Mga OFW saBrunay | |
| Kabuuang populasyon | |
|---|---|
| 2.16 milyon[1][2] (2023) | |
| Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
| 432,000 | |
| 293,760 | |
| 140,400 | |
| 138,240 | |
| 133,920 | |
| 99,360 | |
| Wika | |
| Filipino(pambansa),Ingles(ko-opisyal) mga wikang Pilipino,Arabe | |
| Relihiyon | |
| Kristiyanismo(karamihan),Islam | |
| Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
| Mga Pilipino (Mga Pilipino sa Ibayong Dagat) | |
AngMigranteng Manggagawang Pilipino (Ingles:Overseas Filipino Worker oOFW) ay tumutukoy sa mgaPilipinong manggagawa na may pagkamamamayang Pilipino at naninirahan sa ibang bansa sa loob ng limitadong panahon para sa pagtatrabaho.[3] Noong pagitan ng Abril at Setyembre 2023, tinatayang nasa 2.16 milyon ang bilang ng mga manggagawang ito.[1] Sa bilang na ito, mas marami ang mga babaeng manggagawa, na bumubuo ng 55.6 porsyento o 1.20 milyon.[4]
Malaking kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ang perang ipinapadala ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak sa bansa, na umabot sa 3.73 bilyon USD noong 2024, katumbas ng humigit-kumulang 8.3% ngKabuuang Domestikong Produkto ng Pilipinas.[5]
Noon pang unang bahagi ng ika-20 siglo ay nagtatrabaho na sa labas ng kapuluang Pilipinas ang mga migranteng manggagawang Pilipino, kung kailan ipinadala sila sa Hawaii bilang mga manggagawang agrikultural upang matugunan ang pansamantalang pangangailangan sa paggawa sa sektor ng agrikultura ng noo’y teritoryo ng Amerika. Kalaunan, nagtungo ang mga manggagawang Pilipino sa Kalupaang Estados Unidos upang magtrabaho sa mga otel, restoran, at lagarian, gayundin sa pagtatayo ng riles. Nagtrabaho rin sila sa mga plantasyon sa California at sa industriya ng pagdedelata ng Alaska, na noo’y teritoryo ng Amerika. Nagsilbi rin ang ilang Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos noongIka-2 Digmaang Pandaigdig.[6]