Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Muling pag-iisang Aleman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa na nagpapakita ng dibisyon ngSilangan (pula) atKanlurang Alemanya (asul) hanggang Oktubre 3, 1990, na may dilaw naBerlin
Tarangkahang Brandenburgo sa Berlin, pambansang simbolo ng Alemanya ngayon at ang muling pagsasama nito noong 1990

Angmuling pag-iisang Aleman (Aleman:Deutsche Wiedervereinigung) ay ang proseso noong 1990 kung saan angDemokratikong Republikang Aleman (GDR;Aleman:Deutsche Demokratische Republik, DDR) ay naging bahagi ngRepublikang Federal ng Alemanya (FRG;Aleman:Bundesrepublik Deutschland, BRD) upang mabuo ang muling pinagsamang bansa ngAlemanya.

Ang pagtatapos ng proseso ng pag-iisa ay opisyal na tinutukoy bilangpagkakaisang Aleman (Deutsche Einheit), ipinagdiriwang bawat taon tuwing Oktubre 3 bilangAraw ng Pagkakaisang Aleman (Tag der deutschen Einheit).[1]Ang Silangan atKanlurang Berlin ay muling pinagsama bilangiisang lungsod at muling naging kabesera ng nagkakaisang Alemanya.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "EinigVtr – Vertrag zwischen der Bundesrepublik Deutschland und der Deutschen Demokratischen Republik über die Herstellung der Einheit Deutschlands".www.gesetze-im-internet.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong2022-03-06.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Muling_pag-iisang_Aleman&oldid=2005075"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp