Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

NHK

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa the Japanese broadcaster ang artikulo na ito. Para sa ibang kagamitan, tingnan angNHK (disambiguation).
Huwag ikalito saNippon Broadcasting System.
Nangangailangan ang artikulong itong karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sapagpapatunay. Pakitulungan napagbutihin ang artikulong ito sa pamamagitan ngpagdagdag ng mga sanggunian mula sa mga maaasahang pinagmulan. Maaaring matanggal o tutulan ang mga materyal na walang sanggunian.(December 2009) (Alamin kung paano o kailan matatanggal ang mensaheng ito)
Japan Broadcasting Corporation
Nippon Hōsō Kyōkai/ Nihon Hōsō Kyōkai
日本放送協会
NHK Broadcasting Center
UriBrodkaster ng pangRadyo,telebisyong pang-terrestrial at telebisyong pang-satellite
Bansa
Lugar na maaaring maabutanBuong bansa at buong mundo
Binuo ni/ninaTokyo Broadcasting Station founded 29 November 1924; merged into Japan Broadcasting Corporation 6 August 1926; implementation ofBroadcasting Act 1 June 1950
Isloganまっすぐ、真剣。("Straightforward, earnest")
Lawak ng brodkast
Hapon
LawakShibuya,Tokyo
May-ariIndependent corporation chartered by thegovernment of Japan under the Broadcasting Act
(Mga) pangunahing tauhan
Katsuto Momii, President
Petsa ng unang pagpapalabas
March 1925 (radio)
November 1950 (February 1953) (television)
(Mga) dating pangalan
Tokyo/Osaka/Nagoya Broadcasting Station (1925-26)
Kahulugan ng tatak pantawag
NipponHōsōKyōkai
Opisyal na websayt
nhk.or.jp


Mapapanood
NHK Broadcasting Center inShibuya
NHK Broadcasting Museum
NHK Osaka

AngNHK (日本放送協会, Nippon Hōsō Kyōkai) o ang Japan Broadcasting Corporation ang pambansangpampublikong brodkaster ng bansangHapon. Sa ngayon, nagpapatakbo ang NHK ng dalawang serbisyong terestyal natelebisyon (NHK - General TV atNHK - Educational TV), tatlong serbisyong pang-satelayt (NHK BS-1 atBS Premium), at tatlong ugnayan ngradyo (NHK Radio 1,NHK Radio 2 atNHK FM). Para sa mga nasa ibayong dagat, mayroon din silang serbisyo naNHK World. Binubuo ang NHK World ngNHK World TV,NHK World Premium, angshortwave na serbisyo ng radyoNHK Radio Japan at ang website nito sainternet. Kilala din ang serbisyong shortwave nito sa impormal na pangalangRadio Tokyo. NasaNHK Broadcasting Center saShibuya,Tokyo ang punong himpilan ng NHK.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Itinatag ang NHK noong 1926, ihinulma pareho saBBC ngInglatera. Inilunsad ang pangalawang ugnayan ng radyo noong 1931 at ang serbisyong shortwave noong 1935. NoongNobyembre 1941, ininasyonalisa ngHukbong Imperyal ng Hapon ang lahat ng pampublikong ahensiyang pambalita. Kaya't ang lahat ng nailathala at naibrodkast na mga balita noongIkalawang Digmaang Pandaigdig ay mga opisyal na anunsiyo mula sa militar.

Nagsimula ang serbisyong pantelebisyon nito noong 1953. Sumahimpapawid ang unang brodkast na may kulay noong 1960. Matapos ang 1964 Tokyo Olympics, ang dating Olympic Village sa Yoyogi sa distrito ngShibuya saTokyo, ang siyang naging tahanan ng NHK. At noong 1965, pormal nang binuksan angNHK Broadcasting Center sa bandang timog ng Yoyogi National Park. Bagama't NHK ang naglunsad ng pangkalakalan(commercial) na brodkast sa Hapon, binabayaran ngayon ang NHK ng mga viewer fee. Sa ilalim ng Batas ng Brodkasting, obligadong magbayad ng fee na nagkakahalaga ng USD12 o PHP5800 buwan-buwan (¥1,290.83 buwan-buwan o ¥15, 490 taon-taon) ang mga residente ng Hapon na nagmamay-ari ng telebisyon. Subalit hindi sila nagpapataw ng parusa sa sinumang hindi nakapagbayad. Sa kasalukuyan, may 1 milyong sambahayan ang tumatangging magbayad sa NHK at kinukunsidera ng pamahalaan ang mas mahigpit na sistema ng pangongolekta ng bayad, kabilang na ang paghahabla sa korte o ang paniningil ng mga 'di nabayarang halaga. Ang mga eskandalong gumimbal sa NHK kamakailan lamang na sangkot ang ilang mga ehekutibo na umano'y nagwaldas at nangurakot ng pondo kabilang pa ang ibang mga bagay, ay lalong sumira sa tiwala ng taumbayan sa NHK, at patuloy na tumataas ang bilang ng mga pagboykot sa bawat eskandalong lumilitaw.

Sumahimpapawid angNHK World TV noong 1995. Lumipat ang buong ugnayan ng NHK sa digital na brodkasting noong 2000.

Mga Programa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Balita. Lokal, Pambansa, Pandaigdig. May serbisyong bilinggwal angNHK News 7 atNews Watch 9 sa NHK-General TV, NHK World TV at NHK World Premium. Mayroon ding mga espesyal na balitaan para sa mga pipi at bingi. Para naman sa mga bata, mayroon namangKodomo News.
  • Paguulat sa Emerhensiya. Sa ilalim ng Batas ng Brodkasting, obligado ang NHK na magsahimpapawid ng mga maagang babala sa panahon ng kalamidad gaya nglindol sttsunami. Nagagawa ito ng NHK sa pamamagitan ng pambansang ugnayan ng mga sismometro at mga skip-back camera na may reserbang pagkukunan ng kuryente, sakaling maputol ang suplay ng kuryente upang makunan ang buong paglindol at mabilis itong mairewind. Nagagawa ng NHK na magulat ng mga babala at abiso para sa tsunami sa loob lamang ng 2 hanggang 3 minuto matapos maganap ang lindol. Ipinagpapaliban muna ang regular na mga programa sa mga oras ng matinding sakuna gaya ng malakas na lindol at tsunami. Depende ang tagal ng pagpapaliban ng regular na mga programa sa lala ng sitwasyon. Mas malala, mas mahaba ang oras na ilalaan sa pagbabalita.
  • Edukasyon. Pinapanood sa mga paaralan sa buong Hapon ang mga pang-edukasyong palabas ng NHK. May angkop na mga programa mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Pang-eskuwelahan, infotainment at mga trivia game shows para sa mga bata, at mga pangkabuhayan, paghahalaman, pagluluto at pagaaral ng iba't-ibang wika para naman sa mga nakakatanda. Mayroon din silang "Pamantasan sa Himpapawid" para sa mga hindi makakuha ng pormal na edukasyon.
  • Panahon. Mga ulat ng panahon sa loob at labas ng Hapon, bawat oras.
  • Pampalakasan. Isinasahimpapawid ng NHK ang anim na taunang GrandSumo Tournament, high-school baseball mula sa Koshien Stadium,Olympic Games, National Sports Festival of Japan, NHK Trophy, NHK Marathon, at iba pa.
  • Pagaanalisa ng Balita. Mga programang malalimang tumatalakay sa mga balita at isyung napapanahon.
  • Musika. Pinakatanyag na palabas sa telebisyon ang taunangKohaku Uta Gassen tuwing bisperas ngBagong Taon. Linggu-linggo, may patimpalak para sa mga amaturista sa "NHK Nodojiman" at mga pagtatanghal ng mga sikat na mang-aawit pagsapit ng gabi.
  • Dulang Pantelebisyon. Mga dula sa umaga, lingguhang jidaigeki, at ang Taiga drama.
  • Dokumentaryo. Tanyag ang NHK sa mga dokumentaryo nito. Unang pinasikat ng mga programang "Legacy For The Future" at "The Silk Road".
  • Pambata. Pinakatanyag dito ang "Okaasan to Issho" [Kasama si Nanay](1958-kasalukuyan) atTensai Terebikun MAX [Whiz-kids TV MAX](1993-kasalukuyan)
  • Iba pa. Pagluluto, komedya, ehersisyo, atbp.
  • Anime

Mga Natatanging Programa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • BuBu ChaCha
  • Cardcaptor Sakura (1998-2000)
  • Eigo de Shabera Night (2002-kasalukuyan)
  • Kohaku Uta Gassen
  • Kyo Kara Maoh!
  • MAJOR
  • Minna no Uta (1961-kasalukuyan)
  • Morizzo and Kiccoro (2005 Aichi World Expo season)
  • Nadia: The Secret of Blue Water (1990-1991)
  • Planetes
  • Snow Princess
  • Tsubasa Chronicle
  • Tensai Terebikun MAX (1993-kasalukuyan)
  • UFO Baby
  • Zettai Shonen ("Absolute Boy") (2004-2005)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
International
National
Academics
Other
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=NHK&oldid=2118130"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp