AngMosku ay angkabisera at pinakamalaking lungsod ngRusya. Ang lungsod ay isang mahalagang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, pang-agham, panrelihiyon, pansalapian, pang-edukasyon at pantranportasyon ng Rusya at ng kontinente. Ang Mosku ay ang pinaka-hilagang lungsod sa daigdig sa mga may populasyong higit sa 10 milyon, pinakamataong lungsod na nasa kontinente ngEuropa at ang ika-anim na pinakamalaking lungsod sa daigdig. Ang populasyon nito, ayon sa simula ng mga resulta ng bilangan ng 2010, ay 11,514,300[12]. Ayon saForbes 2011, ang Mosku ay mayroong 79 bilyonaryo, at siyang pumalit saNueva York bilang lungsod na may pinakamaraming bilyonaryo[13].
Ang Mosku ay matatagpuan sa ilogMoscova sa Gitnang Distritong Pederal ngEuropeong Rusya. Sa pagdaan ng kasaysayan nito, ang lungsod ay nagsilbing kabisera ng mga nagsilipasang mga bansa, mula sa Dakilang Dukado ng Mosku at sa sumunod na Zarato ng Rusya hanggang saUnyong Sobyet. Ang Mosku ay ang kinalalagyan ngKremlin, isangmoog na sa ngayon ay siyang tahanan ng Rusong Presidente at ng sangay-tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Rusya. Ang Kremlin ay isa sa ilang mgaWorld Heritage Site sa lungsod. Ang dalawang pangkat ng Rusong parlamento (ang Duma ng Estado at ang Konsilyo ng Pederasyon) ay nakaupo rin sa Mosku.
Ang lungsod ay sinerserbisyuhan ng malawakang sistemang pantransportasyon, na kasama ang apat na paliparang pandaigdig, siyam na estasyon ng "malayuang" tren at angMoscow Metro, pangalawa lamang saTokyo pagdating sa dami ng sumasakay at kilala bilang isa sa mga palatandaan ng lungsod dahil sa iba't ibang disenyo ng 182 estasyon nito.
Sa paglipas ng panahon, ang Mosku ay binansagan ng ilang mga palayaw, na ang karamihan ay tumutukoy sa laki nito at katayuan sa loob ng bansa: Ang Pangatlong Roma (Третий Рим), Putimbato (Белокаменная), Ang Unang Trono (Первопрестольная), Ang Apatnapung Apatnapu (Сорок Сороков)[14].
↑Comins-Richmond, Walter."The History of Moscow". Occidental College. Inarkibo mula saorihinal noong May 17, 2006. Nakuha noongJuly 3, 2006.
↑"The Moscow Statute".Moscow City Duma. Moscow City Government. June 28, 1995. Inarkibo mula saorihinal noong August 23, 2011. Nakuha noongSeptember 29, 2010.The supreme and exclusive legislative (representative) body of the state power in Moscow is the Moscow City Duma.