Angmunisipyo omunisipalidad (Ingles:municipality) ay isangsubdibisyon ngpamahalaan sa isangbansa. Ito ay isang lugar kung saan ang mga residente ay nasa daan-daan hanggang sa libu-libong tao. Sa pamahalaan, ito ay isang distritong administratibo na mayrong maliwanag na nakakatuturang teritoryo at ay nagtutukoy sa pamahalaang pambayan opanlungsod. Hindi ito magkapareho sa isangkanayunan okabayanan.
Maaari ring tumukoy ang salitangmunisipalidad sa namamahalang lawas ng isang munisipalidad.[1] Ang munisipalidad ay karaniwang isang subdibisyon ng pamahalaan na may pangkalahatang layunin, taliwas sa isangdistritong espesyal ospecial-purpose district.
Saklaw sa mga kapangyarihan ng mga munisipalidad ang mula sa awtonomiyang birtwal hanggang sa lubusang pagpapasupil saestado. Maaaring magkaroon ng karapatan ang mga munisipalidad na pabuwisin ang mga indibidwal at korporasyon na maybuwis sa kinikita,buwis sa ari-arian, andbuwis sa kinikita sa korporasyon, ngunit makatatanggap din ng kargdagang pagpopondo mula sa estado.
Sa mga iba't ibang bansa, karaniwang tinutukoy ang mga munisipalidad bilang mga "komuna" o "komyun", lalo na sa mga wikang Romanse (na nagmula sa Latin) tulad ng Pranses nacommune (Pransya, mga rehiyon ng Belhiko at Suwesa na nagsasalita ng Pranses, mga bansa ng Aprika na nagsasalita ng Pranses, hal.Benin), Italyanongcomune, Rumanongcomună, at ang Kastilangcomuna (Tsile), at sa mga Hermanikong wika tulad ng AlemangKommune (sa pulitikal na pagsasalita,Gemeinde ang opisyal na termino), Suwekongkommun, Peroes nakommuna, Noruwego, Danes nakommune, Polakonggmina, Olandes/FlamenkongGemeente, at Luksemburgues naGemeng.
Nagkakaugnay ang lahat sa "municipality" (kadalasang tumutukoy sa teritoryo o istrakturang pampulitikal)[kailangang linawin] Sa Kastilamunicipio (Espanya, Teritoryo),municipalidad (Tsile, Munisipyo or Teritoryo), Katalanmunicipi (Teritoryo).
Ikinalilito ng ilang mga tao ang mga salitang tumutukoy sa teritoryo o sa istrakturang pampulitkal (Komuna o Munisipalidad) laban sa Munisipyo. Kastilangayuntamiento (na tumutukoy sa Munisipyo). Halimbawa, sa Moldova at Romania mayroong mgamunisipalidad (municipiu; lunsuring pangkat ng pamamahala) at mgakomuna (comună; lahat ng mga kanayunang pangkat), at maaaring maging bahagi ng munisipalidad ang isang komuna (tingnan din:mga komun ng Moldova,mga komun ng Rumanya).[kailangan ng sanggunian]
SaAustralya, ginagamit ang terminonglocal government area (LGA) sa halip ng panlahatang munisipalidad. Dito, ang mga "Istraktura ng LGA ay sumasaklaw lamang sa mga ininkorporadang bahagi ng Australya. Ang mga ininkorporadang bahagi ay ligal na itinalagang bahagi ng mga estado at teritoryo kung saan may responsibilidad ang mga ininkorporadang lokal na namamahalang lawas."[3]
SaCanada, ang mga munisipalidad ay mga pamahalaang lokal na itinatag sa pamamagitan ng panlalawigang at teritoryal na pagbabatas, karaniwang sa loob ng mga pangkalahatang munisipal na kautusan.[4][5] Kabilang sa mga uri ng mgamunisipalidad sa loob ng Canada ang mgalungsod,distritong munisipalidad,munisipal na distrito, munisipalidad,parokya,panlalawigang munisipalidad,bayan,nayon, bukod sa iba pa.[5] Ang Lalawigan ngOntario ay may iba't ibang baitang ng munisipalidad, kasama ang mga mababa, mataas, at solong baitang.[6] Kasama sa mga uri ng mga munisipalidad na may mataas na baitang sa Ontario ang mga kondehan, distrito, o bayan bilang mga yunit na munisipal.[7]
SaIndya, ang Munisipalidad oNagar Palika ay isang lunsuring lokal na lawas na namamahala sa lungsod na may populasyon na 100,000 o higit pa. Gayunpaman, mayroong mga pagbubukod doon, dahil itinatag dati ang mga Munisipalidad sa mga lunsuring sentro na may populasyong humihigit sa 20,000, kaya lahat ng mga lunsuring lawas na dating nauri bilang Munisipalidad ay nauri muli bilang Munisipalidad kahit na mas mababa kaysa sa 100,000 ang kanilang populasyon. Sa ilalim ng sistema ngPanchayati Raj, nakikipag-ugnayan ito nang direkta sa pamahalaan ng estado, pero administratibong bahagi ito ng distrito. Karaniwang may mga Munisipalidad ang mga mas maliit na distritong lungsod at mas malalaking bayan. Ang munisipalidad ay isa ring anyo ng lokal na panariling-pamahalaang ipinagkatiwala ng mga tungkulin at responsibilidad, tulad ng nabuo saConstitutional (74th Amendment) Act,1992.
SaReyno Unido, ginamit ang salita hanggang na naisakatuparan ang1972 Local Government Act noong 1974 saInglatera andGales, at hanggang 1975 saEskosya at 1976 saHilagang Irlanda, "parehas para sa lungsod o bayan na isinaayos para sa panariling-pamahalaan sa ilalim ng munisipal na korporasyon, at para sa namumuno mismo. Binubuo itong korporasyon sa Britanya ng pinuno bilang mayor o puno, at nakatataas na miyembro, tulad ng konsehal".[8] Mula noong pagbabaguntatag ng lokal na goberyno, kilala ang yunit bilangdistrict sa Inglatera, Hilagang Irlanda, at Gales, atcouncil area sa Eskosya. Maaaring pagkalooban ang isangdistrict ng katayuan bilangborough ocity, o maaaring panatilihin ang kanyang titulo bilangdistrict.
SaJersey, tumutukoy ang munisipalidad sa mga marangal na opsiyal na nahahal para patakbuhin ang tig-isa sa mga 12 pinaghatiangparokya. Ito ang pinakamataas na antas ng pamahalaang rehiyonal sa hurisdiksyong ito.
SaTrinidad at Tobago, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungosd, bayan, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan na binuo sa pamamagitan ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal. Maaaring parangalan ang bayan ng estado ng boro at kalaunang itaas sa estado ng lungsod.Chaguanas,San Fernando,Port of Spain,Arima atPoint Fortin ang 5 kasalukuyang munisipalidad sa Trinidad at Tobago.
SaEstados Unidos, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungsod, bayan, nayon, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan, na binuo ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal.[9] Sa konteksto ng batas ng estado, mas malawak ang kahulugan ng mga ilang Amerikanong estadong kodigo sa salitang "munisipalidad", mula sa estado mismo hanggang sa anumang subdibisyong pulitikal na ibinigay ng hurisdiksyon sa isang lugar na maaaring isama ang iilang populadong pook at di-populadong pook.[10][11] (Tingnan din angPampulitikang paghahati ng Estados Unidos.)
↑"Municipal Government".The Canadian Encyclopedia > Government > Government, General > Municipal Government. Historica Foundation of Canada. 2009. Inarkibo mula saorihinal noong 2016-02-13. Nakuha noong2011-07-17.Naka-arkibo 2016-02-13 saWayback Machine.
↑"Municipal Government Act"(PDF). Office of the Legislative Counsel, Nova Scotia House of Assembly. 2010-01-07. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2017-12-01. Nakuha noong2011-07-17.