![]() | Ang artikulong ito aynangangailangan pa ngmga link sa ibang mga artikulo upang makatulongisama ito sa ensiklopedya. Pakitulungangpabutihin ang artikulo sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga linkna may kaugnayan sa konteksto sa loob ng mayroon nang teksto.(Hunyo 2017) |
![]() | Mukhang kailangan pongayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sapamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Agosto 2011) Makakatulong po kayo sapagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan:wala |
AngNagkakaisang Metodistang Simbahan (Ingles:United Methodist Church) ay isa sa mga pinakamalaking simbahangProtestante sa buong mundo. Sa Pilipinas, mayroon itong 1 milyong mga miyembro kung saan ang karamihan ay naka-base saLuzon. Ang simbahang ito rin ang unang Protestanteng simbahang dumating sa Pilipinas kasabay ngpagdating ng mga Amerikano noong 1898. Ang unang Protestanteng pastor ay isang Metodista. Ang simbahang ito ay isa sa walong malalaking Protestanteng simbahang sa Pilipinas na bumubuo ngPambansang Konseho ng mga Simbahan ng Pilipinas.
Ang Nagkakaisang Metodistang Simbahan ay hinahati sa mga heograpikong area sa ilalim ng isang obispo. Ang isang heograpikong areang may obispo ay tinatawag na areang episkopal area. Sa Pilipinas, may tatlong areang episkopal - ang Areang Episikopal ng Baguio, Areang Episkopal ng Maynila at Areang Episkopal ng Davao. Ang sinasakupan ng Baguio ay ang mga rehiyon 1, 2 at 3. Ang pang-Maynila ay binubuo ng rehiyon 4 at 5. Samantalang ang areang Davao ay ang mga simbahang nasa Kabisayaan at Mindanaw. Ang tatlong areang episkopal area na ito ay binubuo ng iba't ibang Kumperensiyang Taunan. Sa Pilipinas, mayroong 19 anwal na kumperensiya.
Ang tatlong areang episkopal na ito ang bumubuo ng Sentral na Kumperensiya ng Pilipinas (Philippine Central Conference), na isa sa mga sentral at hurisdiksyunal na kumperensiyang bumubuo sa pandaigdigang Kumperensiyang Heneral (o Pangkalahatan) ng Nagkakaisang Metodistang Simbahan.
Ang lathalaing ito na tungkol saPananampalataya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.