Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Timog Korea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saMokpo)
Republika ng Korea
대한민국
大韓民國
Daehan Minguk
Emblem ng Timog Korea
Emblem
Salawikain: (홍익인간)
"Kabutihan sa lahat ng sangkatauhan"
Awiting Pambansa: Aegukga(애국가)
"Makabayang awit"
Location of Timog Korea
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Seoul
Wikang opisyalKoreano
Opisyal na sistemang pansulatHangul
KatawaganTimog Koreano, Koreano
PamahalaanRepublikangpampanguluhan
• Pangulo
Yoon Suk-yeol
Han Duck-soo
LehislaturaPambansang Asemblea
Bumuo
Lawak
• Kabuuan
100,210 km2 (38,690 mi kuw) (Ika-108)
• Katubigan (%)
0.3
Populasyon
• Pagtataya sa 2010
48,875,000[1] (Ika-24)
• Densidad
491/km2 (1,271.7/mi kuw) (Ika-21)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$1.457 trilyon[2]
• Bawat kapita
$29,790[2]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$986.256 bilyon[2]
• Bawat kapita
$20,165[2]
Gini (2007)31.3[3]
katamtaman
TKP (2010)0.877[4]
napakataas · Ika-12
SalapiWon ng Timog Korea (₩) (KRW)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras sa Korea)
• Tag-init (DST)
UTC+9 (hindi inoobserba)
Ayos ng petsayyyy년 mm월 dd일
yyyy/mm/dd (CE)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono82
Internet TLD.kr
  1. Mobile phone system CDMA, WCDMA, HSDPA and WiBro
  2. Domestic power supply 220V/60 Hz, CEE 7/7 sockets

AngTimog Korea[5], pantungkulinRepublika ng Korea[5] (Internasyonal:Republic of Korea,Hangul: 대한민국,Daehan Minguk), ay isangbansa na matatagpuan saSilangang Asya, sa katimugang kalahati ngTangway ng Korea. Karaniwang tinatawag naHanguk (bansang Han; 한국) oNamhan (Timog Han; 남한) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan angmga pangalan ng Korea.

Seoul (서울) angkapital na lungsod nito. Sa hilaga, matatagpuan angHilagang Korea, na nabuo bilangisang bansa hanggang noong 1945.

Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: angDigmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas nang limang beses.

Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ayika-15 na pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal).

Pangalan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sawikang Koreano, ang Timog Korea ay tinatawag naDaehan Min-guk (Hangul:대한민국 pakinggan (help·info), Hanja:大韓民國, kahulugan "Dakilang Bansa ng Mamamayang Han"), o Hanguk (한국) kung paiikliin.

SaWikang Ingles, ang bansang ito ay kadalasang tinatawag bilang "Korea", na nagmula sa Dinastiyang Goryeo (minsan ay nakabaybay na Koryo), na nanggaling naman sa pangalan ng sinaunang Kaharian ng Goguryeo.

Pamahalaan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Angpamahalaan ng Timog Korea ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Pangunahing operasyon ng ehekutibo at lehislatibo ang pambansang pamahalaan, ngunit ang ibang sangay ng ehekutibo ay maaari rin magkaroon ng operasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Bago ang Pagkakahati

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kasaysayan ng Korea
AngLawa ng Kalangitan ngBundok Baekdu, kung saan sinabing bumaba mula sa langit ang ama niDangun.

Ang mga tuklas ng mga arkeolohiko ay nagsasabi na angTangway ng Korea ay tinitirahan na ng mga tao noong pang panahon ngUnang Paleolitiko.

Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalangGojoseon ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333BCE niDangun.[6] Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ngManchuria. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa TsinongDinastiyang Han, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ngTatlong Kaharian ng Korea.

Ang mapa ngTatlong Kaharian ng Korea noong huling bahagi ng ika-5 dantaon.

Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, angKaharian ng Buyeo,Okjeo,Dongye, at ang konpederasyon ngSamhan ay ang mga sumasakop sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na mga estado nito, angGoguryeo,Baekje, at angSilla ang lumago at kumontrol sa tangway bilangTatlong Kaharian ng Korea. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa pamamagitan ngPinag-isang Silla noong 676 ang nagpasimula ng Panahong Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado ngPinag-isang Silla, samantalang angBalhae ang sumakop sa hilagang bahagi ng Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa mga panloob na kaguluhan, at sumuko saGoryeo noong 935. AngBalhae, Ang kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.

Pagkatapos ng Hilaga-Timog na Panahon, ang mga sumunod na estado dito ay lumaban para sa pamamahala noong huling bahagi ng panahon ng Tatlong Kaharian. Ang tangway ay lumaong pinag-isa niWan Geon ngGoryeo. Gaya ng Silla, ang Goryeo ay isang mataas na estadong kultural at nabuo angJikji noong 1377, gamit ang pinalumang bakal na gumagalaw na palimbagan.[7]

AngPalasyo ng Gyeongbok ang pinakamalaki saLimang Malalaking Palasyo na ginawa noongDinastiyang Joseon.

Angpananakop ng mga Mongol noong ika-13 dantaon ay labis na nagpahina sa Goryeo. Subalit, ang Goryeo ay napanatiling mamuno sa Korea bilang alyadong sangay ng mga Mongol. Pagkatapos ng pagbagsak ng Emperyong Mongolia (Dinastiyang Yuan), ang Goryeo ay nagpatuloy sa pamumuno. Pagkatapos ng maraming kaguluhan at mga sumunod na pananakop, Ang Goryeo ay pinalitan ngDinastiyang Joseon noong 1388 pagkatapos ng rebelyon ni HeneralYi Seong-gye. Inihayag ni Heneral Yi na ang bagong pangalan ng Korea ay Joseon bilang pagkilala saGojoseon, at inilipat ang kabisera saSeoul. Ang unang 200 taon ng Dinastiyang Joseon ay kinakitaan ng kapayapaan at ang pagkabuo nghangul ni HaringSejong noong ika-14 na dantaon at ang paglaki ng impluwensiya ngConfucianismo.

Sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon, ang bagong nagkakaisang Hapon ay sinakop ang Joseon. Noong panahon ngPananakop ng mga Hapon sa Korea (1592–1599), ang ilang dantaon ng kapayaan ay nagdulot sa dinastiya ng hindi kahandaan sa pananakop, at ang kakulangan sa teknolohiya at mahinang pamumuno mula sapamahalaang Joseon at ng mga heneral ang nagdulot ng pagkawasak ng Tangway ng Korea. Subalit, ang patuloy na pagiging dominante ng mga Koreano sa karagatan na pinamumunuan niAdmiral Yi, ang paglakas ng mga lokal na sandatahan, at ang pakikialam ngTsinang Ming ay nagdulot sa Hapon ng matinding agam agam at pagsuko noong 1598.

Ngayon, Si Admiral Yi ay pinagdiriwang bilang isa sa pinakadakilang bayani ng Korea at ang kanyang mga barkong pagong, ay matagumpay na nagamit laban sa mga Hapones, at kinonsidera bilang pinakaunang labanang barkong may baluting bakal sa buong daigdig, subalit ang kakulangan sa matibay na katibayan ukol sa mga bakal ay nagdulot ng maraming debate.

Noong huling bahagi ng Dinastiyang Joseon, ang polisiyang isolasyonista ang umani ng pangalang "Hermit Kingdom", bilang proteksiyon laban sa kanluraningimperyalismo bago ito napilitang magbukas ng kalakalan na nagpasimula rin sa panahon nang pamumunong Kolonyal ng Hapon.

Pagkatapos ng Pagkakahati

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kasaysayan ng Timog Korea

Pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ngUnyong Sobyet atEstados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban saCold War ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pampolitika na bansa; angHilagang Korea at Timog Korea.

Kahit na nagkaroon ng planong pag-isahin ang Korea noong 1943 ayon saDeklarasyon ng Cairo, ang tumitindingCold War ang nagdulot upang mabuo ang dalawang magkahiwalay na pamahalaan: ang komunistang Hilaga at kapitalistang Timog. Sa Hilaga, isang dating gerilyang laban sa Hapon at mga aktibistang komunista, siKim Il-Sung[8] at sa Timog, isang pinunong pampolitika na Koreano, siSyngman Rhee, ang inilagay bilang mga pangulo.[9]

Ang himala ng Ilog Han pagkatapos ng digmaan ang nagdulot sa Timog Korea upang mapabilang sila saG20 at isa sa pinakamayamang bansa sa Asya.

Noong 25 Hunyo 1950, nilusob ngHilagang Korea ang Timog na nagdulot ngDigmaang Koreano. Binoykot ng Unyong Sobyet angNagkakaisang mga Bansa noon, kaya walang veto, ay nakapagpahintulot sa UN na pumagitna ito nang maging malala na ang malakas na sandatahang kommunista na maaring madaling masakop ang buong bansa. Ang Unyong Sobyet at ang Tsina ay tumangkilik saHilagang Korea, at noong huli ay ang pagsali ng angaw na mga tropang sandatahang Tsino. Pagkatapos ng malaking paglusob ng magkadalawang panig, ang digmaan ay lumaon at walang nagwagi. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang pook na walang sandahatang lakas odemilitarized zone na malapit sa orihinal na hangganan ng dalawang bansa. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay masasabi pa ring na sa digmaan.[10]

Noong 1960,isang pagkilos ng mga mag-aaral ang nagdulot sa pagbitiw ng autokrata at mandarambong na Pangulong siSyngman Rhee. Sinundan ito ng panahon ng pagkagulo sa politika, na dulot ngkudeta na pinumunuan ni HeneralPark Chung-hee laban sa mahina at hindi mabisang pamahalaan noong taong iyon. Si Park ang naging pangulo hanggang siya ay pinaslang noong 1979. Sa kanyang pamumuno, kinakitaan ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa sektor ngexport ang Timog Korea at pati na rin ang matinding pagsupil sa kalayaang pampolitika. Matindi ang naging pagbatikos kay Park bilang isang walang awang militar na diktador, subalit umunlad ang ekonomiyang Koreano noong panahon ng kanyang pamumuno.

Ang mga taon pagkatapos paslangin sa Park ay muling kinakitaan ng kaguluhang pampolitika dahil ang mga dating pinuno ng tagasalungat ay nangampanya upang maging pangulo. Noong 1980, nagkaroon muli ng kudeta, na pinamunuan naman ni HeneralChun Doo-hwan laban sa pamahalaan transisyunal ni Choi Gyu Ha, ang pangulong pansamantala at ang dating punong ministro sa ilalim ni Park. Si Chun ay naging pangulo, at ang kanyang kudeta noong Disyembre 12 ay ang nagpasiklab ng mga protesta sa buong bansa na nagnanais ngdemokrasya lalo na Lungsod ng Gwangju.

Ugnayang panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Si PangulongLee Myung-bak, kasama si dating PangulongGeorge W. Bush.

Pinapanatili ng Timog Korea ang relasyong diplomatiko nito sa mahigit 188 na mga bansa. Ang bansa ay naging kasapi ngmga Nagkakaisang Bansa simula noong 1991, nang ito ay naging estadong kasapi kasabay ng Hilagang Korea. Noong 1 Enero 2007, ang Ministro panlabas ng Timog Korea na siBan Ki-moon ay tinalagangKalihim Panlahat. Bumuo rin ito ng ugnayan saSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya bilang kasapi ngASEAN Plus Three, isang tagapagmasid na kinatawan, at saEast Asia Summit.

Tsina

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon sa kasaysayan, ang Korea ay may malapit na ugnayan saTsina. Bago mabuo ang Timog Korea, ang mga lumaban para sa kalayaan ng Korea ay nakipagtulungan sa mga hukbong Tsino noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit, pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, niyakap ngRepublikang Popular ng Tsina angMaoismo samantalang pinili ng Timog Korea ang maging malapit sa Estados Unidos. Tinulungan ng Tsina ang Hilagang Korea sa pagkakaroon ng suplay at sandatahan noong panahong ngDigmaang Koreano, at ito ang naging dahilan ng pagkakahinto ng diplomatikong relasyon ng Timog Korea at Tsina. Unti unting nanumbalik ang relasyon ng Timog Korea at Tsina nang pormal na buuin muli ito noong 24 Agosto 1992. HInangad ng dalawang bansa na pagbutihin ang relasyong bilateral at inalis ang apatnapung taong pagpipigil sa kalakalan, at[11] ang relasyong Timog Korea-Tsina ay napabuti simula noong 1992.[11] Pinutol ng Timog Korea ang opisyal na relasyon nito saRepublika ng Tsina (Taiwan) nang makuha nito ang opisyal na relasyon saRepublikang Popular ng Tsina (Tsina).[12]

Pagkakahating Administratibo

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Tingnan din:Talaan ng mga lungsod sa Timog Korea

Ang Timog Korea ay hinahati sa walonglalawigan, isang espesyal nalalawigan, anim na lungsod, at isang espesyal na lungsod. Ang pangalan sa baba ay nakaIngles,Hangul, atHanja.

PangalanaHangulHanja
Espesyal na Lungsod (Teukbyeolsi a)
1Seoul서울특별시서울特別市
Lungsod Metrepolitan (Gwangyeoksi a)
2Busan부산광역시釜山廣域市
3Daegu대구광역시大邱廣域市
4Incheon인천광역시仁川廣域市
5Gwangju광주광역시光州廣域市
6Daejeon대전광역시大田廣域市
7Ulsan울산광역시蔚山廣域市
Lalawigan
8Gyeonggi-do경기도京畿道
9Gangwon-do강원도江原道
10Chungcheongbuk-do충청북도忠淸北道
11Chungcheongnam-do충청남도忠淸南道
12Jeollabuk-do전라북도全羅北道
13Jeollanam-do전라남도全羅南道
14Gyeongsangbuk-do경상북도慶尙北道
15Gyeongsangnam-do경상남도慶尙南道
Espesyal na nagsasariling pamamahalang lalawigan (Teukbyeoljachi-do a)
16Jeju제주특별자치도濟州特別自治道

Demograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Demograpiya ng Timog Korea

Kilala ang Timog Korea sa densidad ng populasyon nito, na nasa 487 bawat kilometro parisukat na 10 ulit na mas mataas kaysa sa pandaigdigang pamantungan. Karamihan ng mga Timog Koreano ay nakatira sa mga pook urban, dahil sa mabilis na migrasyon mula sa kayanunan noong mabilis na pagpapalawak ng ekonomiya noong dekada '70, '80 at '90.[13] Ang kabiserang lungsod, pinakamalaking lungsod at pangunahing sentro ng industriya ay angSeoul. Ayon sa senso noong 2005, Ang Seoul ay may populasyon na 9.8 milyon. AngKalakhang Seoul ay may 24.5 milyon nananahan na naging dahilan upang ito ay maging ikalawang pinakamalaking pook metropolitan sa buong daigdig. Ang iba pang pangunahing lungsod ay angBusan (3.5 milyon),Incheon (2.5 milyon),Daegu (2.5 milyon),Daejeon (1.4 milyon),Gwangju (1.4 milyon) atUlsan (1 milyon).[14]

Ang populasyon ay hinubog din ng migrasyong internasyunal. Pagkatapos ng pagkakahati ng tangway ng Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may tinatayang apat na milyon katao mula Hilagang Korea ang tumawid sa hangganan patungong Timog Korea. Ang kalakarang ito ay nabaligtad naman pagkatapos ng apatnapung taon dahil naman sa paglabas ng mga nananahan dito patungo sa ibang bansa, lalo na saEstados Unidos atCanada. Ang populasyon ng Timog Korea noong 1960 ay nasa 25 milyon.[15] Ang kasalukuyang populasyon ng Timog Korea ay tinatayang nasa 49,540,000.[16]

Ang lipunang Timog Koreano ay magkakatulad na may 98 bahagdan ng mga nananahan dito ay may etnisidad naKoreano.[17] Datapwat maliit, ang bahagdan ng mga hindi Koreano ay tumataas.[18] Noong 2009, mayroong 1,106,884 banyagang residente ang Timog Korea, doble kung ihahambing sa kabuuang bilang noong 2006. 56.5% ng mga ito ay mula samga migranteng galing sa Republikang Popular ng Tsina, ngunit karamihan sa kanila ay mgaJoseonjok, o mga mamamayan ng RPT na may lahing Koreano.[19] Ang tinatayang 33,000 mgamigranteng Mongolian ay pinaniniwalaang pinakamalaking komunidad ng mga mamamayang Mongolian sa ibang bansa[20][21] Isa pang kilalang pangkat ay ang mga babae mul saTimog Silangang Asya na bumubuo sa 41% ng bagong kasal sa mga magsasakang Koreano noong 2006.[22] Mayroon din 31,000 tauhang militar ng Estados Unidos sa Timog Korea.[23] Dagdag pa dito, may 43,000 mga guro ng Ingles mula sa Estados Unidos, Canada, Australia, New Zealand, United Kingdom, Ireland, at Timog Aprika na pansamantalang naninirahan sa Korea.[24]

Ang antas ng panganganak sa Timog Korea ay pinakamababa sa buong mundo.[25] Kung ito ay magpapatuloy, ang populasyon ay inaasahang bumaba ng 13 bahagdan at aabot sa 42.3 milyon pagdating ng 2050,[26] Ang taunang antas ng panganganak sa Timog Korea ay halos nasa 9 na pinapanganak sa bawat 1000 katao.[27] Ang pamantungan inaasahang haba ng buhay noong 2008 ay nasa 79.10 gulang,[28] kung sa an ika-40 sa buong mundo[29]


 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan saTimog Korea
RanggoPangalanLalawiganPop.RanggoPangalanLalawiganPop.
Seoul
Seoul
Busan
Busan
1SeoulSeoul9,904,31211YonginGyeonggi971,327Incheon
Incheon
Daegu
Daegu
2BusanBusan3,448,73712SeongnamGyeonggi948,757
3IncheonIncheon2,890,45113BucheonGyeonggi843,794
4DaeguDaegu2,446,05214CheongjuHilagang Chungcheong833,276
5DaejeonDaejeon1,538,39415AnsanGyeonggi747,035
6GwangjuGwangju1,502,88116JeonjuHilagang Jeolla658,172
7SuwonGyeonggi1,194,31317CheonanTimog Chungcheong629,062
8UlsanUlsan1,166,61518NamyangjuGyeonggi629,061
9ChangwonTimog Gyeongsang1,059,24119HwaseongGyeonggi608,725
10GoyangGyeonggi990,07320AnyangGyeonggi585,177

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "총인구, 인구성장률 : 지표상세화면". Index.go.kr. Nakuha noong2010-10-29.
  2. 2.02.12.22.3"South Korea". International Monetary Fund. Nakuha noong2010-04-21.
  3. Gini indexNaka-arkibo 2007-06-13 saWayback Machine. CIA World Fact Book
  4. "Human Development Report 2010"(PDF). United Nations. 2010. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2010-11-21. Nakuha noong5 Nobyembre 2010.
  5. 5.05.1Andrea (tagapagsalin)."Korea," "Hilagang Korea," "Timog Korea," "Koreano," mga salitang ginamit sa balitang "H.Korea, puputulin ang daang panlupa nila ng T.Korea," China Radio International - Filipino, Filipino.CRI.cn
  6. Kasaysayan ng Korea (Ko-Choson, Ang Tatlong Kaharian, Kaharian ng Parhae, Pinag-isang Shilla, Dinastiyang Koryo, Panahong Kolonyal, Pakikipaglaban sa Kalayaan, Pamahalaang Probisyunal ng Korea, Hukbong Sandatahng Pangkalayaan, Republika ng Korea,)
  7. URL_ID=3946&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html World's oldest printed Doc
  8. "Kim Il Sung. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07". Inarkibo mula saorihinal noong 2009-06-04. Nakuha noong2009-03-07.
  9. "Rhee, Syngman. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07". Inarkibo mula saorihinal noong 2009-06-04. Nakuha noong2009-03-07.
  10. "South Korea".US Department of State. Nakuha noong2006-09-16.
  11. 11.011.1"Asia Times – News and analysis from Korea; North and South". Atimes.com. 2004-09-11. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-04-02. Nakuha noong2010-04-25.
  12. South KoreaNaka-arkibo 2015-07-03 saWayback Machine. CIA World Factbook
  13. "South Korea".CIA Country Studies. Nakuha noong2006-04-22.
  14. Populations for all cities as of 2005,"Summary of Census Population (by administrative district/sex/age)".NSO Database. Nakuha noong2009-05-11.[patay na link]
  15. World Population Prospects: The 2006 RevisionNaka-arkibo 2020-04-21 saWayback Machine.. Source:Population Division of the Department of Economic and Social Affairs of the United Nations Secretariat.
  16. "2008년 12월 31일 기준 주민등록인구 및 세대".Korea National Statistical Office. Nakuha noong2009-04-08.[patay na link]
  17. South KoreaNaka-arkibo 2015-07-03 saWayback Machine.. CIA – The World Factbook.
  18. "South Koreans Struggle With Race". The New York Times. 1 Nobyembre 2009.
  19. "More Than 1 Million Foreigners Live in Korea",Chosun Ilbo, 2009-08-06, nakuha noong2009-10-18
  20. "Mongolians, Koreans share ancient bonds",Taipei Times, 2003-10-13, nakuha noong2007-08-17
  21. "Sea Breeze Helps Korea's Mongolians Speak with One Voice",The Chosun Ilbo, 2005-03-29, inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-29, nakuha noong2007-09-05
  22. INSIDE JoongAng Daily
  23. US military figures as of 2005, from[1]Naka-arkibo 2010-02-09 saWayback Machine. (Excel file) Tim Kane Global US Troop Deployment, 1950–2003
  24. "Foreign Teachers Unenthusiastic Over Culture Course". Koreatimes.co.kr. 2009-11-26. Nakuha noong2010-02-18.
  25. South Korea's birthrate world’s lowest - koreatimes.co.kr
  26. South Korea: Lowest Birthrate in the World - LifeSiteNews.com
  27. "South Korea".CIA World Factbook. 26 Hunyo 2009. Nakuha noong4 Hulyo 2009.[patay na link][patay na link]
  28. CIA – The World Factbook 2008Naka-arkibo 2014-05-28 saWayback Machine. – Rank Order – Life expectancy at birth
  29. "Archive copy". Inarkibo mula saorihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong2010-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  30. "2015년 인구주택총조사 전수집계결과 보도자료" [2015 Population and Housing Census].Statistics Korea.
Mga bansa at dependensiya saAsya
Mga estadong soberano
Estadong limitado ang pagkakakilala
Dependensiya at iba pang teritoryo
Mga rehiyon
Mga lalawigan
Lalawigang awtonoma
Tanging lungsod
Mga kalakhang lungsod
Busan · Daegu · Daejeon · Gwangju · Incheon · Ulsan
International
National
Geographic
Academics
Artists
People
Other
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Timog_Korea&oldid=2086571"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp