Metapilosopíya[a] ang pag-aaral sa kalikasan ngpilosopiya.[1] Kabilang sa saklaw nito ay ang pag-alam sa mga hangarin ng pilosopiya, ang mga metodolohiya nito, at ang hangganan ng pilosopiya.[2][3] Layunin ng metapilosopiya na pag-aralan ang pilosopiya mismo, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tulad ng ano ang pilosopiya, ano dapat ang mga dapat itanong ng pilosopiya, at kung anong maisasakatuparan kung masagot man ang mga tanong na ito. Kinokonsidera ito bilang isang hiwalay na bahagi ng pilosopiya,[4] ngunit tinitingnan din ito bilang isang bahagi mismo ng pilosopiya,[5][6] habang may iilang hati ang opinyon patungkol rito.[2] Ang dyornal naMetaphilosophy, na nagsimula noong 1970, ang kinokonsiderang pangunahing dyornal patungkol sa larangang ito.
May mga sari-sarilingmetapilosopiya ang mga sangay ng pilosopiya, tulad halimbawa ngmetaontolohiya,metaetika, atmetaepistemolohiya. Bagamat unang nabigyan ng atensyon ang larangan noong ika-20 siglo, ang pag-aaral ay may kasaysayan na aabot mula sa mgasinaunang Griyego at sa pilosopiyangNyaya saIndia.[2]
Nanggaling saWikang Kastila nametafilosofía ang salitang "metapilosopiya," na nagmula naman sa pagsasama ng dalawangsalitang Griyego nameta μετά ("pagkatapos", "higit pa") atphilosophia φιλοσοφία ("pilosopiya"). Samantala, isangneolohismo ang "labawbatnayan" na nagmula saMaugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (1969), mula sa unlaping "labaw" ("higit pa") at "batnayan" ("pilosopiya").
Unang lumabas ang metapilosopiya (sa salitang Ingles nametaphilosophy) noong 1942 sa isang gawa niMorris Lazerowitz, bagamat sinabi rin ni Lazerowitz na una niyang ginamit ang salita noong 1940, at nangangahulugang "imbestigasyon sa kalikasan ng pilosopiya."[1] Gayunpaman, posibleng ginagamit na ang salita bilang salin, kagaya noong 1927 nang ginamit ito niGeorges Clemenceau, angpunong ministro ngPransiya sa dalawang okasyon noong unang bahagi ng ika-20 siglo, sa kanyangtalang-gunita.[7]
Ginamit niPaul Moser ang salitang 'metapilosopiya' sa kahulugan nitong 'ikalawang antas' o mas mahalaga pang gawain kesa sa pilosopiya mismo, sa paraang iminungkahi niCharles Griswold:[8]
Ang pagkakaiba ng pilosopiya at metapilosopiya ay kapareho sa pamilyar na pagkakaiba sa pagitan ng matematika at metamatematika.[b]
Gayunpaman, mas pinipiling gamitin ng ilang mga pilosopo ang unlapingmeta sa kahulugan nitong 'tungkol sa' (hal. metapilosopiya ay 'tungkol sa pilosopiya'). Kabilang sa kanila siNicholas Rescher.[9] May iilan namang mas pinipiling gamitin ang "pilosopiya ng pilosopiya" kesa "metapilosopiya" kagaya niTimothy Williamson upang maiwasan ang konotasyon na mas mataas ang pag-aaral na ito kesa sa pilosopiya mismo, at upang maituring ito bilang bahagi ng pilosopiya.
Kinokonsidera ng ilang pilosopo ang larangan ng metapilosopiya bilang isang pag-aaral na hiwalay o higit pa sa pilosopiya, bagamat hindi lahat ay sang-ayon sa ganitong pananaw.[5] Ayon kayTimothy Williamson, ang pilosopiya ng pilosopiya ay "pilosopiya agad" kagaya ng ibang uri ng pilosopiya.[6] Isinulat naman nina Nicholas Bunnin atJiyuan Yu na hindi na sikat sa mga pilosopo ang paghihiwalay sa una at ikalawang antas sa pag-aaral dahil mahirap na'ng makita ang pagkakaiba ng dalawang antas.[10] Dahil rito, lumitaw ang isang debate hinggil sa kalikasan ng pilosopiya: kung ito ba ay isang 'ikalawang antas na pilosopiya' o isang hamak na pilosopiya lamang.
Duda ang maraming pilosopo sa kahalagahan ng metapilosopiya.[11] Kabilang sa kanila siGilbert Ryle. na nagsabing:[12]
[...] ang pag-aabala natin sa mga tanong tungkol sa mga kaparaanan ang siyang madalas nanggagambala sa atin mula sa pag-uusisa sa mga paraang yon mismo. Gumagalaw tayo sa panuntunan, masama, hindi mas maganda, kung palagi nating iniisip ang inaapakan natin. Kaya naman ... wag na lang natin yon pag-usapan at gawin na lang natin ito.[c]