Enero 1 – Pinutol ngRusya ang pagpapadala ng natural na gas saUkraine dahil sa isang pagtatalo sa presyo.[2]
Enero 15 – Matagumpay na natapos ang misyongStardust ngNASA, ang una na nakabalik mula sa isangkometa.[3]
Enero 19 – Inlunsad ngNASA ang unang misyon sakalawakan tungongPluto habang sumibat ang isang raketa sa sasakyang pangkalawakan naNew Horizons sa siyam-na-taong paglalakbay.[4]
Marso 9 – Natuklasan ng sasakyang pangkalawakan naCassini–Huygens ngNASA ang mgageyser ng isang likidong sustansya na bumubulusok mula sabuwan ngSaturno na Enceladus, na hinuhudyatan ang isang posibleng pagkakaroon ngtubig.[7]
Abril 20 – Inihayag ngIran ang isang kasunduan saRusya, na kinakasangkutan ng isang pinagsamang kompanyang pagpapayaman nguranium sa lupain ng Rusya;[9] pagkalipas ng siyam na araw, inihayag ng Iran na ililipat nito ang lahat ng aktibidad sa Rusya, sa gayon, nagdulot sa isangde facto na pagwawakas ng kasunduan.
Mayo 17 – Inilathala ngHuman Genome Project ang huling pagkasunod-sunod ngkromosoma, sa pahayagangNature.[10]
Mayo 27 – Niyanig ng 6.4 Mw na lindol ng Yogyakarta angGitnang Java saIndonesia kasama ang isang intensidad sa MSK na IX (Mapaminsala), na iniwan ang higit sa 5,700 patay at 37,000 nasugatan[11][12]
Hunyo 3 – Idineklera ngMontenegro ang kalayaan nito mula saSerbia at Montenegro pagkatapos ng isang reperendum noongMayo 21 at naging isang malayang estado. Pagkalipas ng dalawang araw, opisyal na nabuwag ang Estadong Unyon ng Serbia at pagkatapos inihayag din ngSerbia ang kalayaan nito, na tinapos ang 88-taong pagsasama sa pagitan ng dalawangestadong ito[13] at iniwan angSerbia bilang ang kahaliling bansa ng unyon.[14][15]
Hulyo 1 – Inilunsad ang isang pagsubok na operasyon ng daang-riles na Qinghai–Tibet, na ginagawa angTibet ang huling entidad na nasa antas ng lalawigan ngTsina na mayroong kumbensyunal nadaang riles.[18]
Hulyo 6 – Muling nabuksan angSilang ng Nathu La sa pagitan ngIndya atTsina, na napinid noong Digmaang Sino-Indiyano, para sakalakalan pagkatapos ng 44 na taon.[19]
Agosto 24 – Binigyan kahulugan ngInternational Astronomical Union ang 'planeta' sa ika-26 na Pangkalahatang Pagtitipon nito, na pinababa angPluto sa katayuangplanetang unano, 76 na taon pagkatapos ng pagkakatuklas nito.[20]
Nobyembre 5 – Nasistensyahan ng Natatanging Hukuman sa Iraq ang dating Pangulo ngIraq na siSaddam Hussein ngkamatayan sa pamamagitan ng pagbigti. Naisakatuparan ang pagbibigti sa kanya dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan noongDisyembre 30.[26]