Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Misyonero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga misyonerongKatoliko saPapua Bagong Guinea

Ang isangmisyonero ay isang kasapi ng pangkat relihiyoso na sinugo sa isang lugar upang palaganapin ang pananampalataya o maglingkod sa tao, tulad ngedukasyon,literasiya, katarungang panlipunan,pangangalaga ng kalusugan, at pagsulong ng ekonomiya.[1][2]

Sa salin ngBibliya saLatin, sinabi niJesucristo ang salita na sinusugo niya ang mga alagad sa mga lugar at ipangaral angmabuting balita sa ngalan niya. Karaniwang ginagamit ang salita sa pagtukoy sa mga misyongKristiyano, subalit maari din nitong tukuyin ang kahit anumang paniniwala oideolohiya.[3]

Nagmula ang salitangmisyon noong 1598 nang isugo ng mgaHeswita, ang mga miyembro ngKapisanan ni Hesus, ang mga kasapi sa ibang bansa, hinango mula sa Latin namissionem (nom.missio), nangangahulugang 'ang gawa ng pagsusugo' omittere, nangangahulugang 'isugo'.[4]

Epekto ng misyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ginaya ng isang pag-aaral noong 2020 nina Elena Nikolova at Jakub Polansky ang pagsusuri ni Woodberry[5] gamit ang dalawampu't anim na alternatibong sukat sademokrasya at pinalawig ang tagal ng panahon sa kung saan ang sukat ng demokrasya ay kinatamtaman. Nagdulot ang dalawang simpleng pagbabagong ito sa pagdedetalye ng mga resulta ni Woodberry.[5] Sa pangkalahatan, walang mahalagang kaugnayan sa pagitan ng mga misyongProtestante at pagsulong demokrasya ang naikakabit.[6]

Natuklasan ng isang pag-aaral ng 2017 na ang mga lugar saMehikong kolonyal na nagkaroon ng mga misyong Mendikante ay may mas mataas na antas ng literasiya at natamong pinag-aralan sa ngayon kaysa sa mga rehiyon na hindi nagkaroon ng misyon.[7] Ang mga lugar na nagkaroon ng misyong Heswita ay hindi katangi-tangi sa ngayon mula sa mga lugar na walang misyon.[7] Natuklasan din sa pag-aaral na ang bahagi ng mga Katoliko ay mas mataas sa mga rehiyon kung saan ang mga misyong Katoliko ng kahit anumang uri ay isang makasaysayang kasalukuyan."[7]

Natuklasan ng isang pag-aaral noong 2016 na ang mga rehiyong Sub-SahariyanongAprika na pinagdalahan ng mga misyonero ng palimbagan ay nauugnay ngayon sa mag mataas ng bilang ng bumabasa ngpahayagan, tiwala, edukasyon, at pampolitikang pakikilahok.[8][9]

Mayroon din mahalagang ambag ang mga misyonero salingguwistika at ang pagsasalarawan atdokumentasyon ng maramingwika.[10][11]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Missionary Define Missionary.dictionary.reference.com. Hinango noong 2019-05-16.
  2. Thomas Hale 'On Being a Missionary' 2003, William Carey Library Pub,ISBN0-87808-255-7. (sa Ingles)
  3. Halimbawa, nilunsad ngBudismo ang unang malawakang pagsisikap sa pagmimisyonero sa kasaysayan ng mga relihiyon ng mundo noong ika-3 dantaon BCE. (Richard Foltz,Religions of the Silk Road, Palgrave Macmillan, ika-2 edisyon, 2010, p. 37ISBN978-0-230-62125-1) (sa Ingles).
  4. Online Etymology Dictionary.etymonline.com. Hinango noong 2011-01-19. (sa Ingles)
  5. 5.05.1Robert D. Woodberry, "The Missionary Roots of Liberal Democracy."American Political Science Review (2012) 106#2: 244-274. onlineNaka-arkibo 2017-08-09 saWayback Machine. (sa Ingles)
  6. Nikolova, Elena; Polansky, Jakub (2020)."Conversionary Protestants Do Not Cause Democracy".British Journal of Political Science (sa wikang Ingles).51 (4): 1723–1733.doi:10.1017/S0007123420000174.hdl:10419/214629.ISSN 0007-1234.S2CID 234540943.
  7. 7.07.17.2Waldinger, Maria (Hulyo 2017)."The long-run effects of missionary orders in Mexico"(PDF).Journal of Development Economics (sa wikang Ingles).127: 355–378.doi:10.1016/j.jdeveco.2016.12.010.
  8. Cagé, Julia; Rueda, Valeria (July 2016). "The Long-Term Effects of the Printing Press in sub-Saharan Africa".American Economic Journal: Applied Economics (sa wikang Ingles).8 (3): 69–99.CiteSeerX 10.1.1.635.9580.doi:10.1257/app.20140379.ISSN 1945-7782.
  9. Cagé, Julia; Rueda, Valeria (2017-03-04)."The devil is in the detail: Christian missions' heterogeneous effects on development in sub-Saharan Africa".VoxEU.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong2017-06-07.
  10. p. 223, 224. Skutnabb-Kangas, Tove. 2000.Linguistic Genocide in Education -- Or Worldwide Diversity and Human Rights? Mahwah, NJ: Lawrence Erlbaum Associates. (sa Ingles)
  11. p. 7. Hovdhaugen, Even. 1996b. Missionary Grammars. An attempt at defining a field of research. Hovdhaugen, ed....and the Word was God: Missionary linguistics and missionary grammar,, pp. 9–22. (Studium Sprachwissenschaft, 25.) Münster: Nodus. (sa Ingles)
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Misyonero&oldid=2080272"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp