Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Momiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Momya

Angmomíya[1] (mula saKastila:momía; sa lumang ortograpiya:momya[2];Ingles:mummy) ay isangbangkay na angbalat atlaman aytininggal - dumaan sa proseso ng preserbasyon - sa pamamagitan ng sinadya o hindi sinasadyang pagkakadarang sa mgakimikal, labis na lamig, lubhang kababaan ngumido, o kawalan ng hangin kapag nababad sa mgalatian. Natagpuan ang mga momya ng mga tao at ibang hayop sa buong mundo, na kapwa mga resuta ng likas na pagtitinggal sa pamamagitan ng mga pambihirang mgakalagayan, at bilang mga kagamitang pangkalinangan para mapanatiling buo ang mga patay.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nagmula ang salitangmomya saKastilangmomia na hinango naman, katulad ngmummy sawikang Ingles, mula samumia ngLatin. Nagbuhat naman ang salitang Lating ito sa hiniram na salitangPersa oArabengmūmiyyah (مومية), na nangangahulugangbitumen. Dahil sa umitim nabalat, dating pinaniniwalaang palasak o malawakang ginagamit angbitumen sa gawaingpag-eembalsamo sasinaunang Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/momiya#momiya
  2. English, Leo James (1977)."Momya".Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer.ISBN 9710810731.


UsbongAng lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Momiya&oldid=2109374"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp