Ang Morava ay nagtatapos sa Danubio, sa Bratislava-Devin.
AngIlog Morava (Aleman:March; Unngaro:Morva) ay isangilog sa GitnangEuropa. Ito ang pinakamahalagang ilog saMorabya, na siyang pinanggalingan ng pangalan ng nasabing rehiyon. Ang ilog na ito ay nanggagaling sa bundok ng Kralicky Sneznik sa hilagang-kanlurang sulok ng Morabya, malapit sa hangganan sa pagitan ngRepublika Tseka at ngPolonya at mayroong tila pa-timog na pagdaloy. Ang mababang bahagi ng bakas ng ilog ay bumubuo sa hangganan sa pagitan ng Republika Tseka atSlobakya, at pagkatapos ay ngAustria at Slobakya.
Ang mga malalaking lungsod lamang sa pampang ng ilog ay ang Olomouc sa Morabya at ang kabisera ng Slobakya naBratislava. Pagkatapos ng kulang-kulang na 354 kilometro, ang Morava ay nagtatapos saDanubio, sa Bratislava-Devin.