Angmakabagong kasaysayan omodernong kasaysayan (Ingles:modern history,modern era,modern age) ay angkasaysayan ngMakabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong panahon ay nasa pagkalipas ngPanahong Panggitna.[1] Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang nagsimula sa ika-16 daantaon.[2][3] Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa pagdating ngPanahon ng Katwiran at ngPanahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at sa pag-uumpisa ngRebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa samaagang makabagong kapanahunan at sahulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ngHimagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Angkasaysayang kontemporaryo ay naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa pangkasalukuyang kapanahunan.
Maraming mga pangunahing kaganapan ang nagsanhi na magbago angEuropa sa pagsapit ng ika-15 hanggang sa ika-16 mga daantaon, na nagsimula saPagbagsak ng Konstantinople noong 1453, sa pagbagsak ngMuslim na Espanya at sa pagkakatuklas ngKaamerikahan noong 1492, at saRepormasyong Protestante niMartin Luther noong 1517. SaInglatera, ang makabagong kapanahunan ay madalas na pinepetsahan sa simula ngkapanahunan ng Tudor sa pagtatagumpay niHenry VII laban kayRichard III doon saLabanan ng Bosworth noong 1485.[4][5] Ang kasaysayan ngmaagang makabagong Europa ay kadalasang tinatanaw na sumasaklaw magmula sa ika-14 hanggang sa ika-15 mga daantaon, hanggang sa Panahon ng Katwiran at sa Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon, hanggang sa pagsisimula ng Rebolusyong Pang-industriya noong kahulihan ng ika-18 daantaon.
- ↑The Century Dictionary and Cyclopedia, pahina 3814
- ↑Dunan, Marcel.Larousse Encyclopedia of Modern History, From 1500 to the Present Day. New York: Harper & Row, 1964.
- ↑"modern. The American Heritage Dictionary of the English Language: Fourth Edition. 2000". Inarkibo mula saorihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong2012-11-09.
- ↑Helen Miller, Aubrey Newman.Early modern British history, 1485-1760: a select bibliography,Historical Association, 1970
- ↑Early Modern Period (1485-1800), Sites Organized by Period,Rutgers University Libraries
Ang lathalaing ito na tungkol saKasaysayan ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.