig atmataas na patinig (English:high vowel).[a] Sawikang Tagalog,[i] at[u] ang mga nakasarang patinig.[2]
PPA:Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig:di-bilog • bilog |
Narito ang anim na nakasarang patinig na may kaakibat na simbolo saPandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
Bukod sa anim na ito, nasa baba naman ang mga nakasarang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
Posibleng maipakita ang iba pang mga nakasarang patinig gamit ang mga tuldik ngrelatibong artikulasyon na nilalagay sa mga titik para sa mga kalapit na patinig. Halimbawa,⟨i̠⟩ o⟨ɪ̝⟩ para sa isang nakasarang halos harapang di-bilog na patinig.