Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Moro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saMoors)
Para Moro sa Pilipinas, tingnan angMoro (Pilipinas).

Ang mgaMoro (Ingles:Moor,Moorish) ay ang katawagang sa mgaMuslim na naninirahan saMorocco, kanlurangAlherya,Kanlurang Sahara,Mauritania,Tangway ng Iberia,Septimania,Sicilia atMalta noongGitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilangAl-Andalus, isang pook na binubuo ngGibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyangEspanya,Portugal, at bahagi ngPransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ngItalya pagkaraang saklawin nila angMazara noong 827[1] hanggang sa panghuli nilangpamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mgamga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilangRekongkista (Reconquista). AngPagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim saIberia.

Ang katagang "Moro" ay ginamit sa Europa, sa malawakang diwa upang tukuyin ang sinumang may pinagmulang ninuong mgaArabo oAprikano na nabubuhay sa Espanya o saHilagang Aprika. Ang mga Moro ay hindi isang mga tao na namumukod-tangi o naglalarawan ng sarili. Ang pangalan ay inilapat ng mga Europeo noong Gitnang Kapanahunan o ng mga Europeo ng maagang panahong moderno samga Berber, sa mga Arabo ng Hilagang Aprika, sa mgaMuladi (mga Iberyanong Muslim)[2] and WestAfricans fromMali andNiger who had been absorbed into theAlmoravid dynasty.[3] Noong 1911, naobserbahan ng pangunahing mga paham na ang katagangMoor o "Moro" ay walang tunay na halagangpang-etnolohiya.[4]

Ang mga Morong Andalusiano (ng Andalusia) noonghulihan Panahong Midyebal ay nanirahan sa Tangway na Iberiano (Peninsulang Iberyo) pagkaraan ngPananakop ng Umayyad sa Hispania noong kaagahan ng ika-8 daantaon. Ang pamumuno ng mga Moro ay umabot, sa ilang mga pagkakataon, hanggang sa pangmakabagong panahon naMauritania, mga bansa saKanlurang Aprika, at saIlog ng Senegal.

Sa mas maaga pang kapanahunan, nakipag-ugnayan (at pagdaka ay nasakop) ng mgaRomanong Klasikal ang mga bahagi ngMauretania, isang estado na tumatakip sa hilagang mga bahagi ng modernong Morocco at sa karamihan ng hilaga-kanluran at gitnang Alherya noong panahong klasiko. Ang mga tao ng rehiyon ay naitala sapanitikang Klasiko bilangMauri. Sa kasalukuyan, ang ganiyang mga pangkat ay nakatira saMauritania at mga bahagi ng Alherya, Gitnang Sahara, Morocco,Niger, atMali.[5] Samga wika ng Europa, mayroong isang bilang ng kaugnay ng mga pangkat na etniko ang pangkasaysayang itinalaga bilang mga "Moro". Sa makabagong Iberia, ang kataga ay inilapat para sa mga tao na mayroongetnisidad na Moroccano. Ang "Moor" ay paminsan-minsang inilalapat para sa anumang tao na nagmula sa Hilagang Aprika, subalit itinuturing ng ilang mga tao na ang paggamit ng kataga aynakakainsulto, natatangi na ang bersiyongKastila na "Moro".

SaPilipinas, ang salitang "Moro" ay ginagamit pa rin magpahanggang sa kasalukuyan bilang pantukoy sa mga katutubong tao na naninirahan saMindanao. Umiiral ang salita sa pangalan ng isang pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas na nakikilala bilangMoro Islamic Liberation Front (MILF). Bilang kaugnay ng pakikipagkasundong pangkapayapaan sa pagitan ngPamahalaan ng Pilipinas, na nasa ilalim ng administrasyon ngPangulo ng Pilipinas na siBenigno Aquino, Jr., lilikhain angBangsamoro (literal na "lupain ng mga Moro"), isang bago at namamahala sa sarili na entidad na pampolitika at pangheograpiya ng mga Muslim sa Pilipinas.[6]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Assessment of the status, development and diversification of fisheries-dependent communities: Mazara del Vallo Case study report"(PDF).Komisyong Europeo. 2010. p. 2. Nakuha noong28 Setyembre 2012.In the year 827, Mazara was occupied by the Arabs, who made the city an important commercial harbour. That period was probably the most prosperous in the history of Mazara.
  2. Ross Brann, "The Moors?",Naka-arkibo 2009-03-24 saWayback Machine.Andalusia, New York University. Quote: "Andalusi Arabic sources, as opposed to laterMudéjar andMorisco sources in Aljamiado and medieval Spanish texts, neither refer to individuals as Moors nor recognize any such group, community or culture."
  3. Ivan Van Sertima,Golden Age of the Moor, Volume 11[pahina kailangan]
  4. "Moors",Britannica Encyclopedia (1911), p. 811.
  5. Online Etymology Dictionary.
  6. Tisdall, Simon.Philippines moves close to historic peace deal with Islamist rebels:"(...) After 40 years of conflict and 120,000 deaths, a self-governing Muslim entity could be a reality within weeks after an accord inspired by Good Friday agreement (...)", The Guardian, 13 Pebrero 2013
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Moro&oldid=2084468"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp