AngMayo ay ikalimang buwan ng taon sa mgakalendaryong Huliyano atGregoryano. Mayroon itong haba na 31 araw. SaEmisperyong Hilaga, buwan ngtagsibol ang Mayo at saEmisperyong Katimugan,taglagas naman ang buwan na ito. Samakatuwid, ang Mayo sa Emisperyong Katimugan ay ang katumbas na panahon ngNobyembre sa Emisperyong Hilaga at ang kabaligtaran nito. Sa huling araw ng Mayo, tipikal na nagsisimula ang bakasyong tag-init saEstados Unidos (Memorial Day o Araw ng Alaala) atCanada (Araw ni Victoria) na nagtatapos saAraw ng Paggawa, sa unangLunes ngSetyembre. SaPilipinas, karaniwang ipinagdiriwang ang pista ngFlores de Mayo na isang debosyon kayMaria. Isa lamang ang Flores de Mayo sa mga pagdiriwang sa buong mundo para kay Maria tuwing Mayo.
Ang Mayo (saLatinMaius) ay ipinangalan sa diyosang Griyego na si Maya, na kinikilala kasama ang diyosa ng pertilidad noong panahong Romano na siBona Dea, na ginaganap ang kapistahan tuwing Mayo. Salungat dito, nagbigay ng ikalawang etimolohiya ang makatang Romano na siOvidio, na sinasabi niya na ipinangalan ang buwan ng Mayo samaiores, Latin para sa "mga nakakatanda," at ang sumunod na buwan (Hunyo) ay ipinangalangiuniores, o "mga nakakabata" (Fasti VI.88).
Mga mansanas ng Mayo na namumulaklak na karaniwang pangalan na ibinigay dahil sa karaniwang pamumulaklak nito sa buwan ng Mayo.Mga natatanging debosyon sa Pinagpalang Birheng Maria ay nagaganap tuwing Mayo
Esmeralda angbirthstone o batong-kapanganakan ng Mayo, na tumutukoy sapag-ibig at tagumpay. Ang mga bulaklak-kapanganakan ay angConvallaria majalis (na tinatawag sa Ingles bilanglily of the valley) atCrataegus monogyna.[1] Katutubo parehong halaman sa buong katamtamang malamig na Emisperyong Hilaga saAsya,Europa, at katimugang Bulubunduking Apalchessa Estados Unidos, subalit naging naturalisado sa buong mundo ng katamtamang klima.