Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Montana

Mga koordinado:47°N110°W / 47°N 110°W /47; -110
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Montana

State of Montana
Watawat ng Montana
Watawat
Eskudo de armas ng Montana
Eskudo de armas
Palayaw: 
Big Sky Country, Treasure State
Bansag: 
Oro y plata
Awit: Montana
Map
Mga koordinado:47°N110°W / 47°N 110°W /47; -110
BansaEstados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag8 Nobyembre 1889
Ipinangalan kay (sa)bundok
KabiseraHelena
Bahagi
Talaan
  • Beaverhead County,Big Horn County,Blaine County,Broadwater County,Carbon County,Carter County,Cascade County,Chouteau County,Custer County,Daniels County,Dawson County,Deer Lodge County,Fallon County,Fergus County,Flathead County,Gallatin County,Garfield County,Glacier County,Golden Valley County,Granite County,Hill County,Jefferson County,Judith Basin County,Lake County,Lewis and Clark County,Liberty County,Lincoln County,McCone County,Madison County,Meagher County,Mineral County,Missoula County,Musselshell County,Park County,Petroleum County,Phillips County,Pondera County,Powder River County,Powell County,Prairie County,Ravalli County,Richland County,Roosevelt County,Rosebud County,Sanders County,Sheridan County,Silver Bow County,Stillwater County,Sweet Grass County,Teton County,Toole County,Treasure County,Valley County,Wheatland County,Wibaux County,Yellowstone County
Pamahalaan
 • KonsehoMontana Legislature
 • Governor of MontanaGreg Gianforte
Lawak
 • Kabuuan381,154 km2 (147,164 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)
 • Kabuuan1,084,225
 • Kapal2.8/km2 (7.4/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC−07:00, America/Denver
Kodigo ng ISO 3166US-MT
WikaIngles
Websaythttps://www.mt.gov/

AngMontana (/mɒnˈtænə/) ay isangestado sa rehiyong Bundok ng KanluraningEstados Unidos. Nasa hangganan ito ngIdaho sa kanluran,Hilagang Dakota atTimog Dakota sa silangan,Wyoming sa timog, at mga lalawigan ng Canada naAlberta,Columbiang Britaniko, atSaskatchewan sa hilaga. Ito ang ikaapat na pinakamalaking estado ayon sa laki, ang ikawalong pinakamaliit na populasyon na estado, at ang ikatlong pinamaliit ang densidad ng populasyon na estado. Kabisera nito angHelena, habang angBillings ang pinakamataong lungsod. Naglalaman ang kanlurang kalahati ng estado ng maraming bulubundukin, habang ang silangang kalahati ay nakikilala sa kanlurang lupain na may madamong kapatagan at matabang lupa, na may maliliit na bulubundukin na matatagpuan sa buong estado.

Walang opisyal na palayaw ang Montana subalit may ilang hindi opisyal na pangalan, pinakakilala ang "Big Sky Country" (Malaking Lupang Langit), "The Treasure State" (Ang Estadong Kayamanan), "Land of the Shining Mountains" (Lupain ng Nagniningning na Bundok), at "The Last Best Place" (Ang Huling Pinakamainam na Lugar).[1] Pangunahingagrikultura ang ekonomiya ng Montana, kabilang ang pagrarantso, at pagsasaka ngangkak. Kabilang sa ibang mahalagang mapagkukunang yamang ekonomiko anglangis, gas, uling, pagmiminina attroso. Mahalaga din saekonomiya ng estado ang mga sektor ng pangangalaga ngkalusugan, serbisyo, at pamahalaan.Turismo ang pinakamabilis na lumagong sektor ng Montana, na may 12.6 milyong turista (ayon noong 2019) ang bumisita sa estado bawat taon.[2]

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nagmula ang pangalang Montana mula salitang Kastila namontaña, na nagmula naman sa salitang Latin namontanea, na nangangahulugang "bundok" o mas malawak bilang "lupaing mabundok".[3][4]Montaña del Norte ('Hilagang Bundok') ang binagay ng pangalan ng mga naunang manggagalugad na Kastila sa buong rehiyong mabundok ng kanluran.[4] Naidagdag ang pangalang Montana noong 1863 sa isang panukalang batas ng Komite ng mga Teritoryo ng Kamara ng Estados Unidos (na si James Ashley ngOhio ang tagapangulo) para sa teritoryo na magiging Teritoryong Idaho.[5]

Napalitan ang pangalan ng mga kinatawan na sina Henry Wilson (Massachusetts) at Benjamin F. Harding (Oregon), na nagreklamo na "walang kahulugan" ang Montana.[5] Nang inihain ni Ashley ang isang panukalang batas upang itatag ang pansamantalang pamahalaan noong 1864 para sa isang bagong teritoryo na iiukit mula sa Idaho, pinili niya muli ang Teritoryong Montana.[6] Sa pagkakataong ito, tinutulan ang pangalan ni kinatawan Samuel Cox na taga-Ohio din.[6] Nagreklamo si Cox na ang pangalan ay isang maling tawag dahil hindi naman mabundok ang karamihan ng teritoryo, at inisip na mas angkop ang pangalang Katutubong Amerikano sa halip na Kastila.[6] May ibang pangalan, tulad ng Shoshone, ang minungkahi, subalit nagpasya ang Komite ng mga Teritoryo na mayroon silang diskresyon sa pagpili ng pangalan, kaya, pinagtibay ang orihinal na pangalang Montana.[6]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Robbins, J. 2008. harv error: no target: CITEREFRobbins,_J.2008 (help)
  2. "UM Travel Institute: 2020 Tests Montana Tourism".University of Montana (sa wikang Ingles). Agosto 18, 2020. Nakuha noongOktubre 25, 2022.
  3. Montana Historical Society (1910).Contributions to the Historical Society of Montana. Rocky Mountain Publishing Company. p. 47.
  4. 4.04.1Malone, Roeder & Lang 1991, pp. 95–96. harv error: no target: CITEREFMaloneRoederLang1991 (help)
  5. 5.05.1Sanders 1910, pp. 15–60. harv error: no target: CITEREFSanders1910 (help)
  6. 6.06.16.26.3Library of Congress 1864. harv error: no target: CITEREFLibrary_of_Congress1864 (help)
Mga Estado
Distritong Pederal
Mga Lugar na Insular
Mga Malalayong Pulo
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Montana&oldid=2084044"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp