Pangunahing lupain ng Reyno Unido. Pandaigdigang teritoryong saklaw ng Reyno Unido kasama ang mga dependensiya ng korona, teritoryo sa ibayong dagat, at pag-aangkin nito saAntartika.
AngReyno Unido (Ingles:United Kingdom), opisyal naReyno Unido ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda, karaniwang tinatawag naBritanya (Ingles:Britain), at dinadaglat bilangRU (Ingles:UK), ay bansang kapuluan na pangunahing matatagpuan sa hilagang-kanlurangEuropang kontinental. Pinapaligiran ito ngKaragatang Atlantiko sa hilaga't kanluran,Dagat Hilaga sa silangan,Dagat Irlandes sa kanluran, atBambang ng Inglatera sa timog, nagbabahagi rin ito ng limitasyong lupain saRepublika ng Irlanda. Sumasaklaw ng halos 242,495 km2, ito ang pinakamalaking bansa saEuropa atKanlurang Emisperyo. Mayroon itong populasyon ng mahigit 67 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayLondres.
Ang UK ay isang kahariang may saligang-batas na maypambatasang pamamaraan. Ang pununglunsod nito ayLondres. Ito ay binubuo ng apat na danay:Inglatera,Eskosya,Gales, atHilagang Irlanda. Ang huling tatlo ay may mga kinatawang pangasiwaan, na may kanya-kanyang kapangyarihan,[1][2] sa kani-kanilang mga pununglunsod,Edimburgo,Cardiff, atBelfast. Mayroong tatlongSakupbayan ng Kaputungan ang UK. Ito ay angGuernsey,Jersey, at angPulo ng Man.[3] Ngunit ang mga ito ay hindi bahagi ng UK ayon sa saligang-batas. Mayroon ding labing-apat na mgaSakupbayan ng Britanya sa Ibayong-dagat.[4] Ito ay ang mga nalabi ng Sasakharing Britaniko na noong ika-19 hanggang ika-20 dantaon, ay ito ang pinakamalaking sasakhari sa kasaysayan kung kailan nasakop nito ang halos isang-kapat na bahagi ng daigdig. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang pangingibabaw ng kapangyarihan ng Britanya sawika,kalinangan, atpamamaraang pambatas sa mga dating sakupbayan nito.
Ang UK ay isangmaunlad na bansa. Ito ay ika-6 sa may pinakamalaking agimat sa pasapyaw naKGK at ika-8 sa mayKapantayan ng Lakas ng Pagbili (KLP). Ito ang kauna-unahang bansa na naging maunlad at pinakamakapangyarihan noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 dantaon.[5] Matatawag pa ring makapangyarihan ang UK na may mapakukundanganang kapangyarihan sa agimat, kalinangan, panghukbo, agham, at banwahan ng daigdig.[6][7] Kinikilala ito bilang bansang may sandatang nuklear. Ito rin ang ikaapat sa daigdig na may pinakamalaking paggugol sa panghukbo.[8]
Nakahayag saMga Batas ng Samahan 1707 na ang Ingglatera at Eskosya ay "kasapi sa iisang kaharian sa Ngalan ng Kalakhang Britanya".[9][10][tala 1] Noong ika-18 dantaon, impormal ang paggamit ng "Pinagkaisang Kaharian" at minsanan na ring tinukoy ang UK bilang "Pinagkaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya".[11]
Ang katawagang "Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Kahilagaang Irlanda" ay ginamit noong 1927 ayon saBatas sa Karapatang Maharlika at Pambatasan. Ito ang nagsilbing pagkilala sakasarinlan ngMalayang Pamahalaang Irlandes at sa pagkakahati ng Irlanda noong 1922. Dahil dito, ang Kahilagaang Irlanda ay ang tanging bahagi ng pulo ng Irlanda na nananatiling sakop ng UK.[16]
Bagaman tinatawag ang Nagkakaisang Kaharian bilang isang ganap na malayang bansa, ang Ingglatera, Eskosya, Gales, at (mas pinagtatalunang) Kahilagaang Irlanda ay tinatawag ding mga 'bansa' kahit hindi ito mga malalaya.[17] Ang Eskosya, Gales, at Kahilagaang Irlanda ay may mga sari-sariling pamahalaan. Ayon sa pook-sapot ng Punong Tagapangasiwa, ginamit ang katagang "mga bansa sa loob ng isang bansa" upang isalarawan ang Nagkakaisang Kaharian. Ang pagsasalaysay sa katawagan sa Kahilagaang Irlanda ay "maaaring maging puno ng pagtatalo at kung anuman ang napiling gamitin ng isa ay maisisiwalat ang kanyang hinihirang kabanwahan."[18] Mas naaangkop gamitin sa Kahilagaang Irlanda ang mga katawagang "danay" o "lalawigan" .
Ang Britanya naman ay ginagamit bilang maikling katawagan sa Nagkakaisang Kaharian. AngKalakhang Britanya ay mariing tumutukoy lamang sa pangunahing pulo ng Ingglatera, Eskosya, at Gales.[19][20][21] Gayunman, sa banyagang pagtutukoy, lalo na sa Nagkakaisang Pamahalaan, ang Kalakhang Britanya ay maaaring singkahulugan ng Nagkakaisang Kaharian.[22][23] Ang GB at GBR ay ang mgapamantayan sa pagtatala ng bansa (tignan angPKP 3166-2 atPKP 3166-1 alpha-3). Gayon din, ang pangkat Olimpiko ng UK ay nakikipaligsahan sa katawagang "Kalakhang Britanya" o "Pangkat GB".[24]
Ang pang-uring Britaniko ay madalas gamitin para sa mga bagay na may kaugnayan sa Nagkakaisang Kaharian. Ito ay walang tiyak na pakahulugan sa batas, bagaman ito ay ginagamit upang tukuyin ang pagkamamamayan atkabansaan ng UK. Gumagamit ang mgaBritaniko ng maraming katawagan sa pagkakakilanlan ng kanilang lahi. Maaari nilang gamitin ang Britaniko, Inggles, Eskoses, Galés, Hilagang Irlandes, o Irlandes;[25] o kapwa alinman sa dalawa.[26]
Nagpalabas ng bagong anyo ngpasaporte ang UK noong 2006.[27] Sa unang dahon nito nakasaad sa wikang Inggles,Galés, atGeliko Eskoses ang mahabang katawagan sa UK. Sa Gales, ito ay"Teyrnas Unedig Prydain Fawr a Gogledd Iwerddon" at"Teyrnas Unedig" naman ang sa maikli.[28] Sa Geliko Eskoses, ito ay"Rìoghachd Aonaichte na Breatainne Mòire is Èireann a Tuath" at"Rìoghachd Aonaichte" naman ang sa maikli.
Sa panimula ng ika-19 na dantaon, pinangunahan ng Britanya andHimagsikang Kalalangin na nakapagpabago sa bansa. Unti-unting linipat nito ang kapangyarihang kabanwahan mula sa makalumang manoryalismong mga maririlag naKonserbador tungo sa mga makabagong mangangalalang. Ang pagtutulungan ng mga mangangalakal at mangangalalang, at ng mgaWhig ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng bagong lapian, angLapiang Liberal. Ito ay may pangingisip ayon samalayang kalakaran atlaissez-faire. Noong 1832, linagdaan ang Batas sa Malakihang Pagbabago upang mailipat ang kapangyarihang kabanwahan sa mga masa mula sa butikasan. Sa mga kabukiran, nawawalan ng kabuhayan ang mga hamak na magsasaka dahil sapagsasabakuran ng mga lupain nito. Nagsimulang dumami sa mga bayan at lungsod ang isang bagong manggagawang panglungsod. Dahil walang karapatang humalal ang mga karaniwang manggagawa, bumuo sila ng sariling kapisanan, ang mgasamahan sa kalakaran. Ang mgaKartista ay nakilaban din para sa pagbabagong kabanwahan ngunit hindi ito nagtagumpay.
Matapos ang pagkatalo ng Pransiya saDigmaang Himagsikang Pranses atDigmaang Napolyonika (1792-1815), nanguna ang NK sa kapangyarihang marangal at hukbong pandagat noong ika-19 na dantaon.[53] Ang Londres ang naging pinakamalaking lungsod sa daigdig simula noong 1830. Dahilwalang makahamon, ang pangingibabaw ng Britanya sa daigdig ay inilarawan bilangKapayapaang Britanika.[54][55] Noong panahon ngDakilang Tanghalan ng 1851, ang Britanya ay inilarawan bilang "gawaan ng daigdig".[56] Lumawak ang Sasakhari ng Britanya saIndia, sa malakingbahagi ng Aprika, at sa iba pang mga lupain sa buong daigdig. Kaalinsabay ng sapilitang pamamahala nito sa mga sakupbayan, pumangibabaw rin ang Britanya sa pandaigdigang kalakalan. Nangangahulugang mabisa ang pamamahala nito sa mga agimat ng maraming bansa tulad ng Tsina, Arhentina, atThailand.[57][58] Sa loob naman ng bansa, nagkaroon ng malawakang pagpalit ng mga patakaran sa malayang kalakalan atlaissez-faire. Unti-unti ring pinalawig ang mga karapatan sa halalan. Sa dantaong ito, naranasan din ang mabilis na paglaki ng santauhan at ng mga kalunsuran. Ito ay nagsanhi ng mahalagang pagtuon sa lipunan at agimat.[59] Noong 1875, hinamon ng Alemanya at Estados Unidos ang laguplop ng Britanya sa kalalang. Upang makahanap ng mga bagong kalakal at pamumuhatan ng mga panangkap, naglunsad angLapiang Konserbatibo sa pamumuno niDisraeli, na palawigin ang sasakhari sa Ehipto, Timog Aprika, at sa iba pang mga pook. Ang Kanada, Australya, at Bagong Selanda ay mga lupang-pinamamahalaang may mga sariling pamahalaan.[60]
Matapos ang taong 1900, ang pagbabagong panlipunan at panloob para sa Irlanda ang naging mahalagang usap-usapan. Nabuo angLapian ng mga Manggagawa sa pakikipagtulungan ng mga samahan sa kalakal at ng mga maliliit na Pulahang pangkat. Bago sumapit ang taong 1914, ang mgaBabaeng Suprahista ay nakilaban sa karapatang humalal ng mga kababaihan.
Nakilaban ang NK kasama ng Pransiya, Rusya, at (pagkatapos ng 1917) ang EUA, laban sa Alemanya at ng mga kakampi nito noongUnang Digmaang Pandaigdig (1914-18).[61] Nakilahok ang sandatahang lakas ng UK sa pakikidigma sa magkabilaang dulo ng Sasakhari nito at sa maraming danay ng Europa, lalo na saKanluraning Bungarin. Matapos ang digmaan, nakatanggap ang UK ng kautusan mula saTipanan ng mga Bansa patungkol sa pamamahala ng mga dating sakupbayan ng Alemanya atOtoman. Dahil dito, nakamit ng Sasakhari ng Britanya ang pinakamalawak nitong hangganan. Nasakop na nito ang isang-kalima ng lupain at isang-kapat ng santauhan ng daigdig.[62] Gayon man, dalawa’t kalahating angaw ang nasawing mga Britaniko at iniwan nito ang UK na may malaking pambansang kautangan.[63] Ang pagbangon ngPagkamakabansang Irlandes at ang mga sigalot nito sa Irlandes ukol sa kairalan ngBatas Panloob ng Irlanda ay humantong sapagkakahati ng pulo noong 1921,[64] at angMalayang Pamahalaang Irlandes ay nagsarili na maykatayuang Lupang-pinamamahalaan noong 1922. Ang Kahilagaang Irlanda ay nanatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Ang mga sunud-sunod na aklasan noong gitna ng pultaong-20 ay nanaluktok noongMalawakang Aklasan ng 1926. Hindi pa man nakababawi ang UK sa sinapit nito sa digmaan, nang nangyari angMalawakang Kagipitan (1929-32). Humantong ito sa maykalakhang walang kinikita, paghihirap ng dating mga pook-kalalang, at kabalisahan sa lipunan at kabanwahan. Nabuo ang pag-iisang pamahalaan noong 1931.[65]
Nakilahok ang UK sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang ipahayag nito ang pakikidigma laban sa Alemanya noong 1939. Noong 1940, naging punong tagapangasiwa at pinuno ng pag-iisang pamahalaan si Winston Churchill. Bagaman natalo ang mga kakampi nito sa Europa sa unang taon ng digmaan, mag-isa pa ring lumaban ang UK laban sa Alemanya. Noong 1940, natalo ang AlemangLuftwaffe sa mgaMHP saDigmaan ng Britanya sa pakikipagbaka sa paghawak ng himpapawid. Gayunpaman, nagtamo rin ang UK ng matinding pamomomba noongBlitz. Mayroon ding mga pinaghirapang pagtagumpayan ang UK tulad ng saDigmaan ng Atlantiko,Labanan sa Hilagang Aprika, atLabanan sa Burma. Mahalaga ang pagganap ng lakas ng UK sa mgaPagdaong sa Normandiya noong 1944. Matapos ang pagkatalo ng Alemanya, ang UK ay isa sa mga Naglalakihang Tatlong bansa na dumalo sa pagtitipon upang balakin ang mga kabagayan matapos ang digmaan. Isa rin ito sa mga unang lumagda saPahayag ng Mga Nagkakaisang Bansa. Ang UK ay naging isa sa limang panatilihang kasapi ngKapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa. Ngunit iniwan ng digmaan ang UK na malubhang mahina at umaasa sa pananalapi ngTulong Marshall at sa mga pautang ng Nagkakaisang Pamahalaan.[66]
Matapos ang mga digmaan, nagpasimula angpamahalaang Manggagawa ng mga patakaran sa higit na pagbabago na pupukaw sa lipunan ng mga Britaniko sa mga susunod na taon.[67] Ang mga pangunahing kalalang at ang mga palingkurang-bayan ayisinabansa; itinatag ang isangPamahalaang Mapang-ako; at isang malawakang pamamaraan sa pangangalagang pangkalusugan na ginugugulan ng taumbayan tulad ng pagkakabuo ngPambansang Palingkuran sa Kalusugan.[68] Dahil sa napataon ang pagbangon ng pagkamakabansa sa mga sakupbayan sa pagkabawas ng kapangyarihan ng Britanya sa agimat, kinailangan ang isang patakaran para sapagpapalaya ng mga ito. Binigay nito ang kasarinlan ng India atPakistan noong 1947.[69] Sa loob ng tatlumpung taon, karamihan ng mga sakupbayan ng Sasakhari ng Britanya ay nakamit ang kasarinlan. Karamihan dito ay naging kasapi ngKapamansaan ng mga Bansa.[70]
Kahit ang UK ang ikatlong bansa na nakagawa ng isangkamalig para sa mga sandatang nuklear (protonuklear- sinubok ang bombang atomiko noong 1952), ang mga bagong hangganan ukol sa pandaigdigang gampanin ng Britanya ay nakasaad sakrisis ng Suez noong 1956. Tiniyak ng paglaganap ng wikang Inggles ang pangingibabaw nito sapanitikan atkalinangan ng daigdig, samantalang simula noong pultaong-60, angkalinangang tanyag ng Britanya ay naging tanyag maging sa ibayong-dagat. Dahil sa kakulangan ng mga manggagawa noong pultaong-50, hinikayat ng UK ang pandarayuhan mula sa mga bansa ng Kapamansaan. Dahit dito, naging isang lipunang may samu’t saring lahi ang UK.[71] Bagaman umakyat ang pamantayan sa pamumuhay noong pultaong-50 at 60, hindi naging kasing-bilis ang paglago ng agimat ng UK tulad ng saKanlurang Alemanya at Hapon. Noong 1973, sumapi ang UK saPamayanang Ekonomiko ng Europa (PEE), at nang ito ay nagingSamahang Europeo (SE) noong 1992, isa ito sa 12 kasaping nagtatag.
Nakasapi ang UK saSamahang Europeo noong 1973 kahit makalawang bineto ito ng Pransya noong 1961 at 1967. Sumang-ayon ang karamihan ng mga Briton (67%) na maging palagiang kasapi ng Samahan noong 1975.
Simula noong mga huling taon ng pultaong-60, nakaranas ng karahasan ang Kahilagaang Irlanda mula sa mga paramilitar (na minsa’y nagdudulot din ng dahas sa ibang bahagi ng UK). Ang pangyayaring ito ay mas kilala sa katawagangAng Kabagabagan. Sinasabing ito ay nagtapos noongKasunduang Biyernes Santo sa Belpas ng 1998.[72][73]
Dahil sa matagalang paghina ng agimat at mga alitang kalalangin noong pultaong-70, nagpanimula angPamahalaang Konserbatibo ng 1980 ng mga patakarangmonetarismo, deregulasyon lalo na sa sektor ng pampananalapi (halimbawa,Malaking Bang noong 1986) at kalakal sa manggagawa, pagbibili sa mga pagmamay-ari ng pamahalaan (pagsasapribado), at pagbawi sa mga tulong-pananalapi.[74] Dahil dito, maraming tao ang nawalan ng pagkakakitaan, pagkabalisa ng lipunan, at pagbagal ng agimat lalo na sa bahaging paninilbi. Mula 1984, ang agimat ay tinulungan ng malaking kita salangis sa Dagat Hilaga.[75]
Sa pagtatapos ng ika-20 dantaon, may mga malalaking pagbabago sa pamamahala ng UK sa Eskosya at Kahilagaang Irlanda dahil sa pagkakatatag ng mga pambansang pangasiwaan kung saaninililipat ang kapangyarihang mamahala dito.[76] Isangpagsasabatas din ang ginawa alinsunod saKatipunang Europeo sa Karapatang Pantao. Ang NK ay may mahalaga pa ring gampanin sa pakikipagsuguan at hukbuan. Nangunguna rin ito sa mga gampanin saUE,NB, atKKHA. Gayunpaman, may mga alitan ding natanggap ang Britanya ukol sapaggamit ng mga panghukbo nito sa ibayong-dagat, lalo na saApganistan atIrak.[77]
Sa taong 2013, ang UK ay nagsusumikap pa ring makaahon sa kagipitang naganap sa pandaigidgang panganib sa pananalapi noong 2008. Isang pakikipagtulungan sa pamahalaan ang nagpanukala ng mga hakbang sa paggigipit upang lutasin ang malaking kakulangan sa pananalapi.[78]
Ang kabuuang lawak ng Nagkakaisang Kaharian ay tinatayang 243,610 km pa (94,060 mi pa). Nasasakupan nito ang kalakihan ngKapuluang Britaniko.[79] Kabilang din dito ang pulo ng Kalakhang Britanya, ang isang-kanim na hilagang-silangang bahagi ng pulo ng Irlanda, at iba pang mga malilit na kapuluan sa paligid nito. Ang NK ay napapagitnaan ng Karagatang Hilagang Atlantiko at ng Dagat Hilaga. Ang timog-silangang baybayin ay mayroon lamang kitid na 35 km (22 mi) mula sa baybayin ng Hilagang Pransiya. Pinaghihiwalay ito ngBangbang Inggles. Hanggang sa taong 1993, 10% ng NK ay kagubatan. 46% nito ay nakalaan sa pasabsaban at 25% naman sa pagsasaka. AngMaharlikang Pamasiran ng Greenwich sa Londres ay ang palatandaan ngUnang Katanghalian.[80]
Ang Nagkakaisang Kaharian ay nasa gitna ng mga layong49° hanggang61° H, at mga habang9° K hanggang2° S. Ang Kahilagaang Irlanda ay may 360-kilometrong hagganang-lupa sa Republika ng Irlanda. Ang susul ng Kalakhang Britanya ay may habang 17,820 kilometro.[81] AngLagusan sa Bangbang ang dumurugtong sapanlupalop na Europa. Ito ang pinakamahabang lagusan sa ilalim ng dagat na may habang 50 kilometro (38 kilometro sa ilalim ng dagat).[82]
AngIngglatera na may lawak na 130,395 kilometrong parisukat ay bumubuo sa higit kalahati ng kabuuan ng NK.[83] Halos kapatagan ang binubuo ng bansa. Mabundok naman sa hilagang-kanluran ngGuhit Tees-Exe kung saan matatagpuan angKabundukan ng Kumbriya ng Purok Lawa, angPennines at ang mga burol na batong-apog ngPurok Rurok,Exmoor atDartmoor. Ang mga pangunahing ilog at wawa ay angTamesis,Severn, atHumber. Ang pinakamataas na bundok ng Ingglatera ay angTulos Scafell (978 metro) saPurok Lawa. Ang mga pangunahing ilog nito ay ang Severn, Tamesis, Humber, Tees, Tyne, Tweed, Avon, Exe, at Mersey.
AngEskosya na may lawak na 78,772 kilometrong parisukat ay bumubuo lamang sa kulang-kulang isang-katlo ng kabuuan ng NK.[84] Binubuo rin ito ng halos walong daangmga pulo karamihan ay matatagpuan sa kanluran at hilaga nito.[85] Isa sa mga bantog na pulo ay angHebrides,mga pulo ng Orkney atmga pulo ng Shetland. Ang kalatagan ng Eskosya ay pinaghihiwalay ngLamat sa Bulubunduking Hagganan–isangpaladutaaang lamat–na tumatawid sa Eskosya mulaArran sa kanluran hanggang saStonehaven sa silangan.[86] Hinahati ng lamat na ito ang dalawang magkaibang rehiyon: angBulubundukin sa hilaga at kanluran at angkapatagan sa timog at silangan. Ang Bulubunduking rehiyon ang bumubuo sa halos bulubunduking lupain ng Eskosya. Matatagpuan dito angBen Nevis (1,343 metro), ang pinakamataas na tuktok sa buong pulo ng Britanya.[87] Ang kapatagan naman ay nagsisimula sa pagitan ngWawa ng Clyde atWawa ng Forth, o mas kilala sa katawagangGitnang Pamigkis. Dito rin matatagpuan ang karamihan ng santauhan kabilang angGlasgow, ang pinakamalaking lungsod sa Eskosya, at angEdimburgo and pangulong-lungsod nito.
AngGales na may lawak na 20,779 kilometrong parisukat ay bumubuo lamang sa kulang-kulang isang-kasampu ng kabuuan ng NK.[88] Bulubundukin ang Gales, ngunit mas kakaunti ang matatagpuang bundok saTimog Gales kaysa saHilaga atGitnang Gales Ang pangunahing santauhan at mga pook kalalangin ay matatagpuan sa Timog Gales, na binubuo ng mga baybaying lungsod ng Cardiff, Swansea at Newport, at sa kanilang hilaga, angLambak ng Timog Gales. Ang pinakamatataas na mga bundok sa Gales ay nasaSnowdonia kung saan narito ang pinakamataas na tuktok sa Gales, angSnowdon (Gales:Yr Wyddfa) na may taas na 1,085 metro. Ang 14, o maaaring 15 mga bundok na may taas na hihigit sa 914 metro ay magkakasamang tinatawag naTatatlong-libuhing Gales. Ang Gales ay may mahigit sa 1,200 kilometrong susul. Marami ring mga pulo ang nakapalibot sa lupalop nito, kung saan angAnglesey (Gales:Ynys Môn) ang pinakamalaki.
AngKahilagaang Irlanda ay mayroon lamang lawak na 14,160 kilometrong parisukat at ito ay maburol.[89] Dito matatagpuan angDanaw ng Neagh, ang pinakamalawak na lawa sa Kapuluang Britaniko, na may lawak na 388 kilometrong parisukat. Ang pinakamataas na tuktok naman ay angSlieve Donard na matatagpuan saKabundukan ng Mourne na may taas na 852 metro.
Ang Nagkakaisang Kaharian ay may katamtamang kapanahunan na nakararanas ng masaganang tubig-ulan sa buong taon. Nagbabago ang tanap ayon sa panahon. Malimit itong bumaba sa -11ºS o tumaas sa 35 ºS.[90] Kadalasang umiihip ang malakas na hangin galing Karagatang Atlantiko sa timog kanluran. Ito ay madalas na may kasamang banayad na pag-ulan. Ngunit hindi nito naaabot ang silangang bahagi kaya’t ang kanlurang bahagi ang laging maulan at ang silangan naman ay tuyo. Ang alimbukay na nanggagaling sa Atlantiko na pinaiinit naman ngLook Batis ang nagdadala ng banayad na tag-yelo lalo na sa kanluran kung saan ang tag-yelo ay mas basa. Ang tag-araw ay pinakamainit sa timog silangan ng Ingglatera dahil ito ang pinakamalapit sa lupalop ng Europa. Sa hilaga naman nararanasan ang pinakamalamig na tag-araw. Nararanasan ang matinding pagbuhos ng niyebe sa mga matataas na pook sa panahon ng tag-yelo hanggang sa maagang panahon ng tagsibol.[91]
Bago pa man nabuo ang Nagkakaisang Kaharian, ang bawat bansa nito ay may kanya-kanya ng pamamaraan ng pampangasiwaan at taladutaaning patoto. Kaya “walang maituturing na suson ng pampangasiwaang bahagi na karaniwan sa Nagkakaisang Kaharian.” Hanggang sa ika-19 na dantaon, malimit na mabago ang pagkakabahagi ng UK, ngunit mayroong palagiang pagbabago sa mga katungkulan nito. Dahil hindi rin magkakaanyo ang mga pagbabago at sa pagsasalin ng kapangyarihan sa pampook na pamahalaan ng Eskosya, Gales, at Kahilagaang Irlanda, malayong ang mga susunod na pagbabago ay magiging magkakaanyo.
Ang mga pampangasiwaang pagkakabaha-bahagi ng Nagkakaisang Kaharian.
Ang pagbuo ngpampook na pamahalaan ng Ingglatera ay masalimuot pati na rin ang pamamahagi ng mga katungkulan nito na naiiba-iba ayon sa pampook na kasunduan. Ang pagsasabatas na nauukol sa pamahalaang pampook ng Ingglatera ay pananagutan ng batasan ng UK at ngPamahalaan ng Nagkakaisang Kaharian dahil walang sariling batasan ang Ingglatera. Ang nakatataas na hanay ng mgapagbabahagi ng Ingglatera ay ang siyam narehiyon ng tanggapan ng Pamahalaan.[92] AngKalakhang Londres ay isang danay na may kapulungang tuwirang hinahalal at may isang punong-bayan simula noong 2000. Ito ay gayon dahil ang panukalang ito ay tinaguyod sa isangpagtutukoy.[93] Binalak nito na ang ibang danay ay magkaroon din ng sariling inihalal nakapulungan, ngunit ang panukalang ito ay tinanggihan ng danay ngHilagang Silangan sa isangpagtutukoy noong 2004.[94] Sa ilalim ng danaying hanay, ang ibang danay ng Ingglatera ay maykapulungang lalawigan at kapulungang purok. Ang iba naman ay may pangkaisahang kapamahalaan. Samantala, ang danay ng Kalakhang Londres ay may 32bayan at isang lungsod, angLungsod ng Londres. Ang mga Kagawad ng kapulungan ay inihahalal saparaang paramihan ng halal sa mga tanurang pang-isahang sapi. Ang ibang paraan naman ay sa pamamagitan ng pamamaraangmulti-member plurality sa tanurang pangmaramihang sapi.[95]
Angpamahalaang pampook ng Kahilagaang Irlanda ay binubuo na ng 26 kapulungang purok simula pa noong 1973. Ang bawat isa ay naihalal sa pamamaraangsingle transferable vote. Ang kanilang kapangyarihan ay nakatakda lamang sa pagkuha ng mga basura, pagpatnubay sa mga aso, at pagsasaayos ng mga liwasan at himlayan.[102] Noong 13 Marso 2008, napagkasunduan ng tagapagpaganap ang panukalang bumuo ng panibagong 11 kagawad at palitan ang kasalukuyang pamamaraan. Ipinagpaliban ang susunod na pampook na halalan sa 2011 upang mapadali ito.[103]
Ang tanawin ngDagat Karibe saKapuluang Kayman. Ang kapuluang ito ay isa sa mga pangunahing pook ng pandaigdigang pananalapi[104] at puntahan ng mga manlalakbay.[105]
Ang Nagkakaisang Kaharian ay isangkahariang may saligang-batas na maypamahalaang pangkaisahan. Ang kanyang kamahalan,Charles III ang pinuno ng bansa ng NK at ng labinlimangbansa sa Kapamansaan. Ang kaharian ay may “karapatang pagsanggunian, humimok, at magpaalala”.[112] Ang Nagkakaisang Kaharian ay isa sa natatanging apat na mga bansa na may saligang-batas na di-nasusulat.[113][tala 2] Kung sa gayon, angSaligang-Batas ng Nagkakaisang Kaharian ay halos lahat binubuo ng kaipunan ng mga iba’t ibang kasulatan tulad ng mgapalatuntunan, mgakasong naisabatas at mga pandaigdigang kasunduan, at ngkatipunan sa saligang-batas. Dahil walang pagkakaiba ang karaniwang palatuntunan sa “batas pang-saligang-batas”, maaaring “mabago” ito sa pamamagitan ng paglagda ngbatasan ng NK ng isangBatas ng Batasan. Sila ay may kapangyarihang baguhin o tanggalin ang anumang nasusulat o di-nasusulat na bahagi ng saligang-batas. Ngunit, hindi ito maaaring magsabatas na hindi mababago ng mga susunod na Batasan.[114]
Ang katungkulan ng pagigingpinuno ng pamahalaan ng NK ay nasaPunong Ministro.[115] Siya ay kabilang sa kasapian ng batasan. Ang kasapiang ito ang nagbibigay ng ‘‘halal sa pag-asa’’ ng nakararaming lapian sa Pamahayan ng mga Hamak. Kadalasang ang pinuno ng pinakamalaking lapian sa pamahayan ang nakakakamit nito. Mamimili ang punong tagapangasiwa ng kalupunan ng mga tagapangasiwa na silang maitatalaga naman ng kaharian. Sila ang bubuo ngPamahalaan ng Kanyang Kamahalaan. Sa kaugalian, iginagalang ng Haribini ang anumang maging pasya ng punong tagapangasiwa sa pamamahala.
AngBahay-Hari ng Westminster, ang luklukan ng dalawang pamahayan ng Batasan ng Nagkakaisang Kaharian
Ang tatlong pangunahing lapian sa NK ay ang mga Lapiang Konserbataibo,Lapian ng Manggagawa, at ang Demokratang Liberal. Noong nakaraang pangkalahatang halalan ng 2010, ang mga naluklok sa tatlong lapiang ito ay 622 sa 650 luklukan sa Pamahayan ng mga Hamak.[117][118] Ang karamihan sa mga natirang luklukan ay nakamit ng mga lapiang lumalaban sa kani-kanilang pook sa NK: angPambansang Lapiang Eskoses (sa eSKOSYA lamang);Plaid Cymru (sa Gales lamang); at angLapiang Demokratikong Samahang Manggagawa,Lapiang Demokratikong Lipunan at Manggagawa,Lapiang Manggagawa ng Ulster, atSinn Féin (sa Kahilagaang Irlanda lamang bagaman angSinn Féin ay lumalaban din sa mga halalan sa Republika ng Irlanda). Alinsunod sa patakaran ng lapian, wala pang naihalal na kasapi ngSinn Féin ang kailanman dumalo sa Pamahayan ng mga Hamak upang katawanin ang kanilang kapisanang panghalalan dahil sa pangangailangang panunumpa sa katapatan sa kaharian. Gayunpaman, ang kasalukuyang limang KP naSinn Féin ay ginagamit ang mga tanggapan at ibang kagamitan sa Westminster.[119] Ang NK ay may kasalukuyang 72 mgaKPE na naihalal para saBatasang Europeo. Sila ay naihalal sa 12 kapisanang panghalalan na maypangmaramihang sapi.[120]
Ang Eskosya, Gales, at Kahilagaang Irlanda ay may kanya-kanyangpamahalaan o tagapagpaganap na binigyang-kapangyarihan. Ito ay pinamumunuan ng isangPangulong Tagapangasiwa (o sa Kahilagaang Irlanda, isangdiyarkal naPangulong Tagapangasiwa at kinatawang Pangulong Tagapangasiwa) at isangbatasang may iisang pamahayan. Ngunit ang Ingglatera, ang pinakamalaking bansa sa Nagkakaisang Kaharian, ay walang mga ganitong pamahalaan na ginawaran. Bagkus, sila ay tuwirang pinangagasiwaan at pinagbabatas ng pamahalaan at batasan ng NK. Sa kadahilanang ito, umusbong ang tinatawag naKatanugang Kanlurang Lothian na nauukol sa pakikilahok ng mga kasapi ng batasan (KP) ng Eskosya, Gales, at Kahilagaang Irlanda,[121] sa mga bagay o suliranin na kaugnay lamang sa Ingglatera.[122]
AngPamahalaang Gales at angPambansang Kapulungan ng Gales ay mas may maliit na kapangyarihan kaysa ng sa naibigay sa Eskosya.[126] Maaaring magsabatas ang Kapulungan tungkol sa mga bagay na binigyang-kapangyarihan sa pamamagitan ngBatas ng Kapulungan. Ayon sa batas, hindi ito nangangailangan ng pahintulot buhat sa Westminster. Nanalo ang mumunting Lapian ng Manggagawa noong nakaraanghalalan ng 2011. Pinamumunuan ito niCarwyn Jones.
Ang NK ay walangsaligang-batas na nasusulat. Ang mga bagay na nauukol sa saligang-batas ay isa sa mga kapangyarihang hindi binigay sa Eskosya, Gales, at Kahilagaang Irlanda. Ayon sa turo ngKalayaan ng Pambatasan, ang batasan ng NK ay maaaring alisin ang Batasang Eskoses, Kapulungang Gales, at Kapulungang Kahilagaang Irlanda.[127][128] Sa katunayan, noong 1972, pinagkaisahan ng Batasan ng NK naantalahin ang pagkakatatag ngBatasan ng Kahilagaang Irlanda. Ito ang naging alinsunuran patungkol sa mga napapanahong kapisanang bingyang-kapangyarihan.[129] Sa kaugalian, malayong mangyaring tanggalin ng batasan ng NK ang pagbibigay-kapangyarihan dahil sa mga pinagkasunduang taliktik noong mapagpasyahan ang reperendum na ito.[130]
Mas malaki kaysa sa Eskosya at Gales ang mga talikitang pinataw sa kapangyarihan ng batasan ng NK na makialam sa pagbibigay-kapangyarihan sa Kahilagaang Irlanda dahil ito ay nakabatay sa kasunduan sa pagitan ngPamahalaan ng Irlanda.[131]
Ang Batas Inggles, na umiiral saIngglatera at Gales, atBatas Hilagang Irlandes ay kapwa nakabatay sa palatuntunin ngBatas Panlahat.[136] Ayon sa umiiral na mga palatuntunan, ang Batas Panlahat ay nabubuo sa paggamit ng mga hukom ng mga kautusan, alinsunuran, at bihasang pangingisip sa mga nahagap na datos, sa pagpapaliwanag sa mga hatol na may kaugnayan sa palatuntuning legal. Ang mga ito ay maiiakma sa mga susunod na kasong kahalintulad nito (stare decisis).[137] AngKahukuman ng Ingglatera at Gales ay pinamumunuan ngPangulong Kahukuman ng Ingglatera at Gales, na binubuo ngHukuman sa Paghahabol, angMataas na Hukuman ng Katarungan (para sa kasong pangmamamayan), at angHukuman ng Kaputungan (para sa kasong kriminal). Ang Kataas-taasang Hukuman ang pinamataas na hukuman sa Ingglatera, Gales, at Kahilagaang Irlanda para sa mga paghahabol sa kasong pangmamamayan at kriminal. Ang anumang pasya ng hukumang ito ay maiiakma sa bawat ibang hukumang nasasakupan nito.[138]
Ang Batas Eskoses ay may magkahalong pamamaraan na nakabatay sa mga palatuntunin ng batas panlahat atbatas pangmamamayan. Ang mga pangunahing hukuman ay angHukuman ng Kapulungan para sa mga kasong pangmamamayan,[139] at angMataas na Hukuman ng Punong Hukom para sa mga kasong criminal.[140] Ayon sa Batas Eskoses, ang Kataas-taasang Hukuman ng Nagkakaisang Kaharian ay ang pinakamataas na hukuman sa paghahabol para sa mga kasong pangmamamayan.[141] Ang mgahukumang eskribano ang lumilitis sa mararaming kasong pangmamamayan at kriminal. Dito rin nililitis ang mga kasong kriminal sa pamamagitan ng inampalan, na kilala sa katawagang “takdang hukuman ng eskribano”, o kung walang inampalan, “di-takdang hukuman ng eskribano”.[142] Naiiba ang pamamaraang legal sa Eskosya sa pagkakaroon nito ng tatlong maaaring maging hatol sapaglilitis ng isang kasong kriminal:may-sala,walang-sala, at”di-napatunayan”. Mapapawalang-sala ang isang tao kung ang hatol ay “walang-sala” at “di-napatunayan”. Hindi na rin ito maaaring malitis muli.[143]
Tumaas ang krimen sa Ingglatera at Gales sa pagitan ng taong 1981 at 1995. Ngunit ayon sa mgaPalaulatan sa krimen, ito ay bumaba ng 48% (1995-2008) simula noon. Sa katulad na mga taon, angsantauhan sa bilangguan ng Ingglatera at Gales ay makalawang tumaas sa bilang na hihigit sa 80,000. Sa bawat 100,000 katao, may 147 nabibilanggo at dahil dito, ang Ingglatera at Gales ang may pinakamataas na paglaki sa bilang ng nabibilanggo sa buong Kanluraning Europa.[144] AngPalingkurang Bilibid ng Kanyang Kamahalan, na may pananagutan saPangangasiwa sa Katarungan, ang namamahala sa halos lahat na mga bilangguan sa Ingglatera at Gales. Ang krimen naman sa Eskosya ay bumaba sa pinakamababa nitong tala sa loob ng 32 taon noong 2009-10. Ito ay bumaba ng sampung bahagdan.[145] Sa magkatulad na taon, bumaba rin ang santauhan sa mga bilangguan sa Eskosya na mayroon lamang hihigit sa 8,000 katao.[146] Ito ang pinakamababang naitala sa kasaysayan ng Eskosya.[147] AngPalingkurang Bilibid ng Eskosya, na may pananagutan saKalihim sa Tagapangasiwa ng Katarungan, ang namamahala sa mga bilangguan sa Eskosya. Ayon sa pag-uulat ng Ugnayan sa Araling Pagmamatyag noong 2006, napag-alamang ang NK ang may pinakamataas na antas ngpagmamatyag sa madla sa lahat ng mga mauunlad na bansa sa Kanluranin.[148]
Ang NK ay maypangkalakalang agimat na bahagiang hinihimasok.[159] Ayon sapalitan ng kalakal ang NK ang ika-anim na may pinakamalaking agimat sa daigdig. Sa Europa, sinundan nito ang Alemanya at Pransiya. Sa kauna-unahang pangyayari sa loob ng sampung taon, naabutan ito ng Pransiya noong 2008. AngIngatang-yaman KK ay pinamumunuan ngKasangguni ng Ingatang-yaman. Ito ay may pananagutan sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga patakaran sapampublikong pananalapi atagimat ng bansa. AngBangko ng Ingglatera ay angpangunahing bangko ng NK. Ito ay may pananagutan sa paglathala ng pananalapi ng bansa, angLibra Esterlina. May karapatan ring maglathala ng kanilang sari-sariling salapi ang mga bangko sa Eskosya at Kahilagaang Irlanda kung ang mga ito ay may sapat na nakalaang salapi ng Bangko ng Ingglatera. Sinundan ng Libra Esterlina ang Dolyar at Euro sa may pinakamaramingnakalaang pananalapi sa daigdig.[160] AngLupon sa Patakarang Pananalapi ng Bangko ng Ingglatera ay pinamumunuan ngTagapangasiwa ng Bangko ng Ingglatera. Ito ang may pananagutan sa pagtakda nghalaga ng interes sa antas na aangkop sa pagtaas ng halaga ng bilihin na itinatakda naman ng Kasangguni kada taon.[161]
Angpaninilbihang bahagi ay bumubuo sa tinatayang 73% ng KGK.[162] Ang Londres ay isa sa tatlong “pangunahing pamumuno” ngpandaigdigang agimat (ang natirang dalawa ay ang Lungsod ng Bagong York at Tokyo).[163] Tulad ng Bagong York, ang Londres ay isa rin sa mga pinakamalaki sa larangan ng pananalapi, at ang pinakamalakingKGK panglungsod sa Europa. Ang Edimburgo ay isa rin sa mga pinakamalaki sa Europa.[164] Napakahalaga ngturismo sa agimat ng bansa. Naitalang may 27 angaw na manlalakbay ang nagtungo sa bansa noong 2004. Dahil dito, ang Nagkakaisang Kaharian ang ika-anim sa daigdig bilang pangunahing puntahan ng mga manlalakbay[165] at ang Londres naman ang lungsod na may pinakamaraming dayuhang manlalakbay sa buong daigdig.[166] Angkalalang sa paglilikha naman ay bumubuo sa 7%GVA noong 2005 at lumaki ito ng humigit kumulang 6% kada taon sa pagitan ng 1997 at 2005.[167]
AngHimagsikang Indutriyal ay nagsimula sa NK noong nakatuon ang agimat sa kalalang ng tela. Sinundan ito ng mga mabibigat na kalalang tulad ngpaggawa ng barko, pagmina ng uling, atpaggawa ng bakal.[168][169]Ang mga sakupbayan ng sasakhari ay naging pook-kalakalan para sa mga gawang Britaniko. Dahil dito, pumangibabaw ang NK sa pandaigdigang kalakalan noong ika-19 na dantaon. Kung ang mga ibang bansa ay nagtagumpay sa mga kalalang, ang Nagkakaisang Kaharian ay nagsimulang humina matapos ang dalawang digmaang pandaigdig. Kasabay ng pagbagsak ng agimat, patuloy na bumagsak din ang mabibigat na kalalang noong ika-20 dantaon. Ang kalalang sa paggawa ay nanatili pa ring mahalaga sa agimat ngunit ito ay bumubo lamang sa 16.7% ng mga nalika ng bansa noong 2003.[170]
Ang pakpak at makina ngAirbus A350 ay ginawa sa NK.
Angkalalang sa awtomotor ay mahalagang bahagi sa kalalang ng paggawa dahil mahigit 800,000 katao ang bilang ng manggagawa rito, tumutubo ng tinatayang £52 sanggatos, at nakapagluluwas ng mahigit £26.6 sanggatos.[171] Angkalalang sa eroplano ng NK ay pangalawang pinamakalaki sa daigdig. Ito ay tumutubo ng tinatayang £20 sanggatos kada taon.[172] Angkalalang sa paggawa ng gamot ay mahalaga rin sa agimat ng bansa dahil ito ay pangatlo sa may pinakamataas na paggugol sa pananaliksik at paggawa nito sa buong daigdig (sumusunod lamang sa Nagkakaisang Pamahalaan at Hapon).[173]
Sa pamantayang Europeo, may maunlad na pagsasaka ang bansa. Kahit bumubuo lamang ito sa kulang-kulang 1.6% ng lakas manggagawa (535,000 manggagawa), nagagampanan nito ang 60% sa pangagailangan sa pagkain.[174] Tinatayang dalawang-katlo ng pagsasaka ay nakalaan sa paghahayupan at isang-katlo naman sa mga pananim. Ang magsasaka ay nakatatanggap ng tulong-pananalapi mula saPangkalahatang Patakaran sa Pagsasaka ng SE. Mayroon pa ring kalalang sa pangingisda ngunit ito ay labis na kumaunti. Ang bansa ay hitik din sa mga likas na yaman tulad ng uling, petrolyo, likas na gas, tingga, apog, bakal, asin, luwad, yeso, silise, at mayayabong na sakahan.
Sa huling ikapat ng taong 2008, ang agimat ng NK ay opisyal naumurong sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 1991.[175] Ang mganawalan ng kabuhayan ay tumaas mula 5.2% noong Mayo 2008 hanggang 7.6% noong Mayo 2009. At noong Enero 2012, ang pagtaas nito sa mga manggagawang may edad 18-24 ang nakakuha ng pinakamataas na pagbabago–mula 11.9% to 22.5%.[176][177] Ang kabuuangutang ng pamahalaan ng NK ay lumaki rin sa dating 44.4% ng KGK ay ngayo’y 82.9% ng KGK na sa taong 2011.[178]
Angguhit ng kahirapan sa NK ay kadalasang tinatakda sa 60% ng panggitna ng sambahayang kita.[tala 3] Noong 2007-2008, 13.5 angaw na katao o 22% ng santauhan ang namumuhay sa kahirapan. Ito ay mas mataas, sa alinmang bansa sa SE, liban sa apat, na antas ngmapaghihintularang kahirapan.[179] Sa katulad na taon, 4 na angaw na kabataan, o 31% ng kabuuan, ay naninirahan sa mahihirap na sambahayan. Nabawasan ito ng 400,000 kabataan simula noong 1998-1999.[180] Apatnapung bahagdan ng pangangailangan nito sa pagkain ay inaangkat.[181]
Si Charles Darwin (1809–82). Ang kanyang teorya sa likas na pagpili ang pinagsasaligan ng makabagong haynayaning agham.
Ang Ingglatera at Eskosya ay nangunguna saHimagsikang Agham mula noong ika-17 dantaon.[182] Pinangunahan ng Nagkakaisang Kaharian ang Himagsikang Kalalangin mula noong ika-18 dantaon at hanggang ngayon ay lumalalang ito ng mga paham at inhinyerong may mahahalagang pagtuklas.[183] Isa sa mga pangunahing paham noong ika-17 hanggang ika-8 dantaon ay siIsaac Newton. Ang kanyang pagkakatuklas sabatas sa paggalaw at ang pagpapaliwanag sagrabidad ang pinagsasaligan ng makabagong agham.[184] Noong ika-19 na dantaon, sumikat siCharles Darwin sa kanyang teorya ngebolusyon sa pamamagitan nglikas na pagpili. Ito ang naging batayan sa paglilinang ng makabagong biyolohiya. Sumikat rin sinaJames Clerk Maxwell, ang bumalangkas ng sinaunangteorya sa elektromagnetiko, at kamakailan siStephen Hawking, ang nagsulong ng mga mahahalagang teorya sa larangan ngkosmolohiya,grabidad ng quantum, at ang pagsisiyasat sa mgaitim na butas.[185] Isa sa mga mahahalagang pagtuklas sa agham noong ika-18 dantaon ay ang pagtuklas niHenry Cavendish saidogreno.[186] Noong ika-20 dantaon naman, ang pagtuklas ngpenisilina niAlexander Fleming,[187] ang kayarian ngDNA niFrancis Crick, at ng iba pa ay maituturing na mahahalaga.[188] Ang mga mahahalagang gawaing pang-inhinyero na kinabilangan ng mga tao mula sa NK noong ika-18 dantaon ay angmakina ng tren na pinapagana ng singaw na tinuklas ninaRichard Tevithick atAndrew Vivian.[189] Noong ika-19 na dantaon naman, ito ay angmakinang pinapagana ng kuryente niMichael Faraday, angbumbilyang nagbabaga niJoseph Swan,[190] at ang kauna-unahang teleponong pambahay na pinatanyag niAlexander Graham Bell.[191] Noong ika-20 dantaon naman, ito ay ang kauna-unahang gumaganang pamamaraan sa tanlap niKohn Logie Baird at ng kanyang mga kasama,[192] angmakinang pang-jet niFrank Whittle, ang saligan sa makabagong kompyuter niAlan Turing, at angWorld Wide Web niTim Berners-Lee.[193] Nanatiling mahalaga sa mga Britnikong pamantasan ang pananaliksik at paglilinang sa agham. Karamihan nito ay nagtayo ng mgaliwasang pang-agham upang mapadali ang paggawa at pakikipagtulungan sa kalalang.[194] Sa pagitan ng mga taong 2004 at 2008, 7% ng mga pananaliksik sa agham sa buong daigdig ay nalathala mula sa NK. Ito ang pangatlo sa pinakamataas sa buong daigdig (sinusundan lamang nito ang Nagkakaisang Pamahalaan at Tsina). 8% naman ng mga sangguniang pang-agham ang nalathala mula sa NK, ang pangalawa sa pinakamataas sa buong daigdig (sinusundan laman nito ang Nagkakaisang Pamahalaan).[195] Ang mga pahayagang pang-agham na nalalathala sa NK ay angNature,British Medical Journal (Britanikong Pahayagang Medikal) at angThe Lancet.[196]
Ang NK ay may 46,904 km pangunahing mga daan, 3,947 km lansangang tuluy-tuluyan, at 344,000 km daang aspaltado. Noong 2009, mayroong kabuuang 34 angaw na mga lisensiyadong sasaykan.[197]
Ito ay may 16,116 km daang-bakal saKalakhang Britanya, at 303 km naman saKahilagaang Irlanda. Ang mga daang-bakal sa Kahilagaang Irlanda ay pinapatakbo ngNI Railways (Daang-bakal ng KI), isang sangay ngTranslink na pagmamay-ari ng pamahalaan. Sa Kalakhang Britanya, isinapribado angBritanikong Daang-bakal noong mga taong 1994 at 1997. AngNetwork Rail (Ugnayang Daang-bakal) ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga kanang ari-arian (karil, tanda, atb.). Tinatayang may 20 pribadongSamahan ng mga Nagsasagawa sa Tren (kabilang angEast Coast na pagmamay-ari ng pamahalaan) na nagpapatakbo sa mga treng pantaong-sakay at naglululan ng mahigit 18,000 na taong-sakay araw-araw. Mayroon ding tinatayang 1,000 treng pang-karga ang tumatakbo araw-araw. Gugugol ang pamahalaan ng NK ng £20 sanggatos sa pagsasagawa ngHS2, isang daang-bakal na pangmatulin. Ito ay matatapos sa 2025.[198]
Simula noong Oktubre 2009 hanggang Setyembre 2010, ang mga paliparan sa NK ay tumanggap ng kabuuang 211.4 angaw na taong-sakay. Sa panahong yaon, ang tatlong pinakamalalaking paliparan ay angPaliparan ng Londres-Heathrow (65.6 angaw na taong-sakay),Paliparan ng Gatwick (31.5 angaw na taong-sakay), atPaliparan ng Londres-Stansted (18.9 angaw na taong-sakay). Ang Paliparan ng Londres-Heathrow, na matatagpuan 24 km mula sa kanluran ng punong-lungsod, ang may pinakamabigat na trapiko ayon sa pandaigdigang taong-sakay sa buong daigdig. Ito rin ang nagsisilbing pangunahing himpilan ng pambansang eroplano,British Airways. Gayon din angBMI, atVirgin Atlantic.[199]
Noong 2006, ang NK ang ika-9 sa pinakamalaking taga-ubos at ika-15 sa tagalikha ng kusog sa buong daigdig.[200] Matatagpuan dito ang mga ilan sa mga malalaking kompanya ng langis. Kabilang dito ang dalawa sa anim na"supermajor" sa langis at gas—angBP atRoyal Dutch Shell, at angBG Group.[201][202] Noong 2011, 40% ng kuryente ng NK ay nilikha ng gas, 30% ng uling, 19% ng lakas nukleyar, at 4.2% ng hangin, idro,biofuel, at mga basura.Noong 2009, nakalikha ang NK ng 1.5 angaw na barilyes kada araw ng langis at nakaubos ito ng 1.7 angaw na barilyes kada araw. Kumakaunti na ang paglikha ng langis kaya ang NK ay nagiging isa nang taga-angkat ng langis simula 2005. Noong 2009, 66.5% ng langis na naka-imbak ay inangkat.[203]
Noong 2009, ang NK ang ika-13 pinakamalaking tagalikha ng likas na gas sa buong daigdig, at ang pinakamalaki sa buong SE. Kumakaunti na rin ang paglikha nito at nagiging taga-angkat na ito simula noong 2004. Noong 2009, kalahati ng mga gas sa Britanya ay inangkat. Inaasahang dadalas pa ang pag-angkat sa 75% sa 2015 dahil nauubos na ang mga imbak nito sa bansa.
Ang paglikha ng uling ay naging mahalaga sa agimat ng bansa noong ika-19 at ika-20 dantaon. Noong gitnang pultaong-70, 130 angaw na tonelada ng uling ang nalilikha taon-taon. Hindi ito bumababa sa 100 angaw na tonelada hanggang noong 1980. Noong pultaong-80 hanggang 90, lubusang lumiit ang kalalang ng uling. Noong 2011, nakakalikha na lamang ang bansa ng 18.3 angaw na toneladang uling. Noong 2005, nakatuklas ito ng 171 angaw na toneladang imbak ng panumbalikang uling. Ayon saKapamahalaan sa Uling, maaari pa itong makalikha ng 7 hanggang 16 na sanggatosg toneladang uling sa pamamagitan ngpaggagas sa uling sa ilalim ng lupa ofraking. Bukod dito, ayon sa kasalukuyang bilis ng pag-ubos ng uling ng bansa, maaari pa itong tumagal ng 200 hanggang 400 taon. Ngunit isang alintana sa kalikasan at lipunan ang maaaring mangyari kung ang mga kemikal ay mahalo sa hapag-tubigan at may mga mahihinang paglindol na maaaring makawasak ng mga bahay.[204][205]
Noong mga huling taon ng pultaong-90, ang lakas nukleyar ay nakatulong sa tinatayang 25% ng kabuuang paglikha ng kuryente kada taon. Ngunit ito ay unti-unting bumababa dahil ang mga lumang gusaling lumilikha nito ay ipinasara. Noong 2012, may 16 na reaktor ang nakapaglilika ng 19% ng kuryente ng bansa. Lahat ng mga ito, maliban sa isa, ay maisasara sa 2023. 'Di tulad ng Alemanya at Hapon, binabalak ng NK na magtayo ng mga bagong salinlahing gusaling nukleyar sa 2018.
Nagsasagawa ng sabayanglahatambilang sa buong NK kada sampung taon.[206] AngTanggapan sa Pambansang Palaulatan ang nananagot sa pagtipon ng mga datos sa Ingglatera at Gales, angTanggapan sa Pangkalahatang Talaan ng Eskosya naman sa Eskosya, at angSangay sa Palaulatan at Pananaliksik ng Kahilagaang Irlanda naman sa Kahilagaang Irlanda.[207] Noonglahatambilang ng 2011, ang kabuuang santauhan ng bansa ay 63,181,775. Ito ang ikatlo sa pinakamalaki sa Samahang Europeo, ika-lima sa Kapamansaan, at ika-21 sa buong daigdig. Ang taong 2010 ang ikatlong taong sunud-sunod kung kailan ang paglaki ng santauhan ay dahil sa likas na paglaki nito sa halip na sa pangmatagalang pandarayuhan. Sa pagitan ng taong 2001 at 2011, lumaki ang santauhan nang humigit kumulang 0.7% kada taon. Maiihambing ito sa 0.3% noong mga taong 1991 hanngang 2001, at 0.2% noong 1981 hanggang 1991. Pinatibayan ng lahatambilang noong 2011 na ang bahagi ng santauhan na may edad 0-14 ay halos nangalahati (31% noong 1911 sa 18% noong 2011), habang ang may edad na 65 pataas ay naging mahigit makatatlo (mula 5% sa 16% ngayon). Tinatayang matarik na tataas ang bilang ng mga taong may edad 100 pataas sa mahigit 626,000 sa 2080.[208]
Ang santauhan sa Ingglatera noong 2011 ay nasa 53 angaw. Isa ito sa mga may pinakamakakapal na santauhan sa buong daigdig, na may 38 katao kada kilometrong parisukat noong kalagitnaan ng 2003. Matatagpuan ang karamihan ng santauhan nito sa Londres at sa timog-silangang bahagi nito.[209] Ang Eskosya naman ay may santauhang 5.3 angaw,[210] ang Gales na may 3.06 angaw, at Kahilagaang Irlanda ay may 1.81 angaw. Sa pagtatanto, ang santauhan ng Ingglatera ang pinakamabilis lumaki sa buong NK noong 2001 hanggang 2011. Ito ay umakya sa 7.9%
Noong 2009 angkabuuang bilang ng naiisilang kada mag-asawa (KBN) sa bansa ay 1.94 mga bata kada babae. Kahit lumalaki ang santauhan dahil sa bilang ng naisisilang na buhay, maituturing pa ring napakababa nito kung ihahambing noong 'dagundong ng mga sanggol' kung kailan ang bilang ay 2.95 mga bata kada babae noong 1964. Noong 2010, naitala ng Eskosya ang pinakamababa nitong KBN - 1.75. Sinusundan ito ng Gales sa 1.98, Ingglatera sa 2.00 at Hilagang Irlands sa 2.06.[211] Tinataya ng pamahalaan na mayroong 3.6 angaw namga homoseksuwal sa Britanya. Binubuo nito ang 6% ng santauhan.[212]
* Bahagdan ng kabuuang santauhan ng UK, ayon sa lahatambilang ng 2001
Ayon sa kasaysayan, pinaniniwalaang ang mga katutubong ninuno ng mga Britaniko ay nagbuhat sa iba't-ibang pangkat-etniko na nanirahan dito noong ika-11 dantaon: ang mgaSelta, Romano, Angglosahon, Nordiko, at ang mgaNormando. Anglahing Gales ay maaaring ang pinakamatandang pangkat sa NK.[215] Ipinakikita sa mga kamakailang pag-aaral sa pala-angkanan na mahigit 50 bahagdan ng pangkat-hene ng Ingglatera ay binubuo ngAlemanikong Y-kulaylawas.[216] Ngunit ayon din sa ibang mga bagong pag-aaral sa pala-angkanan, sinasabing "tinatayang 75 bahagdan ng mga ninuno ng makabagong Britaniko ay nanirahan sa kapuluang Britaniko noong mga nakalipas na 6,200 taon, sa panimula ng Panahong Bato o Neolitiko". Sinasabi rin na ang mga Britaniko at ang mgalahing Basko ay iisa ang kinaninunuan.[217][218]
Ang NK ay may kasaysayan ng maliliit na pandarayuhan ng mga di-puti. AngLiverpool ang may pinakamatandang santauhan ng mga Itim na nagsimula pa noong 1730. Ito rin ang may pinakamatandang pamayanangTsino sa buong Europa, na nagsimula pa noong pagdating ng mga namamalakayang Tsino noong ika-19 na dantaon. Noong 1950, maaaring may kulang-kulang na 20,000 na di-puting naninirahan sa Britanya, na karamiha'y isinilang sa labas ng bansa.[219]
Simula noong 1945, ang malakihang pandarayuhan ng mga taga-Aprika,Karibe, at Timog Asya ang pamana ng ugnayan na hinubog ngSasakhari ng Britanya. Simula 2004, ang pandarayuhan naman ng mga bagong kasapi sa SE saGitna at Silanganang Europa ang nagpalaki ng santauhan sa pangkat-etniko na ito, ngunit simula 2008, bumabaligtad ang takbo nito dahil marami sa kanila ang nagsisibalikan na sa kani-kanilang bayan. Dahil dito, lubhang lumiit ang pangkat na ito.[220] Simula2001, 92.1% ng santauhan ay napapabilang sa mga Puti, at ang nalalabing 7.9% %[221] ay may halo o napapabilang sa isangmaliit na pangkat-etniko.
Malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lahi sa NK. Ayon sa lahatambilang ng 2001, 30.4% ng santauhan sa Londres[222] at 37.4% saLeicester[223] ay tinatayang napapabilang sa mga di-puti, samantalang kulang-kulang 5% ng santauhan ngHilagang Silangang Ingglatera, Gales, at saTimog Kanluran ay napapabilang sa mga maliliit na pangkat-etniko.[224] Simula 2011, 26.5% ng nasa mababang paaralang pampubliko at 22.2% ng nasa mataas na paaralang pampubliko ay kasapi sa isang maliit na pangkat-etniko.[225]
Noong 2009,[226] tinatayang lumaki ang bilang ng mga di-puti sa Ingglatera at Gales ng 38%, mula 6.6 angaw noong 2001 sa 9.1 angaw noong 2009.
Ang pangkat na may pinakamabilis ang paglaki ay ang mga lahing may halo. Nangalawa ang bilang nito mula 672,000 noong 2001 sa 986,600 noong 2009.
Sa magkatulad na panahon, naitala ang pagbaba ng mga bilang ng Britanikong Puti. Bumaba ito ng 36,000 katao.[227]
AngDaigdig ng Wikang Inggles. Matingkad na bughaw ang mga bansa kung saan Inggles ang katutubong wika ng nakararami; mapusyaw na bughaw naman kung saan ito ay opisyal ngunit hindi winiwika ng nakararami. Ang Inggles ay isa sa mga opisyal na wika ngSamahang Europeo at ngNagkakaisang Mga Bansa.[228]
Mayroon ding apat naWikang Selta ang ginagamit sa bansa. Ito ang mgaGales,Irlandes,Geliko Eskoses, atKorniko. Ang unang tatlo ay kinikilala bilang rehiyonal o wikang pagkamunti na pinangangalagaan at itinataguyod ngbatas Europeo, samantalang ang Korniko naman ay kinikilala ngunit hindi pinangangalagaan. Ayon sa lahatambilang ng 2001, mahigit sa isang-kalima (21%) ng santauhan ng Gales ang nagsabi na marunong silang mag-Gales.[230] Tumaas ito ng 18% mula noong lahatambilang ng 1991.[231] Bukod dito, tinatayang mayroong 200,000 nagwiwika ng Gales ang nakatira sa Ingglatera.[232] Sa lahatambilang ring yaon, 167,487 katao (10.4%) sa Kahilagaang Irlanda ang nagsabing "may alam o dunong din silang mag-Irlandes" (tingnan angWikang Irlandes sa Kahilagaang Irlanda). Halos lahat nang nagsabi nito ay mula samakabansang santauhang Katoliko. Mahigit sa 92,000 katao sa Eskosya (o 'di tataas sa 2% ng santauhan) ay may kakayanang magwika ng Geliko, ang 72% nito ay ang mga nakatira saLabasang Hebrides.[233] Ang mga bilang ng mga mag-aaral na tinuturuan ng Gales, Geliko Eskoses, at Irlandes ay tumataas din.[234] Sa mga santauhang nandarayuhan, iilang Geliko Eskoses aywiniwika pa rin sa Kanada (pangunahin saBagong Eskosya atPulo ng Tangos Breton), at Gales saPatagonya sa Arhentina.
AngEskoses ay isang wikang nagbuhat sa sinaunang HilagangGitnang Inggles. Hindi ito gaanongkinikilala pati na rin ang sangay nitongEskoses-Ulster sa Kahilagaang Irlanda. Sa ngayon, walang pangako na pangalagaan at pag-ibayuhin ang wikang ito.[235]
Sa Ingglatera, sapilitan ang pag-aaral ng pangalawang wika sa mga may edad 14 pababa,[236] at edad 16 pababa naman sa Eskosya. Ang Pranses at Aleman ang dalawang pinakakaraniwang tinuturong pangalawang wika sa Ingglatera at Eskosya. Sa Gales, lahat ng mga mag-aaral na may gulang16 pababa ay tinuturuan ng Gales, o bilang isang pangalawang wika.[237]
Iba't ibang anyo ng Kristiyanismo ang nangibabaw sa bansa sa mahigit 1,400 taon.[238] Bagaman ayon sa pagsusuri, karamihan ng mga mamamayan ay napapabilang sa Kristiyanismo, ang dumadalo sa misa ay lubusang bumagsak simula noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon.[239] Ang pandarayuhan at pagbabago sa santauhanin ay nakapagpabago sa pag-usbong ng ibang pananampalataya, lalo na ang Islam.[240] Dahil dito, mapupunang ang NK ay isang lipunang may maraming pananampalataya,[241]banwahanin,[242] oKristiyanong makabago.[243]
Sa lahatambilang ng 2001, 71.6% ang nagsabing sila ay Kristiyano. Sinusundan ito ng (ayon sa bilang ng nananampalataya) Islam (2.8%),Hinduismo (1.0%),Sikismo (0.6%),Hudaismo (0.5%),Budismo (0.3%), at iba pang pananampalataya (0.3%).[244] Ang 15% naman ay nagsabing sila aywalang pananampalataya, at 7% naman ang nagsabing wala silang pinipiling pananampalataya.[245] Isang pagsusuri ngTearfund noong 2007 ang nagpakita na isa sa sampung Britaniko lamang ang nagsisimba linggu-linggo.[246]
Ang tinatayang bilang ng mga banyagang-silang ayon sa bansa ng kapanganakan, Abril 2007 - Marso 2008
Ang Nagkakaisang Kaharian ay nakaranas ng sunud-sunod na pandarayuhan. AngMalawakang Kagutuman sa Irlanda ay nagbunsod ng malamang isang angaw na katao na nandayuhan sa NK.[253] Mahigit sa 120,000Polakong datihang-kawal ang nanirahan sa Britanya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[254] Simula rin noon, marami ring mga pandarayuhang naganap buhat sa mga kasalukuyan at dating sakupbayan nito. Ito ay bahagi ng pamana ng sasakhari at bahagi na rin ng kakulangan sa manggagawa. Karamihan sa kanila ay nagbuhat saKaribe at sakalupalupan ng Indiya.[255]
Ang kamakailang takbo ng pandarayuhan ay nagbubuhat sa mga manggagawang galing sa mga bagong kasapi ng SE sa Silanganang Europa. Noong 2010, mayroon 7 angaw na banyagang-silang na naninirahan sa bansa o 11.3% ng kabuuang santauhan. Ang 4.76 angaw (7.7%) dito ay isinilang sa labas ng SE, at 2.24 angaw (3.6%) ay isinilang sa ibang kasapi ng SE.[256] Ang sukat ng mga banyagang-silang sa NK ay nanatiling mas maliit kaysa sa ibang maraming bansa ng Europa.[257] Ang pandarayuhan ay nakapagpapalaki ng lumalaki nang santauhan ng bansa.[258] Sa pagitan ng taong 1991 at 2001, tinatayang kalahati ng paglaki ng santauhan ay maipapabilang sa mga dayo at sa mga anak nitong isinilang sa NK. Ayon sa pag-aaral ngTanggapan ng Pambansang Palaulatan (TPE), mayroong kabuuang 2.3 angaw na dumayo sa bansa sa loob ng 15 taon mula 1991 hanggang 2006.[259][260] Tinataya ring ang pandarayuhan ay magdaragdag ng panibagong 7 angaw na katao sa santauhan ng bansa sa 2031,[261] bagaman pinagtatalunan pa ang tunay na bilang nito.[262] Inulat din ng TPE na ang bilang ng pandarayuhan ay umakyat ng 21% (o 239,000 katao) simula 2009 hanggang 2010.[263] Noong 2011, tumaas ito ng 251,000 o sa bilang ng pandarayuhan na 589,000. Samantala, ang bilang ng taong nangingibang-bansa (sa mahigit na 12 buwan) ay 338,000.[264]
Mayroong 195,046 na banyaga ang naging mamamayan ng Britanya noong 2010. 54,902 naman noong 1999.[265] Naitala naman na may 241,192 katao ang binigyang karapatan na manatiling manirahan noong 2010, 51% nito ay buhat sa Asya, at 27% naman buhat sa Aprika.[266] Ayon sa opisyal na Palaulatan ng 2011, 25.5% ng mga sanggol sa Ingglatera at Gales ang isinilang ng mga magulang na ipinanganak naman sa labas ng bansa.[267]
Ang mamamayan ng Samahang Europeo, kabilang ang NK, ay may karapatang manirahan at maghanap-buhay sa alinmang kasapi ng samahan.[268] Dumulog ang NK sa panandaliang paghihigpit sa mga mamamayan ng Romanya at Bulgarya na sumapi sa samahan noong Enero 2007.[269] Ayon sa pagsasaliksik ngSurian sa Patakarang Pandarayuhan para saLupon ng Pagkakapantay-pantay at Karapatang Pantao, mayroong 1.5 angaw na manggagawa na nagbuhat sa mga bagong kasapi ng SE ang dumayo sa bansa noong Mayo 2004 hanggang Setyembre 2009. Ang dalawang-katlo rito ay mga Polako, ngunit karamihan sa kanila ay nagsiuwian na. Dahil dito, umakyat ng 700,000 ang mga dumayo sa bansa sa panahong iyon.[270] Dahil sapag-urong ng agimat noong 2000, nabawasan ang panggayak ng mga Polako sa pandarayuhan sa NK,[271] at ito ay naging panandalian.[272] Noong 2009, sa kauna-unahang pagkakataon simula nang paglawak ng SE, mas marami ang umalis kaysa dumating ng bansa ang mga nagbuhat sa walong bansa ng gitna at silanganang Europa na sumapi sa samahan noong 2004. Noong 2011, ang mamamayan ng bagong kasapi ng samahan ay bumubuo ng 13% ng mga dumadayo sa bansa.
Ang tinatayang bilang ng mga mamamayan ng Britanya na naninirahan sa ibang bansa, 2006
Nagpanimula ang pamahalaan ng NK ng isang pamamaraangpandarayuhan ayon sa puntos para sa mga mamamayang nasa labas ngPook Pang-agimat ng Europa. Pinalitan nito ang dating panukala kabilang angPagkukusa sa Bagong Kakayahan ng pamahalaan ng Eskosya.[273] Noong Hunyo 2010, nagpanimula ang pamahalaan ng panandaliang hangganan na 24,000 sa pandarayuhang magbubuhat sa labas ng SE. Binalak nito ang pagpigil ng pagpasok ng mga ito, ngunit ginawa na rin itong panatilihan nong Abril 2011.[274] Ang pagpapatupad ng hangganan ay nagdulot ng alitan. Minungkahi ng isang kalihim sa negosyo, siVince Cable na sinasaktan nito ang pagnenegosyo sa Britanya.[275]
Ang pangingibang-bansa ay naging mahalagang bahagi ng lipunan noong ika-19 na dantaon. Sa pagitan ng taong 1815 at 1930, tinatayang 11.4 angaw na katao ang nangibang-bansa galing Britanya, at 7.3 angaw naman galing Irlanda. Pinakapakita ng mga pagtataya na sa pagtatapos ng ika-20 dantaon, mayroong mga 300 angaw na katao na may lahing Britaniko at Irlandes ang panatilihang naninirahan sa ibang bahagi ng daigdig.[276] Sa ngayon, hindi bababa sa 5.5 angaw na katao na isinilang sa bansa ang naninirahan sa ibang bansa,[277][278] karamihan sa kanila ay nasa Australya, Espanya, Nagkakaisang Pamahalaan, at Kanada.[279]
Ang pamamahala sa katuruan sa Nagkakaisang Kaharian ay ginawad sa bawat bansa nito kaya may kanya-kanya itong pamamaraan.Kung angkaturuan sa Ingglatera ay pananagutan ngKalihim ng Pamahalaan sa Katuruan, ang pang-araw-araw na pamamahala at pananalapi ng mga pampublikong paaralan ay pananagutan naman ngkapamahalaang pampook.[280] Unti-unting nagsimula ang katuruang walang-bayad sa pagitan ng taong 1870 at 1944.[281][282] Sa ngayon, sapilitan ang katuruan sa mga batang may edad lima hanggang labing-anim (15 kung ipinanganak ng Hulyo o Agosto). Noong 2011, inilagay ngMga Takbo sa Pandaigdigang Pag-aaral ng Matematika at Agham ang mga mag-aaral na may gulang na 13-14 sa Ingglatera at Gales na ika-10 sa pinakamagaling sa buong daigdig sa matematika, at ika-9 naman sa agham.[283]
Karamihan ng mga kabataan ay nag-aaral sa pampublikong paaralan. Mangilan-ngilan dito ay pumipili ayon sa kakayahang talino. Dalawa sa sampung pinakamagagaling ayon saGCSE noong 2006 ay mga pampublikongpaaralang pambalarila. Mahigit sa kalahati ng mga mag-aaral sa mga nangungunang pamantasan ng Cambridge at Oxford ay nanggaling sa mga pampublikong paaralan.[284]
Bagaman bumaba ang bilang ng mga batang nag-aaral sa pribadong paaralan sa Ingglatera, tumaas ang bahagi nito sa mahigit 7%.[285] Noong 2010, mahigit sa 45% ng mga pook saPamantasan ng Oxford at 40% saPamantasan ng Cambridge ay sinasaklawan ng mga mag-aaral na galing sa pribadong paaralan kahit binubuo lamang nila ang 7% ng santauhan.[286]
Angkaturuan sa Eskosya ay pananagutan ngTagpamahalang Kalihim sa Katuruan at Habambuhay na Kaalaman, samantalang ang pang-araw-araw ng pangangasiwa at pananalapi ng mga pampublikong paaralan ay pananagutan ng mga kapamahalaang pampook. Dalawangpampublikong di-pangkagawarang kinatawan ang may mahalagang gampanin sa katuruang Eskoses. AngKapamahalaan sa Pagsusuri ng Eskosya ay may pananagutan sa paglinang, pagbigay-dangal, pagbigay-halaga, at pagbigay-katibayan sa lahat ng mga pagusuri liban sa mga katibayang binibigay sa mataas na paaralan,dalubhasaan salalong pag-aaral at iba pang paaralan.[289] AngPagkatuto at Pagtuturo sa Eskosya ay nagbibigay payo, yamang-tao, at paglilinang sa mga propesyonal sa katuruan.[290] Unang isinabatas ng Eskosya ang sapilitang katuruan noong 1496.[291] Ang sukat ng mag-aaral na nag-aaral sa pribadong paaralan ay mahigit 4% lamang at ito'y mabagal na umaakyat.[292] Walang binabayarangmatrikula ang mga mag-aaral sa mgapamantasan sa Eskosya dahil tinaggal ito noong 2001. Tinanggal din noong 2008 ang multa sa mga bigay-kayang gradweyt.[293]
AngPamahalaan ng Gales ang may pananagutan sakaturuan sa Gales. Karamihan sa mga mag-aaral ay lubusan o bahaginang tinuturuan sawikang Gales. Ang pagtuturo sa wikang Gales ay sapilitan hanggang sa edad 16.[294] Bilang bahagi ng patakarang bumuo ng isangbilingual na Gales, binabalak ng palawigin ang batas na umiiral sa mga paaralang nagtuturo sa wikang Gales.
Ang pamamahala sa kalusugan ng Nagkakaisang Kaharian ay ginawad sa bawat bansa ng NK kaya ito ay may kanya-kanyang pamamaraan ng pampribado atpampublikong pangangalaga sa kalusugan. Kabilang din dito angpanghalili, pangkabuuan, at pang-alalay na paggagamot. Ang pampublikong pangangalaga sa kalusugan ay binibigay sa lahat ngpanatilihang naninirahan nang walang bayad. Noong 2000, inilagay ngKapisanan ng Pandaigdigang Kalusugan ang NK sa ika-15 pinakamagaling sa pangagalaga ng kalusugan sa buong Europa, at ika-18 naman sa buong daigdig.[296]
Simula 1979, ang paggugol sa kalusugan ay lubusang tinaas upang mailapit ito sa pamantayan ng Samahang Europeo.[299] Ginugugol ng NK ang tinatayang 8.4% ng KGK nito sa kalusugan. Ito ay 0.5% mas mababa sa pamantayan ngKapisanan para sa Pakikipagtulungan sa agimat at Pagpapaunlad, at 1% mas mababa naman sa pamantayan ng Samahang Europeo.[300]
Ang kalinangan ng Nagkakaisang Kaharian ay bunga ng maraming bagay: ang katayuan ng bansa bilang isang pulo; angkasaysayan nito bilang kanluraningdemokrasyang liberal at isang makapangyarihang bansa; at bilang isangsamahang kabanwahan ng apat na bansa na bawat isa ay pinangangalagaan ang katangi-tangi nitong kaugalian at pagsasagisag. Dahil saSasakhari ng Britanya, makikita ang kalinangan nito sawika,kalinangan, at sapamamaraang matwid ng karamihan ng mga dating sakubayan nito tulad ng Australya, Kanada,Indiya, Irlanda, Bagong Selanda, Timog Aprika, at ang Nagkakaisang Pamahalaan. Dahil sa mahahalagang pangingibabaw nito sa kalinangan, matatawag na isang "kalinangang makapangyarihan" ang Nagkakaisang Kaharian.[301][302]
Ang 'panitikang Britaniko' ay sinasaklaw ang panitikang kaugnay sa Nagkakaisang Kaharian,Pulo ng Man, at sa Kapuluang Bangbang. Karamihan ng panitikang Britaniko ay nasa wikang Inggles. Noong 2005, mayroong mga 206,000 aklat ang nailathala sa Nagkakaisang Kaharian. At noong 2006, ito ang maypinakamaraming nalathalang aklat sa buong daigdig.
Ang pinakatandang tula sa Britanya ay angY Gododdin na sinulat saYr Hen Ogledd ("Matandang Hilaga") noong mga huling taon ng ika-6 na dantaon. Ito ay sinulat saKumbriko oMatandang Gales. Isa ito sa mga unang tula na binanggit siHaring Arturo.[308] Simula noong ika-7 dantaon, nawala ang ugnayan sa pagitan ng Gales at Matandang Hilaga. Lumipat ang pagkakatuon ng kalinangang wikang Gales sa Gales, kung saan napalinang niGeoffrey ng Monmouth ang mga alamat na nauukol kay Haring Arturo.[309] Ang pinakatanyag na manunula ng Gitnang Panahon sa Gales ay siDafydd ap Gwilym (1320-1370). Ang nilalaman ng kanyang mga tula ay ukol sa kalikasan, pananampalataya, at pag-ibig. Tinuturing siyang isa sa mga pinakadakilang manunula sa Europa noong kanyang panahon.[310] Hanggang sa mga huling taon ng ika-19 na dantaon, ang karamihan ngPanitikang Gales ay matatagpuan sa Gales at ang mga tuluyan nito ay kadalasang nauukol sa pananampalataya. Tinuturing siDaniel Owen bilang kauna-unahang mangangatha sa wikang Gales. Inilathala nito angRhys Lewis noong 1885. Kapwa mga Tomas ang pinakatanyag namanunula ng AnggloGales. SiDylan Thomas ay naging tanyag sa magkabilang-baybayin ng Atlantiko noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon. Ang mga nangungunang mangangathang Gales sa ika-20 dantaon ay sinaRichard Llewllyn atKate Roberts.[311][312]
Ilang mga lungsod ng bansa ay tanyag sa kanilang tugtugin. Ang mga awit ng mga mang-aawit na galingLiverpool ang nagtala ng may pinakamaraming puntos kada kapita (54) kaysa sa alinmang lungsod sa daigdig.[330] Ang ambag ngGlasgow sa tugtugin ay kinilala noong 2008 nang ito ay binansagan bilangLungsod ng tugtugin ngUNESCO. Ito ay isa sa tatatlong lungsod sa buong daigdig na may ganitong parangal.[331]
Bagaman namamayagpag ang kalalang, may pag-aalinlangan patungkol sa pagkakakilalan nito dahil sa malakas na hibo ng kalinangang Amerikano at ng iba pang mga bansa sa Europa. Maraming mga Britanikong produktor ang masugid na nakikilahok sa mgapandaigdigangco-production. Gayundin, maraming Britanikong mga aktor, patnugot, at tripulante ang madalas na lumalabas sa mga pelikulang Amerikano. Sa katunayan, ang mga sikat ng pelikulangHollywood tulad ngTitanic,The Lord of the Rings, atPirates of the Caribbean ay hango sa Britanikong lipunan at pangyayari.
Noong 2009, kumita ang mga pelikulang Britaniko ng humigit-kumulang na $2 sanggatos. Sa pandaigdigang kalakalan, 7% ay nagmula sa NK, samantalang 17% ng pambansang kalakalan ay nagmula sa industriyang ito. Umabot sa £944 angaw ang takilya na may 173 angaw na manonood noong 2009. AngBFI Top 100 British Films (o Pinakamahuhusay ng Pelikulang Britaniko) ay ginawa ngBritish Film Institute (o Surian ng Pelikulang Britaniko) upang itala ang 100 pinakamahuhusay ng pelikulang Britaniko sa kasayasayan.[351] Taunang nag-aanyaya angBritish Academy of Film and Television Arts (o Linangan ng Sining Para sa Pelikula at Tanlap ng Britanya) para saBritish Academy Film Awards (o Gawad Linangan ng Pelikulang Britaniko). Ito ang katumbas ng Gawad Oscar sa Britanya.[352]
AngBroadcasting House sa Londres ang himpilan ngBBC, ang pinakamatanda at pinakamalaking brodkaster sa daigdig.
Itinatag ang BBC noong 1922. Ito ay isang korporasyon ng radyo, tanlap, atinternet na kung saan ang mamamayan ang gumugugol. Ito rin and pinakamatandang brodkaster sa daigdig. Nagsasagawa ito sa maraming himpilan ng tanlap at radyo sa bansa at ibang panig ng daigdig. Nilalaanang paggugulan ang kanilang pamamalakad sa pamamagitan ngpahintulot sa pananalap[353]. AngITV plc naman ay binubuo ngITV Network na siyang nagpapalakad sa 11 sa 15 telebisyong pang-rehiyonal.[354] AngNews Corporation, sa pamamagitan ngNews International ang nagmamay-ari ng ilang pambansang pahayagan tulad ng pinakasikat na tabloid naThe Sun, ang pinakamatandangbroadsheet naThe Times,[355] at ang kampon na brodkaster naBritish Sky Broadcasting.[356] Kadalasang matatagpuan ang mga pambansang pahayagan, tanlap, at radyo sa Londres. May mangilan-ngilan ding matatagpuan sa Manchester. Ang Edimburgo at Glasgow sa Eskosya, at Cardiff sa Gales ang mahahalagang sentro ng pahayagan at tanlap sa kanilang rehiyon.[357] Ang palimbagan naman ng mga aklat, direktoryo at mgadatabase, tala-arawan, magasin at midyang pang-negosyo, at mga pahayagan at mga tanggapan nito ay may kabuuang halaga na £20 sanggatos at may manggagawang 167,000 katao.[358]
Noong 2009, tinatayang ang bawat tao sa bansa ay nanonood sa tanlap nang 3.75 oras kada araw, at nakikinig sa radyo nang 2.81 oraas kada araw. Sa taong ding iyon, 28.4% ng mga manonood ay nakatuon sa mga himpilang lingkod-bayan sa pagpapahayag ng BBC, 29.5% naman sa tatlong malalaking himpilan at 42.1% naman sa himpilangdigital.[359] Ang kalakaran ng mga pahayagan ay bumagsak simula noong 1970.[360] At noong 2009, 42% na katao na lamang ang nagbabasa ng arawang pambansang pahayagan. Noong 2010, tinatayang 82.5% na katao ng NK ang gumagamit ng lambat-lambat.[361]
Ang mga pangunahing palakasan tulad ng kapisanang putbol,tenis,kaisahang rugbi,samahang rugbi,golp,suntukan,netbol,sagwanan atkriket ay nagmula o lininang sa NK. Sa kadahilanang maraming mga makabagong palakasan ang nalikha ng NK sa huling yugto ng ika-19 dantaon noong panahon ngBritanikong Biktoryano, sinabi noong 2012 niJacques Rogge, Pangulo ng PPO:"Itong dakila at bansang mapagmahal sa palakasan ay tinuturing na kapanganakan ng makabagong palakasan. Dito unang naibalangkas ang mga pamantayan sa pagkamaginoo at pagkamatwiran sa panlalaro. Dito unang naibilang ang palakasan sa mga katuruan sa paaralan".[366][367]
Sa mga pandaigdigang paligsahan, hiwalay ang mga kupunang manlalaro ng Ingglatera, Eskosya, at Gales. Ang Kahilagaang Irlanda at ang Republika ng Irlanda ay karaniwang iisang kupunan lamang, maliban sa kapisanang putbol at saLarong Kapamansaan. Sa larangan ng palaksan, karaniwang sama-samang tinutukoy ang Ingles, Eskoses, Gales, at Irlandes / Kahilagaang Irlandes bilangBansang Tahanan. May mga ilang paligsahan, tulad sa Olimpiko, kung saan ang NK ay naglalaro sa iisang kupunangPangkat Kalakhang Britanya . Ang Londres ang kauna-unahang lungsod kung saan dinaos ang Olimpikong Tag-araw nang makatlong beses: noong1908,1948 at2012. Lumahok ang Britanya sa bawat paligsahan ng Olimpiko at ito ay ikatlo sa may pinakamaramingnakamit na medalya.
↑Ihambing sa bahagi 1 ngMga Batas ng Samahan 1800: "ang mga Kaharian ng Kalakhang Britanya at Ireland ay...pagbubuklurin sa iisang Kaharian sa Ngalan ng "United Kingdom ng Kalakhang Britanya at Ireland"".
↑Ang Bagong Selanda, Israel atSan Marino ang ibang mga bansa na may saligang-batas na di-nasusulat.
↑Noong 2007-2008, ito ay tinuos sa £115 kada linggo para sa mga matatandang walang asawa't anak; £199 kada linggo para sa mga mag-aasawang walang anak; £195 kada linggo para sa mga matatandang walang asawa ngunit may anak na may edad 14 pababa; at £279 kada linggo para sa mag-aasawang may dalawang anak na may edad 14 pababa.
↑Berkeley is in fact Irish but was called a 'British empiricist' due to the territory of what is now known as theRepublic of Ireland being in the UK at the time
↑"Key facts about the United Kingdom".Directgov. Inarkibo mula saorihinal noong 15 Oktubre 2012. Nakuha noong3 Mayo 2011.The full title of this country is 'the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland'. 'The UK' is made up of England, Scotland, Wales, and Northern Ireland. 'Britain' is used informally, usually meaning the United Kingdom. 'Great Britain' is made up of England, Scotland and Wales. The Channel Islands and the Isle of Man are not part of the UK.
↑"Guardian Unlimited Style Guide". London: Guardian News and Media Limited. 19 Disyembre 2008.Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-24. Nakuha noong23 Agosto 2011.{{cite news}}:Check date values in:|year= /|date= mismatch (tulong)
↑New Oxford American Dictionary: "Great Britain: England, Wales, and Scotland considered as a unit. The name is also often used loosely to refer to the United Kingdom."
↑"Great Britain". International Olympic Committee. Nakuha noong10 Mayo 2011.
↑Haigh, Christopher (1990).The Cambridge Historical Encyclopedia of Great Britain and Ireland. Cambridge University Press. p. 30.ISBN978-0-521-39552-6.
↑Hosch, William L. (2009).World War I: People, Politics, and Power. America at War. New York: Britannica Educational Publishing. p. 21.ISBN978-1-61530-048-8.
↑Turner, John (1988).Britain and the First World War. London: Unwin Hyman. pp. 22–35.ISBN 978-0-04-445109-9.
↑Turner, J. (1988).Britain and the First World War. Abingdon: Routledge. p. 41.ISBN 0-04-445109-1.
↑Westwell, I.; Cove, D. (eds) (2002).History of World War I, Volume 3. London: Marshall Cavendish. pp. 698 and 705.ISBN 0-7614-7231-2.
↑Francis, Martin (1997).Ideas and policies under Labour, 1945–1951: Building a new Britain. Manchester University Press. pp. 225–233.ISBN978-0-7190-4833-3.
↑Elliot, Marianne (2007).The Long Road to Peace in Northern Ireland: Peace Lectures from the Institute of Irish Studies at Liverpool University. University of Liverpool Institute of Irish Studies, Liverpool University Press. p. 2.ISBN 1-84631-065-2.
↑Griffiths, Alan; Wall, Stuart (2007).Applied Economics(PDF) (ika-11th (na) labas). Harlow: Financial Times Press. p. 6.ISBN978-0-273-70822-3. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 23 Agosto 2009. Nakuha noong26 Disyembre 2010.
↑Oxford English Dictionary: "British Isles: a geographical term for the islands comprising Great Britain and Ireland with all their offshore islands including the Isle of Man and the Channel Islands."
↑ROG Learing Team (23 Agosto 2002)."The Prime Meridian at Greenwich".Royal Museums Greenwich. Royal Museums Greenwich. Inarkibo mula saorihinal noong 7 Nobiyembre 2015. Nakuha noong11 Setyembre 2012.{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= (tulong)
↑Sherman, Jill; Norfolk, Andrew (5 Nobyembre 2004)."Prescott's dream in tatters as North East rejects assembly".The Times. London. Inarkibo mula saorihinal noong 25 Mayo 2010. Nakuha noong15 Pebrero 2008.The Government is now expected to tear up its twelve-year-old plan to create eight or nine regional assemblies in England to mirror devolution in Scotland and Wales.
↑Ethical Standards in Public Life framework:"Ethical Standards in Public Life". The Scottish Government. Inarkibo mula saorihinal noong 11 Disyembre 2014. Nakuha noong3 Oktubre 2008.
↑"Who we are". Convention of Scottish Local Authorities. Inarkibo mula saorihinal noong 21 Mayo 2011. Nakuha noong5 Hulyo 2011.
↑"Local Authorities". The Welsh Assembly Government. Inarkibo mula saorihinal noong 30 Mayo 2014. Nakuha noong31 Hulyo 2008.
↑"Profile of Jersey".States of Jersey. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-02. Nakuha noong31 Hulyo 2008.The legislature passes primary legislation, which requires approval by The Queen in Council, and enacts subordinate legislation in many areas without any requirement for Royal Sanction and under powers conferred by primary legislation.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
↑"United Kingdom".European Election Database. Norwegian Social Science Data Services. Inarkibo mula saorihinal noong 9 Hulyo 2010. Nakuha noong3 Hulyo 2010.
↑N. Burrows,"Unfinished Business: The Scotland Act 1998",The Modern Law Review, vol. 62, issue 2, (Marso 1999), p. 249: "The UK Parliament is sovereign and the Scottish Parliament is subordinate. The White Paper had indicated that this was to be the approach taken in the legislation. The Scottish Parliament is not to be seen as a reflection of the settled will of the people of Scotland or of popular sovereignty but as a reflection of its subordination to a higher legal authority. Following the logic of this argument, the power of the Scottish Parliament to legislate can be withdrawn or overridden..."
↑M. Elliot,"United Kingdom: Parliamentary sovereignty under pressure",International Journal of Constitutional Law, vol. 2, issue 3, (2004), pp. 553–554: "Notwithstanding substantial differences among the schemes, an important common factor is that the U.K. Parliament has not renounced legislative sovereignty in relation to the three nations concerned. For example, the Scottish Parliament is empowered to enact primary legislation on all matters, save those in relation to which competence is explicitly denied ... but this power to legislate on what may be termed "devolved matters" is concurrent with the Westminster Parliament's general power to legislate for Scotland on any matter at all, including devolved matters ... In theory, therefore, Westminster may legislate on Scottish devolved matters whenever it chooses..."
↑A. Gamble,"The Constitutional Revolution in the United Kingdom",Publius, volume 36, issue 1, p. 29: "The British parliament has the power to abolish the Scottish parliament and the Welsh assembly by a simple majority vote in both houses, but since both were sanctioned by referenda, it would be politically difficult to abolish them without the sanction of a further vote by the people. In this way several of the constitutional measures introduced by the Blair government appear to be entrenched and not subject to a simple exercise of parliamentary sovereignty at Westminster."
↑E. Meehan,"The Belfast Agreement—Its Distinctiveness and Points of Cross-Fertilization in the UK's Devolution Programme",Parliamentary Affairs, vol. 52, issue 1 (1 Enero 1999), p. 23: "[T]he distinctive involvement of two governments in the Northern Irish problem means that Northern Ireland's new arrangements rest upon an intergovernmental agreement. If this can be equated with a treaty, it could be argued that the forthcoming distribution of power between Westminister and Belfast has similarities with divisions specified in the written constitutions of federal states... Although the Agreement makes the general proviso that Westminister's 'powers to make legislation for Northern Ireland' remains 'unaffected', without an explicit categorical reference to reserved matters, it may be more difficult than in Scotland or Wales for devolved powers to be repatriated. The retraction of devolved powers would not merely entail consultation in Northern Ireland backed implicitly by the absolute power of parliamentary sovereignty but also the renegotiation of an intergovernmental agreement".
↑"Crime falls to 32 year low" (Pahayag para sa midya). Scottish Government. 7 Setyembre 2010. Inarkibo mula saorihinal noong 2 Hulyo 2014. Nakuha noong21 Abril 2011.
↑Kirchner, E. J.; Sperling, J. (2007).Global Security Governance: Competing Perceptions of Security in the 21st Century. London: Taylor & Francis. p. 100.ISBN 0-415-39162-8
↑Hewitt, Patricia (15 Hulyo 2004)."TUC Manufacturing Conference". Department of Trade and Industry. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-06-03. Nakuha noong16 Mayo 2006.
↑"Industry topics". Society of Motor Manufacturers and Traders. 2011. Nakuha noong5 Hulyo 2011.
↑Gascoin, J. "A reappraisal of the role of the universities in the Scientific Revolution", in Lindberg, David C. and Westman, Robert S., eds (1990),Reappraisals of the Scientific Revolution. Cambridge University Press. p. 248.ISBN 0-521-34804-8.
↑Reynolds, E.E.; Brasher, N.H. (1966).Britain in the Twentieth Century, 1900–1964. Cambridge University Press. p. 336.OCLC474197910
↑Castells, M.; Hall, P.; Hall, P.G. (2004).Technopoles of the World: the Making of Twenty-First-Century Industrial Complexes. London: Routledge. pp. 98–100.ISBN 0-415-10015-1.
↑McCook, Alison."Is peer review broken?".Reprinted from the Scientist 20(2) 26, 2006.Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-21. Nakuha noong2013-01-15.
↑"Census Geography". Office for National Statistics. 30 Oktubre 2007.Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-04. Nakuha noong14 Abril 2012.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
↑"Local Authorities". Department for Children, Schools and Families. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Disyembre 2008. Nakuha noong21 Disyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
↑Section 8 ('Duty of local education authorities to secure provision of primary and secondary schools'), Sections 35–40 ('Compulsory attendance at Primary and Secondary Schools') and Section 61 ('Prohibition of fees in schools maintained by local education authorities ...'), Education Act 1944.
↑Fisher, Peter."The NHS from Thatcher to Blair".NHS Consultants Association. International Association of Health Policy. Inarkibo mula saorihinal noong 2018-11-20. Nakuha noong2013-01-17.The Budget ... was even more generous to the NHS than had been expected amounting to an annual rise of 7.4% above the rate of inflation for the next 5 years. This would take us to 9.4% of GDP spent on health ie around EU average.
↑"Dafydd ap Gwilym".Academi website.Academi. 2011. Inarkibo mula saorihinal noong 2012-05-27. Nakuha noong3 Enero 2011.Dafydd ap Gwilym is widely regarded as one of the greatest Welsh poets of all time, and amongst the leading European poets of the Middle Ages.
"Nagkakaisang Kaharian". mula sa UCB Libraries GovPubs. Inarkibo mula saorihinal noong 2014-04-07. Nakuha noong2013-01-08.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
United Kingdom sa Curlie (ex-Proyektong Bukas na Direktoryo)