Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa منظمة الأمم المتحدة(Arabe) United Nations(Ingles) Organización de las Naciones Unidas(Espanyol) Organisation des Nations unies(Pranses) Организация Объединённых Наций(Ruso) 联合国/聯合國(Tsino)
Watawat
Sagisag
Mapa ng mga estadong kasapi ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa.
AngKatatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila:Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilangmga Nagkakaisang Bansa (Ingles:United Nations), at dinadaglat bilangKNB (Kastila:ONU;Ingles:UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa daigdig. Ayon saKarta nito, nilikha ito upang ipanatili ang kapayapaan at katiwasayang internasyonal, bumuo ng mga mapagkaibigang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, makamit ang pandaigdigang pagtutulungan upang lutasin ang mga suliranin sa daigdig, at maging sentro para sa pagkakasundo ng mga pagkilos ng mga bansa. Matatagpuan ang punong-tanggapan nito sa teritoryong ekstrateritoryal saLungsod ng Bagong York (Estados Unidos), at mayroong mga pangunahing tanggapan saHinebra (Suwisa),Nairobi (Kenya), atViena (Austria).
Ang huling yugto ng mga sesyon ngPangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ay pinagdiwang noong 10 Enero 1926 saCentral Hall Westminster saLondres. Ang kanyang aktuwal na himpilan ay matatagpuan ngayon saLungsod ng New York. Ito ang sumunod sa yapak ng Liga ng mga bansa[1] (League of Nations), isang katatágan na nalikha taong 1910 noon namangUnang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan ngTratado ng Versailles, "para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at makamit ang kapayapaan at seguridad". Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miyembro ng United Nations, maliban saLungsod ng Batikano, na isa lamang tagamasid, at angRepublika ng Tsina (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang katatágan ay mayroon 191 mga bansang kalahok.[1]
Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng bagong katatágan noong 25 Abril 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga pamahalaan, inimbitahan rin ang mgakatatágang di-pampamahalaan. Noong Hulyo 26, nilagdaan ng kinatawan ng 50 bansang nasa kumperensiya angKarta ng Nagkakaisang Bansa. AngPoland, na walang kinatawan sa pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 Estado.
Ang mga tagapagtatag ng mga Nagkakaisang Bansya ay umaasa dito na maiiwasan ang mga bagong digmaan sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin natupad sa maraming pagkakataon. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak ngBerlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob ng tinatawag naCold War ay nagpahirap sa pagkamit sa layunin nito, lalo pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto.[2]
Ang mga United Nations ay may anim na wikang opisyal:Arabo,Espanyol,Ingles,Pranses,Ruso atTsino. Halos lahat ng mga opisyal na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, at Espanyol.