Larawan ng Moroporo na kinuha mula saDigitized Sky Survey
AngMoroporo, na kilala rin sa wikang Ingles bilangPleiades,[1] ay isangasterismo sa hilagang-silangan ngtalampad naTaurus at isang bukas na klaster ng mga bituin na nagtataglay ng mga maiinit na bughaw na bituing nabuo lang sa nakalipas na 100 milyong taon.[2][3] Sa layong 439sinag-taon,[4] ito ay isa sa mga pinakamalapit na klaster ng mga bituin sasistemang solar. Ito rin ang pinakamalapit nabagay na Messier sa daigdig at pinakamatingkad na klaster ng bituin sa kalangitan ng gabi na maaaring makita nang walanglargabista o teleskopyo.
Ayon sa mga simulasyon gamit ng kompyuter, maaaring nagmula ang Moroporo sa parehong kumpigurasyon na hawig sanebula ni Orion.[5] Sa tantya ng mgaastronomo, magtatagal pa ng 250 milyong taon ang klaster bago maghiwa-hiwalay ang mga bituin nito bunga ng interaksyon ng mga ito sa mga kalapit na mga bagay sagalaksiya.[6] Kasama ang isa pang bukas na klaster, angBasung (Hyades sa Ingles), binubuo ng Moroporo ang tinatawag na "ginintuang tarangkahan ng ekliptiko."
Kahit noong sinaunang mga panahon, napakadaling matanaw ng Moroporo sa kalangitan nang walang teleskopyo. Sa kabihasnan ng mgasinaunang Pilipino, tinatawag itong 'Moroporo,'[7] na nagsilbing pananda sa pagsisimula ng panahon ng tagtanim.[1][8] Bukod sa Moroporo, napakaraming ibang tawag dito ng iba pang pangkat-etnikong Pilipino tulad ngUlalen para sa mga taga-Panay,Kufu-kufu sa mgaTeduray, atSalibubu sa mgaKankanaey.[9]
Matagal nang batid ng iba't ibang kultura't kabihasnan sa daigdig ang Moroporo.[10][11] Ang pinakaunang paglalarawan nito ay mula sa isang mala-platong tansong antigo mula sa Hilagang Alemanya na may edad na 1,600BCE.[12] Nasa katalogo rin ito ng mga bituin ng mga sinaunang taga-Babilonya, habang nabanggit naman ito ng mgasinaunang Ehipto sa kanilang kalendaryo ng mga masuwerte at malas na araw.[13] Itinuring naman ng ilang mga sinaunangGriyego na hiwalay natalampad ang Moroporo, at nabanggit din sa iba't iba nilang mga akda tulad ngIliad atOdyssey niHomer.[14] Tatlong beses ding nabanggit ang Moroporo sa Bibliya,[15] habang tinatawag naman ito na Kṛttikā saHinduismo at nauugnay sa mga magkakapatid na nag-alaga sa diyos ng digmaan na siKartikeya.[16] Para naman sa mga Arabo bago lumaganap angIslam, tinawag nila itongal Najm.[17]
Ang iba pang mga katawagan sa Moroporo sa iba't ibang panig ng daigdig ay:
SiGalileo Galilei ang pinakaunangastronomo na nagmasid sa Moroporo gamit ng isangteleskopyo. Sa pamamagitan nito, nakatuklas siya ng maraming bituin sa loob ng klaster na hindi madaling makita nang walang teleskopyo. Inilathala niya ang kanyang mga obserbasyon, kasama na ang krokis niya ng Pleiades na nagtataglay ng 36 bituin, sa kanyang lathalaingSidereus Nuncius noong Marso 1610.
Matagal nang may hinuha na may pisikal na kaugnayan sa isa't isa ang mga bituin ng Moroporo imbes na nagkataon lang na may ganoon silang kaayusan. Sa kalkulasyon ng Britong astronomo na si John Michell noong 1767, ang tsansang ang ganito karaming bituin ay magkaroon ng gayong hanay ay 1 sa 500,000, samakatuwid, ay kanyang naisip na maaaring may kaugnayan ang mga bituin sa klaster na ito sa isa't isa.[22] Nang isinagawa ang unang mga pag-aaral hinggil sa wastong pagkilos (proper motion) ng mga bituing ito, natuklasang kumikilos ang lahat ng mga bituing ito sa parehong direksyon sa langit sa parehong bilis, na lalong nagpatibay sa hinuha ng kanilang pagkakaugnay-ugnay.
Noong 1771, inilathala ni Charles Messier ang posisyon ng klaster at itinalagang "M45" sa kanyang katalogo ng mga mala-buntalang bagay.[23]
Ang lokasyon ng Moroporo oPleiades sa kalangitan ay nasa hilagang-silangang bahagi ng sulok ng talampad ngTaurus
Napakakontrobersyal ng mga isinagawang pagsukat sa layo ng Moroporo. Bago ang paglulunsad ngbuntabay naHipparcos noong dekada 1990, ang kinikilalang layo ng Moroporo ay 135parsec mula sa Daigdig.[24] Subalit, batay sa datos ngHipparcos na sinukat angparallax ng mga bituin sa klaster, mayroon lamang itong layo na 118 parsec. Ang pagsukat sa parallax ang dapat magbigay ng pinakadirekta at wastong resulta. Gayunman, kinastigo ng mga ibang mananaliksik ang sukat bilang mali.[25][26][27][28][29] Sa partikular, ang saklaw na mga layo na nakuha sa pamamagitan ng mga obserbasyon ng teleskopyongHubble at sa paggamit ng kaparaanang tinatawag nacolor-magnitude diagram fitting, ay pumapabor sa resultang 135 hanggang 140 parsec.[30][31] Ang nga obserbasyon ng grupong Pleiad double Atlas, na gumamit ngoptical interferometry, ay nagbunga naman ng resultang 133 hanggang 137 parsec.[32] Sa kabila nito, iginiit ng may-akda ng katalogo ngHipparcos mula 2007-2009 na ang mga katunggaling ebidensya ang mismong may problema.[33] Iminungkahi ng isang pares ng mananaliksik noong 2012 nasystematic error sa pagsukat ng parallax ang pinagmulan ng pagkakamali ng grupo sa likod ngHipparcos; anila ang dapat na layo ay nasa pagitan ng 126-132 parsec.[34] Batay naman sa kalkulasyon gamit ng kaparaanangVery-Long Baseline Inteferometry at sa datos ng buntabay naGaia na inilunsad ng European Space Agency noong 2013, ang layo ng Moroporo ay mula 134± 6 pc hanggang 136.2 ± 5.0 pc.[35][36][37] Muli ring giniit ng grupo ng mga mananaliksik na gumamit sa datos ng Gaia na mali ang sukat ngHipparcos.
Nagtataglay ang kumpol ng bituin ng 1,000 bituing kumpirmado ng estadistika, bagaman hindi kasama sa bilang na ito ang mga bituing maaaringbinary star system o pares ng halos magkalapit na mga bituin, na maaaring 57% ng kabuuang bituin nito.[38][39] Ang liwanag nito'y pangunahing bunga ng mga bata at mainit na mga bughaw na bituin; maaaring hanggang 14 sa mga ito ang makita nang walang teleskopyo o largabista depende sa lokal na kalagayan sa kalangitan ng magmamasid o sa talas ng kanyang paningin. Ang kabuuangmasa ng klaster ay tinatayang aabot sa 800 beses sa masa ngAraw, at mayorya rito'y mga malimlim at mapula-pulang mga bituin.[40]
Nagtataglay rin ng maramingkayumangging unano (brown dwarf), o mga bagay na ~8% lang ng masa ng Araw (na kulang upang magkaroon ngnuclear fusion upang maging bituin), ang Moroporo. Maaaring umabot sa 25% ng kabuuang populasyon ng klaster bagaman 2% lang ang mga ito sa kabuuang masa ng klaster.[41]
Ang pito sa siyam na pinakamaliwanag na bituin ng Moroporo ay ipinangalan sa magkakapatid na babae samitolohiyang Griyego: sina Sterope, Merope, Electra, Maia, Taygeta, Celaeno, at Alcyone habang ang natitirang dalawa ay ipinangalan sa kanilang mga magulang na sinaAtlas at Pleione. Nakalista sa talahanayan sa ibaba ang detalye hinggil sa mga pinakamaliwanag na bituin sa Moroporo:
Ang edad ng mga kumpol ng bituin tulad ng Moroporo ay maaaring matantya sa pamamagitan ng paghahambing ngHertzsprung-Russell diagram ng klaster sa mga teoretikal na modelo ngebolusyon ng mga bituin. Sa pamamagitan nito, lumalabas sa mga pagtantya na ang Moroporo ay may edad na 75 hanggang 150 milyong taon. Ang pagkakaroon ng malawak na saklaw sa mga tantya ay bunga ng mga estadistikal na kawalan ng katiyakan (statisticaluncertainty) sa mga modelo saka ng iba pang mga salik na maaaring magpatanda sa edad ng klaster kaysa sa aktwal na edad nito.[43][44]
Isa pang paraan upang tantyahin ang edad ng klaster ay ang pagtukoy sa mga selestyal na bagay nito na may pinakamabababang masa (sa ibang salita, ang mgakayumangging unano obrown dwarf nito). Kayang mapanatili ng mga kayumangging unano ang kanilanglityo, na mas kumakaunti habang lumilipas ang panahon, kung kaya, sa pamamagitan ng pagsukat sa pinakamabigat na kayumangging unano, maaaring mahinuha ang kabuuang edad ng kumpol. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito, lumalabas na may edad na 115 milyong taon ang Moroporo.[43][44]
Dahan-dahang kumikilos ang kumpol tungo sa direksyon ng "paa" ng kasalukuyang talampad naOrion. Tulad ng iba pang mga bukas na klaster, hindi habambuhay na mapag-uugnay ng kani-kanilanggrabidad ang mga bituin ng Moroporo. Batay sa mga kalkulasyon, magkakawatak-watak sa loob ng 250 milyong taon ang mga bituin ng Moroporo, na maaaring mapabilis ng interaksyon ng mga ito sa grabidad ng mga ulap ng brasong bumubuo sa ating galaksiyangAriwanas.[45]
Batay sa pagsusuri sa mga imaheng deep-infrared na kinuha ng mga teleskopyongSpitzer atGemini North, natuklasan ng mga astronomo na ang HD 23514, na isa sa mga bituin na kabilang sa kumpol at may mataas-taas na masa at bigat kumpara sa Araw, ay napalilibutan ng mas mataas sa normal na bilang ng maiinit na butil ng gaas. Isa itong maaaring ebidensya na may namumuongplaneta sa palibot ng HD 23514.[46]
↑Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars".Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso).39 (2): 219.arXiv:1102.1705.Bibcode:2011JAVSO..39..219M.
↑Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars".Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso).39 (2): 219.arXiv:1102.1705.Bibcode:2011JAVSO..39..219M.
↑Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars".Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso).39 (2): 219.arXiv:1102.1705.Bibcode:2011JAVSO..39..219M.