SiMelquisedec ay isang pambihirang taong dalawang ulit na binanggit saBibliyang Hebreo oMatandang Tipan. Hari ng Salem – oHerusalem[1] – si Melquisedec, atpari osaserdote ng Pinaka Nakatataas, noong kapanahunan ng makabibliyang patriyarkang siAbram. Naglabas siya ng tinapay at alak, binasbasan si Abram, tumanggap ng mgapahunos mula sa kanya. (Hen. 14:18-20).[2] Tinukoy siya sa Salmo 110:4 kung saan ipinahayag ang matagumpay na hari bilang isang "... pari magpakailanman, alinsunod sa pagkapari ni Melquisedec."[3][4] Inaalala siya bilang isa sa mga Banal na mga Ninuno sa Kalendaryo ng mga Santo ng Armenyanong Apostolikong Simbahan tuwingHulyo 30. Sa ritong Romano, inaalala siya tuwingAgosto 26. Binabanggit siya sa Romanong Kanon, ang Unang Panalanging Eukaristiko ng Romanong rito.
Naghari si Melquisedec sa Salem, ang sinaunang pangalan para sa Herusalem. Isa itong lungsod naCananeo noong kapanahunan ni Abraham. Bukod sa pagiging hari, isa rin siyang pari.[1]
Ayon kayJose C. Abriol, isang tunay na pari si Melquisedec na nilarawan niSan Pablo bilang isang larawan ni Hesus.[3] Siya angsagisag atprototipo ng "dakilang pari't haring" si Hesus.[1] Magkatulad sa tatlong bagay si Melquisedec at si Hesukristo: (a) sa pagkapari, (b) sa pagkahari, at (c) pareho silang nag-alay sa Diyos ng "tinapay at alak". Kapwa nagbuhat mula saDiyos ang pagkapari ni Hesus at ni Melquisedec. Kaiba sila kapag inihambing kayAron dahil hindi sila nagbuhat sa lahi niLevi.[3]
↑1.01.11.21.3"Who was Melchizedek?,Genesis 14:18".Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio,ISBN9781597894739. 2006., pahina 4.
↑3.03.13.2Abriol, Jose C. (2000). "Melquisedec, at ang paliwanag ukol sa "alinsunod sa pagkapari ni Melquisedec"".Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay)ISBN9715901077., pahina 27 at 925.