
AngMaterial Design (codenameQuantum Paper)[1] ay isangdesign language na ginawa noong 2014 ngGoogle. Ito ay pagpapalawig ng mga temang "cards" na makikita saGoogle Now. Malaya itong gumagamit ng layout na base sa grid, mabilis ang mga transisyon at paggalaw, may padding, at gumagamit ng mga effects gaya ng lalim, anino, at liwanag.
Ito ay inanunsyo ng Google noong ika-25 ng Hunyo 2014, sa 2014Google I/O conference.
Ipinaliwanag ng tagadesenyong siMatías Duarte na, "hindi tulad ng tunay na papel, ang aming digital material ay lumalaganap at nababago nang may talino. Ang material ay may pisikal na lapad at gilid. Ang lalim at anino ay nagbibigay pahiwatig kung ano ang mga pwede pindutin." Sinabi ng Google na ang kanilang panibagong design language ay base sa tinta at papel.[2][3][4]
Ang Material Design ay maaaring gamitin sa API Level 21 (Android 5.0) at mas bago o gamit ang v7 appcompat library, na halos ginagamit sa lahat ng mga Android devices na ginawa pagkaraan ng 2009.[kailangan ng sanggunian] Ang Material Design ay inaasahan na mapalawig sa iba't-ibang mga produkto ng Google, na magbibigay ng naaayon na karanasan sa lahat ng mga platforms at applications. Ang Google ay nagpalabas din ng mgaapplication programming interfaces (APIs) para sa mga third-party developers upang maisakatuparan ang design language sa kanilang mga applications.[5][6][7]Ang pangunahing layunin ng material design ay ang paggawa ng panibagong visual language na sinasama ang mga prinsipyo ngmabuting desenyo at pagbabagong teknikal at siyentipiko.
Magmula noong 2015[update], ang lahat ng mga Android applications ng Google ay napakinabangan ang panibagong design language, tulad ngGmail,YouTube,Google Drive,Google Docs, Sheets at Slides,Google Maps,Inbox, atGoogle+. Kasama na rin ang mga desktop web-interfaces ng Google Drive, Docs, Sheets, Slides at Inbox. Kamakailan lamang, ito rin ay naisakatuparan saChrome OS, na makikita sa system settings, file manager, at calculator apps.
Angautorisadong implementasyon ng Material Design para sa web application user interfaces ay binigyan ngalangPolymer.[8] Binubuo ito ng Polymer library, isangshim na naglalaan ngWeb Components API para sa mga browser na walang likas na implementasyon ng standard, at ng elements catalog, kasama ang "paper elements collection" na tampok ang mga visual elements ng Material Design.[9]
{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (){{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) ()