| Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ngpagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. Maaari kang makatulong sa pamamagitan ngpagbabago nito ngayon.(Agosto 2009) |
Michelle Branch |
---|
 Si Michelle Branch noong Oktubre 2003. |
Kabatiran |
---|
Pangalan noong ipinanganak | Michelle Jacquet DeSevren Branch |
---|
Kapanganakan | (1983-07-02)2 Hulyo 1983 (edad 41) |
---|
Pinagmulan | Sedona,Arizona,Estados Unidos |
---|
Genre | Alternative, pop rock, acoustic, country |
---|
Trabaho | mang-aawit-manunulat ng kanta, musikero, tagapalabas,aktres, TV host |
---|
Instrumento | bokalista, gitara pang-acoustic,gitara, keyboards, percussions,piyano,accordion,tselo,silindro,bandolin |
---|
Taong aktibo | 2000–kasalukuyan |
---|
Label | Maverick, Warner Bros. Nashville |
---|
|
---|
Website | MichelleBranch.com |
---|
SiMichelle Jacquet DeSevren Branch (ipinanganak 2 Hulyo 1983) ay isangAmerikanangmang-aawit,manunulat ng mga awitin atgitarista.
Ipinanganak siya 7 linggongpremature saPhoenix, Arizona at ipinangalan sa awitin ngThe Beatles na "Michelle". May lahingIrish ang kanyang tatay at may lahingOlandes,Indonesian (Javanese), atPranses naman ang kanyang ina. Nagresulta sa isang anyong Eurasian si Michelle dahil sa mga pinanggalingang etniko ng kanyang mga magulang. Mayroon siyang nakakatandang kalahating kapatid, si David, at isang nakakabatang kapatid, si Nicole. Nag-hayskul siya saRed Rock High School na nasaSedona.
Nagsimula magsulat ng mga awitin si Branch noong kabataan pa niya at nagkaroon ng gitara noong ika-14 na kaarawan niya, at sa bandang huli, kumuha ng mga klase para sa pagpapabuti ng boses.Noong nasa hayskul siya, binigyan ng pansin angsining, pinipili ang mga klase na mapupunan at mapabuti ang kanyang pagiging malikhain. Labis nagsusulat si Branch sa buong panahon niya sa hayskul — sa katunayan, inaangkin niya na sinulat angSweet Misery sa panahon ng klase saaldyibra. Hindi siya nakatapos ng hayskul, pinili sa halip na sundin ang mga pangarap at maging isang mang-aawit at manunulat ng mga awitin. Nagpatugtog siya sa mgaclub sa ilang mga taon at inilabas ang album naBroken Bracelet sa isang malayangrecord label.
Nakalagda siya sa kompanyang rekord niMadonna naMaverick habang nagbigay ng pambungad na awit para saHanson, lumagda sa kasunduan noong Disyembre 2000. Napakinggan sa mgaradyo noong 2001 ang kanyang unang sikat na awitin, ang "Everywhere", at nasundan ito ng isa pang sikat na awitin, ang "All You Wanted", parehong galing sa album niya naThe Spirit Room na naipalabas noong 14 Agosto 2001. Noong 2002, lumabas siya bilang punong bokalista sa awitin niCarlos Santana na "The Game of Love" (hindi dapat ipagkamali sa awitin ngThe Mindbenders na kaparehong pangalan). Nanalo ang awitin saGrammy Award para sabest pop collaboration. Noong 2003, inilabas ang kanyang ikalawang album naHotel Paper. Napunta sa top 20 ang unang single na "Are You Happy Now" saBillboard single chart.
Nakamit niya pagbunyi kasama ng ibang mang-aawit katulad ninaAvril Lavigne atVanessa Carlton bilang isang batang babae na gumaganap samusikang pop na hindibubblegum, o inilalahad sa publiko batay sa imaheng seksi sa halip na integridad samusika. Gayon man, nagkaroon ng alinlangan ang kanyang imahen dahil sa kanyang mga seksing kuha sa mga magasin naMaxim atBlender, sa isang anyong na nagpapaalala sa mga katulad din mgapop star na sinaBritney Spears atChristina Aguilera.
Kilala si Branch sa pagsulat o may katulong sa pagsulat sa mga awitin sa kanyang mga album. Pinuri siya ng mga kritiko sa kanyang mga maalalahaning mga liriko at mapagbigay pansin na mga tipa ng gitara. Kabilang sa mga impluwensiya niya sa musika angThe Beatles, angLed Zeppelin, angQueen, angAerosmith, siCat Stevens at siJoni Mitchell. Nagpapatugtog siya ng ilang mga instrumento, kabilang angcello, anggitara, angaccordion, angmandolin, ang mgadrum at angpiyano.
NoongHulyo, 2005, nagsama sa isang bagong proyekto si Branch at angback-up singer at matagal na niyang kaibigan na siJessica Harp. Binuo nila ang isang bandang unang kinilala sa pangalang "The Cass Country Homewreckers", pero dahil sa haba, naging "The Wreckers" na lamang. Sa kanilangalbum, ipinagsama ni Branch at ni Harp ang magkaibang istilo nila sa musika,pop rock atcountry. Dapat lalabas ngHunyo 2005 yungalbum ng banda, kaso napatagal dahil sa pagbubuntis ng Branch. Lumabas ang unangsingle ng banda na "Leave the Pieces" noongPebrero 2006. Sumunod na yungalbum na "Stand Still, Look Pretty" noongMayo 2006.
Nagpakita si Branch bilang isang panauhin sa mga palabaspantelebisyon kabilang angBuffy The Vampire Slayer,Charmed atAmerican Dreams.
Noong 23 Mayo 2004, pinakasalan niya saMehiko angbasistang siTeddy Landau na kasama niya satour band at 19 na taong gulang na mas matanda sa kanya. Ipinanganak niya ang isang sanggol na babae na pinangalang Owen Isabelle noong 3 Agosto 2005.
Noong 2007, binenta ni Branch ang tirahan nya saSouthern California para lumipat saNashville ng Enero 2008[1].
Bandang Oktubre ng taong 2007, itinala ni Branch sa kanyang porum na nag-umpisa na siya sa paggawa ng isang bagongalbum[2]. Ngunit, sa sumunod na taon pa opisyal na lumabas ang mga balita tungkol dito[3]. Tinawag na "Everything Comes And Goes" angalbum. Ipinahayag ni Branch na may kinalaman ang tema ng pamagat sa natapos na samahan nina Branch at Harp sa bandang "The Wreckers". Sinabi rin ni Branch na nanatili sacountry ang kaurian ng kanyang bagongalbum. Hindi pa sigurado kung kailan lalabas angalbum na ito dahil sa mga pagbabagong nangayayari saWarner Bros. Records[4].
Mula sa "Everything Comes And Goes", ang kantang "This Way" ang unang ibinahagi ni Branch sa kanyang mga taga-hanga. Para sa mga sumusubaybay sa kanyangwebsite, ipinamigay niya ang librengmp3 ng kantang ito noong Pebrero 2009. Pero hindi ito ang opisyal na pangunahingsingle ngalbum.
Hunyo ng 2009, itinala ni Branch sa kanyang porum na ang kantang "Sooner or Later" ang ituturing na pangunahingsingle ngalbum. 28 Hulyo 2009 lumabas ang kanta saiTunes Store (US).
mula saThe Spirit Room:
Nagpakita bilang panauhin sa album niSantana naShaman:
Mula saHotel Paper:
Nagpakita bilang panauhin sa album niSantana naAll That I Am:
Mula saEverything Comes And Goes: