Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Metal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mainit na metal ginawa ng isang panday.

Sakimika, isangmetal (Griyego:Metallon) ang isangelemento na madaliang bumuo ng mgaiono (mgacation) at mayroong mga kawing metaliko. Isinasalarawan minsan ang mga metal bilang isanglattice ng mga positibong iono (mgacation) na napapaligiran ng isang ulap ng dekoloniksadong mga elektron. Ang mga metal ay isa sa tatlong pangkat na mga elementong na tinutukoy batay sa kanilang ionisasyon at mga katangian ng pagkawi, kasama ang mga metaloyde at hindi metal. Satalaang peryodiko, isang pahalang na guhit ang ginuguhit mula saboro (B) hanggangpolonyo (Po) na hinihiwalay ang mga metal sa mga hindi metal. Mga metalloyde ang mga elemento sa guhit na ito, minsang tinatawag na mga semi-metal (o medyo metal); metal ang mga nasa babang kaliwa; hindi metal ang nasa taas na kanan.

Angpag-aaral ng mga metal ay tinatawag nametalurhiya.

Katangian

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang ilangmga elementong kemikal ay tinatawag na mgametal. Karamihan sa mga elemento satalahanayang periyodiko ay mga metal. Ang mga elementong ito ay karaniwang may mga sumusunod na katangian:

  1. Maaari silang magdala ng kuryente at init.[1][2]
  2. Madali silang mahubog.
  3. Mayroon silang makintab na anyo.
  4. Mayroon silang mataas na punto ng pagkatunaw.

Solido ang karamihan sa mga metal sa temperatura ng silid, subalit hindi kinakailangang ganito ito. Likido angmerkuryo. Ang mgahaluang metal ay mga halo, kung saan metal ang hindi bababa sa isang parte ng halo. Ang mga halimbawa ng mga metal ayaluminyo,tanso,bakal,lata,ginto,tingga,pilak,titaniyo,uraniyo, atzinc. Kabilang sa mga kilalang haluang metal angbronse atbakal.

Karamihan sa mga metal na elemental ay may mas mataas na densidad kaysa karamihan ng mga di-metal,[3]

Gamit ng mga metal

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Isang tulay sa Rusya na gawa sa bakal

Ang mga metal ay lubhang kapaki-pakinabang sa mga tao. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng mgakasangkapan dahil maaari itong maging malakas at madaling hubugin. Ang bakal (steel) at yero (iron o "bakal" din ang tawag) ginamit sa paggawa ng mgatulay,gusali, obarko.

Ang ilang mga metal ay ginagamit upang gumawa ng mga bagay tulad ng mgabarya[4] dahil matigas ang mga ito at hindi mabilis masira. Halimbawa dito angtanso (na makintab at pula ang kulay),aluminyo (na makintab at puti),ginto (na dilaw at makintab), atpilak atnikel (na puti at makintab din).

Ang ilang mga metal, tulad ngbakal, ay maaaring gawing matalas at manatiling matalas, upang magamit ang mga ito sa paggawa ng mgakutsilyo,palakol o pang-ahit.

Mataas ang halaga ng mga bihirang metal, tulad ngginto,pilak atplatino na kadalasang ginagamit sa paggawa ngalahas. Ginagamit din ang mga metal sa paggawa ng mga pangkabit atturnilyo. Maaring gawin ang mga kaldero na ginagamit sapagluluto mula satanso,aluminyo,bakal oyero.Napakabigat at makapal angtingga at maaaring gamitin bilang balasto o pampapatatag sa mgabangka upang pigilan ang mga ito sa pagtalikod, o upang protektahan ang mga tao mula saradyasyong nag-a-iono.

Mga haluang metal

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Maraming mga bagay na gawa sa mga metal ay maaaring, sa katunayan, gawa sa mga halong hindi bababa sa isang metal sa alinman sa iba pang mga metal, o sa mga hindi metal. Ang mga pinaghalong ito ay tinatawag na mgahaluang metal. Ang ilang mga karaniwang haluang metal ay:

Ang mga tao ay unang nagsimulang gumawa ng mga bagay mula sa metal mahigit 9,000 taon na ang nakalilipas, nang matuklasan nila kung paano kumuha ng tanso mula saore o inang-bato nito. Pagkatapos, natutunan nila kung paano gumawa ng mas matigas na haluang metal at bronse, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lata sa tanso (copper). Mga 3000 taon na ang nakalilipas, natuklasan nila ang bakal (iron). Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng maliit na halaga ng karbon sa bakal, nalaman nila na maaari silang gumawa ng isang partikular na kapaki-pakinabang na haluang metal - na bakal din tawag (steel sa Ingles).

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Yonezawa, F. (2017).Physics of Metal-Nonmetal Transitions (sa Ingles). Amsterdam: IOS Press. p. 257.ISBN 978-1-61499-786-3.Sir Nevill Mott (1905–1996) wrote a letter to a fellow physicist, Prof. Peter P. Edwards, in which he notes... I've thought a lot about 'What is a metal?' and I think one can only answer the question atT = 0 (the absolute zero of temperature). There a metal conducts and a nonmetal doesn't.
  2. Metals, Non Metals (2021-09-24)."Metals and Non Metals" (sa Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2023-01-08. Nakuha noong2021-12-06.
  3. Mortimer, Charles E. (1975).Chemistry: A Conceptual Approach (sa Ingles) (ika-3 (na) labas). New York: D. Van Nostrad Company.
  4. Roe, J.; Roe, M. (1992). "World's coinage uses 24 chemical elements".World Coinage News (sa Ingles).19 (4, 5):24–25,18–19.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Metal&oldid=2154337"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp