Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Maulang gubat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ngpagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay.
Maaari kang makatulong sa pamamagitan ngpagbabago nito ngayon.
(Hunyo 2009)
Ang Maulang Gubat ng Daintree saQueensland,Australya.

Angmaulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mgagubat na mayroong mataas na antas ngpag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Angmonsoon trough, mas kilala bilangintertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ngMundo.

Mula 40 hanggang 75% ng lahat nguri saMundo ay katutubo sa mga maulang gubat.[1] Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap atmikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang pinakamalakingparmasya", dahil sa dami ng mga likas nagamot na natuklasan dito.[2] Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ngoksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan ngpotosintesis mula sakarbong dioksido.

Anghalamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ngsikat ng araw sa antas ng lupa. Dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan. Kung angtabing ng mgadahon ay nasira o nabawasan, ang lupa ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na mgabaging,palumpong, at maliliit na mgapunong matatawag bilang isangkasukalan sa Ingles. May dalawang uri ng maulang gubat, angtropikal na maulang gubat attemperadong maulang gubat.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Rainforests.net - Variables and Math". Inarkibo mula saorihinal noong 2008-12-05. Nakuha noong2009-01-04.
  2. Rainforests at Animal Center
  3. "Killer Inhabitants of the Rainforests". Inarkibo mula saorihinal noong 2011-01-22. Nakuha noong2009-03-09.
Tingnan ang katumbas na artikulo saWikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Maulang_gubat&oldid=1995441"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp