Si Nabonidus sa isang relief nagpapakita sa kanyang nananalangin sa buwan, araw at kay VenusSilindrong terracotta cylinder ni Nabonidus na nauukol sa mga pagkukumpuni ng templo niSîn,British Museum
Ang mga pinagmulan ni Nabonidus ay hindi malinaw dahil wala siyang kaugnayan sa mga nakaraang hari ngImperyong Neo-Babilonya. Ipinagpapalagay ng mga iskolar na siya ay nauugnay sa mga haring Babilonya sa pamamagitan ng pagpapakassal sa pamamagitan ng pagkakaraon ng anak na babae na ikinasal kayNabucodonosor II ( 605–562 BCE). Ang ina ni Nabonidus na si Adad-guppi ay isang Asiryo o Arameo. Ang ama ni Nabonidus na si Nabu-balatsu-iqbi ay maaari ring isang Asiryo o Arameo. Ang ilang mga iskolar ay nagpalagay na ang ama at ina ni Nabonidus ay maaaring kasapi ngDinastiyang Sarganod na mga pinuno ngImperyong Neo-Asirya na bumagsak sa mga Babilonyo atMga Medo noong 609 BCE. Si Nabonidus ay nahirang na hari pagkatapos mapatalsik at pinatay si Labashi-Marduk (naghari 556 BCE). Sa kanyang paghahari, pinalaki niya ang katayuan ngDiyos ngbuwan na siSin (diyos) at binawasan ang katayuan ng tradisyonal na pambansang Diyos ng Babilonya na siMarduk. Ang ilang iskolar na nagmungkahing ninais ni Nabonidus na buong palitan si Marduk ni Sin bilang Pinuno ngPanteon ngRelihiyong Mesopotamiano ngunit ito ay patuloy na pinagdedebatihan. Mula 552 BCE hanggang 543/542 BCE, si Nabonidus ay tumungo saTayma saArabia sa isang sariling pagpapatapons sa mga hindi alam na kadahilanan at sa panahong ito ang kanyang anak na siBelshazzar ang naging pinuno ng Babilonya bagaman si Nabonidus ang patuloy na kinikilang hari ng Babilonya.