Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Mineral

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang mga gamit, tingnan angMineral.
Bahagi ngisang serye sa
Heolohiya
Sari-saring mga mineral.

Angmineral obatong mineral[1] ay isang solido at inorganikong bagay[1] na kusa o likas na nabubuo sa loob ngMundo. Mayroon itong kayariangkristal at natural na nangyayari sa pamamagitan ng sarili lamang dahil sa prosesong heolohiya.[2] Tinatawag namineralohiya ang pag-aaral ng mga mineral.[3] Mayroon din itong kumposisyon o kabuuang kimikal. Isa rin itong matigas na bagay na itinuturing naelementong kimikal at may buongkumpuwestong kimikal. May lagpas sa 4,000 mga tipo o uri ng nakikilalang mga mineral.[4] Dalawa sa pangkaraniwang mga mineral angkuwarts at ang peldespato habang matatagpuan lamang ang iba sa ilang lugar sa mundo

Ang mga mineral ay nag-iiba sa komposisyon, mula sa mga purongelemento at simpleng mgaasin hanggang sa napakakomplikadong silikato na maylibu-libong kilalang mga anyo. Sa kabaligtaran, ang isang sampol ngbato ay isang walang-piling na pinagsama-samang mga mineral at/o mineraloide, at walang tiyak na komposisyongkemikal. Karamihan sa mga bato ng sa ibabaw ng Daigdig ay maykuwarso (kristalinang SiO2), peldespato, mika, klorito, kaolin, kalsita, epidota,olibino, augita, hornblenda, magnetita,hematita, limonita at ilang iba pang mineral. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mineral sa ngayon ay ang silikato (karamihan sa mga bato ay ≥95% silikato), na higit sa lahat ay gawa sasilisiyo atoksihino, kasama rin ng mgaiono ngaluminyo,magnesiyo,bakal,kaltsiyo at iba pang mgametal.

Mga katangian ng mineral

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mineral ay isangsustansiya na karaniwan na:

Mga mineral at bato

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga mineral ay iba sa mgabato. Isang kompuwestong kemikal ang mineral na may ibinigay na komposisyon at isang tinukoy na istraktura ng kristal.[5] Ang bato aypinaghalong isa o ilang mineral, sa iba't ibang sukat.

Ang bato ay may dalawa lamang sa mga katangiang taglay ng mga mineral—ito ay isang solido at natural itong nabubuo. Karaniwang naglalaman ang isang bato ng dalawa o higit pang uri ng mineral. Ang dalawang sampol ng parehong uri ng bato ay maaaring may iba't ibang uri ng mineral sa kanila. Ang mga mineral ay palaging binubuo ng parehong mga materyales sa halos parehong sukat. Angrubi ay isang mineral. Samakatuwid, ang isang rubi na matatagpuan saIndya ay may katulad na komposisyon tulad ng isang rubi na matatagpuan saAustralya .

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Gaboy, Luciano L.Mineral - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. L.B. RailsbackDefinitions[1]Naka-arkibo 2013-03-02 saWayback Machine. at[2]Naka-arkibo 2012-09-15 saWayback Machine. (sa Ingles)
  3. Dana J.D. Hurlbut C.S. & Klein C. 1985.Manual of mineralogy. 20th ed, Wiley.
  4. 4.04.1International Mineralogical AssociationIMA/CNMNC List of Mineral NamesNaka-arkibo 2013-06-26 saWayback Machine. (PDF 1.8 MB;) (sa Ingles)
  5. Levin H. 2006.The Earth through time. ika-8 ed, Wiley. p48: Minerals and their properties. (sa Ingles)
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Mineral&oldid=2169783"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp