| Current season, competition or edition: | |
Ang logo ng PBA na ginagamit simula noong 1993 | |
| Sport | Basketball |
|---|---|
| Itinatag | Abril 9, 1975 Lungsod Quezon,Pilipinas |
| Inaugural season | 1975 |
| Commissioner | Willie Marcial |
| Motto | Angat Ang Laban |
| Mga Koponan | 12 |
| Bansa | |
| Most recent champion(s) | 2024 Commissioner's –San Miguel Beermen 2024 Philippine –Meralco Bolts |
| Most titles | San Miguel Beermen (29 kampeyonato) |
| Mga TV partner | RPTV,PBA Rush |
| Opisyal na websayt | PBA |
AngPhilippine Basketball Association (Filipino:Kapisanang Basketbol ng Pilipinas) ay isang propesyunal na liga ngbasketbol saPilipinas na nagsimula noong 1975. Ang PBA ang pinakamatandang propesyonal na liga ngbasketbol saAsya at pangalawang pinakamatandang propesyunal na liga ng basketbol sa mundo, matapos angNational Basketball Association ngEstados Unidos.[1]Itinulad ang mga patakaran nito doon sa FIBA at National Basketball Association.
Ang unang laro ng liga ay ginawa saAraneta Coliseum saLungsod Quezon noong Abril 9, 1975.[2] Ang tanggapan ng liga ay matatagpuan saEastwood City, Libis,Lungsod Quezon. Ang liga ay pinangungunahan ni KomisyonerWillie Marcial.


Ang Philippine Basketball Association ay itinatag nang umalis ang siyam na koponan ng ngayo'y buwag naManila Industrial and Commercial Athletic Association, na mahigpit na hinahawakan ngKapisanang Basketbol ng Pilipinas (Basketball Association of the Philippines (ngayo'y buwag na rin), ang dating pambansang kapisanan na kininilala ng FIBA.[3]
SiLeopoldo Prieto, ang tagasanay ng koponang basketbol ng Pilipinas para sa1956 Melbourne Olympics, ay piniling unang komisyonado ng liga at si Domingo Itchon, na kumkakatawan sa koponang Tanduay ay unang napiling pangulo ng liga. Ang unang laro ng liga ay ginawa saAraneta Coliseum noong 9 Abril 1975.
Ang unang sampung taon ng dekada ay naging kilala dahil samasidhing labanan ngCrispa Redmanizers atToyota Tamaraws, na hanggang sa ngayon ay kinikilala bilang isa sa mga pinakadakilang labanan sa kasaysayan ng liga. SinaRobert Jaworski,Ramon Fernandez,Francis Arnaiz,Atoy Co,Bogs Adornado atPhilip Cezar ay naglaro sa Crispa at Toyota bago sila mabuwag noong 1983 at 1984 mahuyukhuyukon. Matapos ang kanilang pagbuwag, ang liga ay lumipat saULTRA saPasig noong 1985. Doon, ang liga ay patuloy na naging sikat matapos na lumipat ang mga dating manlalaro ng Crispa at Toyota sa iba't ibang koponan.
Sa panahong ito, si Jaworksi at angGinebra San Miguel ay ang naging pinakasikat na koponan sa liga dahil sa kanilang "never say die" na saloobin.[4] Ang koponan na ito ay nagkaroon rin ng masidhing labanan saTanduay Rhum Makers at angPurefoods Hotdogs, na kung saan ang karibal ni Jaworski na si Ramon Fernandez at ang mga baguhang manlalaro na sinaAlvin Patrimonio,Jerry Codiñera atJojo Lastimosa ay napapabilang.
Sa pagtatapos ng dekada 1980, angSan Miguel Beermen, na pinangungunahan ni tagasanayNorman Black at ang mga manlalarong sinaSamboy Lim atHector Calma ay nakapagkalap ng maraming kampiyonato, kabilang na ang Grand Slam noong 1989.

Noong 1989, pinayagan ng FIBA na maglaro ang mga propesyonal na manlalaro sa kanilang mga torneyo, dahil dito, ang mga manlalaro ng PBA ay maaari ng maglaro upang kumatawan sa Pilipinas sa mga pandaigdigang torneyo. Noong 1990, ang liga ay nagapadala ng kauna-unahang propesyonal na koponan saAsian Games at nakamit ang pilak na medalya. Ang liga ay nagpatuloy na magpadala ng mga koponan para sa torneyong ito.
Sa unang bahagi ng dekada 1990 ay nakita ang labanan ng Ginebra San Miguel atShell Rimula X, na nauwi sa pagwelga ng Ginebra sa1990 First Conference Finals at ang dramatikong pagbalik galing sa 1-3 pagkalugi ng Ginebra upang talunin ang Shell makalipas ng isang taon. Sina Patrimonio,Allan Caidic at iba pang mga manlalaro ang naging pangunahing atraksiyon ng liga.
Noong 1993, ang liga ay lumipat saCuneta Astrodome saPasay at kinatagalan ay nakita ang pagpunyagi ngAlaska Milkmen sa kanilang pagpanalo ng siyam na kampiyonato at ang Grandslam noong 1996.
Mula 1999 at 2000, ang liga ay napabalutan ng kontrobersiya. Maraming manalaro tulad ninaAsi Taulava,Danny Siegle atEric Menk ay naglaro sa liga kahit na may alinlangan sa kanilang pagka-Filipino. Ang kanilang lipi ay pinag-aalinlangan at karamihan sa kanila ay ipinatapon dahil sa pekeng mga dokumento. Ang pagdating ng mga ganitong manlalaro ay isang paraan para labanan ang sumisikat naMetropolitan Basketball Association, isang ligang rehiyonal na itinatag noong 1998. Nang bitawan ngABS-CBN ang pag-alalay sa liga, ang MBA ay naharap ang labis na utang at nabuwag din noong 2002. Kahit nabuwag ang karibal ng PBA, ang liga ay nagdusa sa pagkaunti ng mga manonood sa kanilang mga lugar na pinaglalaruan at mas lumala pa noong 2003.
Noong 2004, binago ng liga ang kanilang iskedyul, ng kanilang pagdesisyunan na magsimula ng Oktubre, imbes na Enero ng taon. Ang pagbabagong ito ay ginawa upang ang liga ay makapaglaro sa mga pandaigdigang mga torneyo na kadalasan ay ginagawa mula Hunyo hanggang Setyembre. Binawasan rin ng liga ang kanilang mga kumperensiya mula tatlo hanggang dalawa. Ang All-Filipino Cup ay pinagnalanangPhilippine Cup at gumawa ng bagong kumperensiya na may "import" na pinangalanangFiesta Conference. Para mabigyan-daan ang pagbabagong ito, gumawa ang liga ng isang pampalampas na kumperensiya, ang2004 PBA Fiesta Conference na ginanap mula Pebrero hanggang Hulyo, na napanalunan ng Barangay Ginebra Kings. Ang All-Star Week ng liga ay isinagawa na sa mga iba't ibang lalawigan simula ng panahon na ito, na nagsasalitan sa mga lalawigan mula sa Luzon at Visayas/Mindanao bawat taon.
Naging popular muli ang liga ng taong ito, dahil sa pagkakapanalo ng Barangay Ginebra, na pinangugunahan ninaEric Menk,Jayjay Helterbrand atMark Caguioa, ng tatlong kampiyunato. Ang pagdating ng mga sikat na manlalaro galing sa UAAP at NCAA ay pumabor din sa liga.
Simula 2005, naging aktibo ang liga na magbuo ng pambansang koponang pambasketbol, nang tanggalin ng FIBA ang suspensiyon sa Pilipina matapos itatag angSamahang Basketbol ng Pilipinas. Noong 2009 ang SBP ay lumikha ng koponan na binubuo ng mga amatyur na manlalaro (Smart Gilas).
Matapos italaga siChito Salud, anak ng dating komisyonadoRudy Salud bilang komisyonado ng PBA, ibinalik ulit sa tatlong kumperensya ang bawat panahong patimpalak ng liga simula noongpanahong 2010-11. Ibinalik rin ng liga ang mga dati nitong kumprensiya, angCommissioner's atGovernors' cups.
Sa mga unang taon ng dekada 2010, naging dominante ang koponangTalk 'N Text Tropang Texters, na muntikan ng makamait ang Grandslam noongpanahong 2010-11 at napanalunan ang Philippine Cup ng tatlong sunod na taon (2010–11,2011–12,2012–13). Nakuha rin nila ng permanente angJun Bernardino Trophy ang tropeong ibinibigay sa mga nanalo ng Philippine Cup.
Noong Mayo 19 2013, ang ikatlong laro ngPBA Commissioner's Cup Finals sa pagitan ngAlaska Aces atBarangay Ginebra San Miguel ay nagtala ng pinakamaraming manonood na pambasketbol saSmart Araneta Coliseum ng panoorin ito ng 23,436 katao.[5] Nahigitan nito ang tala ng 23,108 katao na naitala noong Mayo 8 sa parehong taon na kinatatampukan ng labanang semifinals sa pagitan ng Alaska at San Mig Coffee, at Barangay Ginebra at Talk 'N Text.[6]
AngPanahong 2013–14 ay naging makasaysayan nang mapanauluan ngSan Mig Super Coffee Mixers ang ikaapat naGrand Slam ng liga. SiTim Cone, ang punong-gabay ng Coffee Mixers ay nagtala din ng kasaysayan ng makamit niya ang kanyang ikalawang Grand Slam.
Nang buksan angPanahong 2014–15, nadagdagan ng dalawang koponan ang liga, mula tanggapin nila angKia Sorento atBlackwater Elite. Ang pagbubukas ng kanilang panahon saPhilippine Arena ay nagtala ng pinakamaraming nanood ng basketball sa Pilipinas sa bilang na 52,612.[7]
Sa panahon ding ito bumaba sa puwesto si komisyonerChito Salud at papalitan niChito Narvasa sa sumunod na taon.
Ang lahat ng mgafranchise ay pag-aari ng mga korporasyon, at hindi sila nakabase sageographic locale, kaya hindi sila naglalaro sa isang "home istadyum" at ang liga ay nanghihiram ng iba't ibang istadyum para sa mga laro.
Ang pangalan ng koponan ay madalas na hinahati sa tatlong bahagi; ang una ay ang pangalan ng kompanya, pagkatapos ay ang produkto (maaaring tinanggal o isinama sa susunod na bahagi), at isang palayaw - karaniwan ay may kaugnayan sa negosyo ng kompanya. Halimbawa, ang San Miguel Beermen ay isang koponan sa pag-aari ng San Miguel Corporation, kasama ang palayaw na "beermen" na nagsasaad ng produktong San Miguel Beer.
Ang pangalan ng kompanya ay bihirang magbago - ito ay maaari lamang baguhin kung angfranchise ay nabili ng ibang kompanya o kung ang operasyon ngfranchise ay nilipat ng inang kompanya sa isangsubsidiary. Ang pangalan ng produkto at ang palayaw ang madalas na binabago, para ang mga kompanya'y makapagpakinabang nang husto sa publisidad na bibibigay ng liga sa kanilang mga produkto.
Ang mga patakaran ng PBA ay itinulad sa mga patakaran ng FIBA at NBA:
Ang PBA ay ipinapalabas sa telebisyon, kasama na ang ibang media, mula noong nagbukas ang liga. AngTV5,AksyonTV,Fox Sports Asia atDZSR ang kanilang kasalukuyang kaparehang estasyon sa telebisyon at radyo. Ang dating kaparehang estasyon ng PBA sa radyo ay angDZRH atDZRJ. Napapanood ang PBA sa kahit anong sulok ng mundo sa pamamagitan ngAksyonTV International.
Ang karamihan ng mga panimulang round na laro ay inilalaro saSmart Araneta Coliseum saLungsod Quezon[10] at saMall of Asia Arena saPasay[11][12] Kung ang dalawang lugar ay hindi maaring gamitin, angCuneta Astrdodome saPasay at angYnares Center saAntipolo ay nagsisilbing mga alternatibong lugar palaruan ng liga. Ang liga ay naglalaro rin sa mga iba't-ibang lalawigan sa buong bansa. Ang mga playoff na laro ay madalas isinasagawa sa mga lugar pampalaruan sa Kalakhang Maynila. Ngunit minsan rin ay isinasagawa ito sa mga lalawigan, tulad ng unang laro ng2010–11 PBA Philippine Cup Finals, na isinagawa saVictorias,Negros Occidental.[13]
{{cite news}}:Check date values in:|archive-date= ()