Angmonarkiyang konstitusyonal omonarkiyang pansaligang-batas ay pinamumunuan ng isangmonarko (Hari oReyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isangparlamentaryo, na ang monarka ang simbolikongpinuno ng estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay angpunong ministro na ang partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.
Ginagamit ng monarko ang kanyang kapangyarihan ayon sa isangkonstitusyon at hindi siya nag-iisa sa pagpasya.[1] Naiiba ang mga monarkiyang konstitusyonal samgaganap na monarkiya (kung saan ang monarko ang tanging nag-iisang nagpapasya kahit pa limitado ng konstitusyon o hindi) sa kung papaano sila tali na ganapin ang kanilang mga kapangyarihan at awtoridad sa loob ng limitasyon na iniatas ng naitatag na legal na balangkas. Mayroong mga monarkiyang konstitusyonal sa ilang mga bansa tulad ngLiechtenstein,Monaco,Morocco,Jordan,Kuwait, atBahrain, kung saan ginagawad ng konstitusyon ang makabuluhang mga kapangyarihan sa pagpapasya sa soberano, at iba pang bansa tulad ngAustralya, angReino Unido,Canada, angNetherlands,Espanya,Belhika,Suwesya,Malaysia,Thailand,Cambodia, atHapon, kung saan nanatili ang monarko na may makabuluhang mas mababang antas ng pansariling pagpapasya sa paggamit ng kaniland awtoridad.