Isang mandirigmang Eskito noong pangalawang bahagi ng ika-7 at ika-6 na daang taon BK.
Ang mgaEskito (Ingles: mgaScythian o mgaScyth;Griyego:Σκύθης, Σκύθοι) ay mga sinaunang taongIrani na pagala-gala o nomadikong mgapastol, na naglakbay upang makalipat mula sa Gitnang Asya papunta sa timog Rusya noong ika-8 at ika-7 mga daang taon BK,[1][2] na namayani sa malawak na kapatagang madamo ng Pontiko at Kaspyano noong kapanahunan ng kabuoan ngKlasikong Sinaunang Panahon. Dating kilala ang madamong kapatagang ito bilangEskita oScythia sa wikang Ingles. Pagsapit ngHuling Sinaunang Panahon, ang napakakalapit na mgaSarmatyano ang namayani sa mga Eskita sa lugar na ito. Karamihan sa mga nakaligtas na mga kabatiran ukol sa mga Eskita ang nagmula kayHerodotus, isangGriyegong manunulat ng kasaysayan (sirka 440 BK), mula sa kanyangMga Kasaysayan, at sa natagpuan ng mga arkeologo na maganda ang pagkakayaring bagay na yari sa ginto sa isang mgakurgang Eskito o mga "buntong libingan" saUkranya at Katimugang Rusya.
Ginamit din ang pangalang "Eskito" upang tukuyin ang samu't saring mga taong nakikita bilang katulad ng tunay na mga Eskito, o iyung mga nanirahan sa alin mang pook sa malawak na lugar na sumasakop sa pangkasalukuyang Ukranya, Rusya, atGitnang Asya. Noong panahong midyibal, nakikilala ang Gitnang Asya bilangEskita.[3] Noong 2,000 mga taon na ang nakalilipas, nanirahan ang tribong Eskito saEskita, ang katimugang bahagi na nakilala kamakailan lamang bilang angUnyong Sobyet.[4]
Dating nakatira ang mga Eskito sa paligid ngBulubundukin ng Altai sa Gitnang Asya. Nagsimula nilang lisanin ang kanilang pook na pinagmulan upang makapaglakbay pakanluran noong bandang 800 BK. Pagdating ng 650 BK, nasakop nila ang hilagang Iran at ang katimugangTurkiya. Pagkaraang mapaalis ang mga Eskito ng mgaMedes ng Persiya, nanatili sila sa katimugangU.S.S.R. at saKrimea. May ilang mga Eskitong pumunta sasilangang Europa, hanggangPolonya atUnggarya.[4]
Noong dekada ng 100 AD, nasakop ng mgaGoth ang mga Eskito.[4]
Bilang mga mandirigma, mahusay sa paggamit ng mga pana at sa pangangabayo ang mga Eskito. Naglalaman ang kanilang mga libingan ng mga gawang lilok at mga kasangkapang pangluto na mainam ang pagkakalikha, na yari sa ginto, pilak, at iba pang uri ng mga metal.[4]
Ilan sa mga libingan ng mga Eskito na natuklasan ng mga arkeologo sa Bulubundukin ng Altai ang napanatili dahil sa paninigas at pagkabalot ng niyebe o yelo.[4]
↑4.04.14.24.34.4Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Were the Scythians?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., pahina 20.