Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Maskabado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga "laryo" ng maskabado
Mga uri ng pulang asukal: maskobado (itaas), matingkad (kaliwa), mapusyaw (kanan)

Angmaskabado[1] ay isang uri ngasukal na bahagyang repinado o di-repinado namapulot sa nilalaman at lasa, at matingkad na kayumanggi ang kulay nito. Sa teknikal na usapan, itinuturing ito nasa-bao o sentripugado, bahagyang repinadong asukal ayon sa prosesong ginamit ng tagagawa.[2] Mas marami ang nilalamang mga mineral ang maskabado kaysa sa prosesadong puting asukal, at kinokonsidera ng ilan na mas masustansiya.[3][4][5] Ang mga pangunahing gamit nito ay sa pagkain at konpeksiyoneri, at sa paggawa ng rum at iba pang uri ng alak. Indiya ang pinakamalaking prodyuser at konsyumer ng maskabado.[6][7]

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang pinakaunang kilalang produksiyon ng malakristal na asukal sa hilagang Indiya, pagkatapos ipakilala angtubo ng mgaAustronesyong mangangalakal mula saMaritimong Timog-silangang Asya noong mga 1000 BK. Gayunpaman, hindi alam ang eksaktong petsa ng unang produksiyon ng asukal sa tubo.[8] Mula sa mga sinaunang tekstong Sanskrito at Pali ang mga pinakaunang ebidensya ng paggawa ng asukal.[9] Noong mga ika-18 siglo, ipinakilala ng mga mangangalakal na Muslim atArabe ang asukal mula sa medyebal na Indiya sa mga iba pang bahagi ngKalipatong Abasida saMediteraneo,Mesopotamya,Ehipto,Hilagang Aprika, atAndalusia. Pagsapit ng ika-10 siglo, nakasaad sa mga sanggunian na nagtatanim ng tubo ang bawat nayon saMesopotamya.[10]

Noong maagang modernong panahon, kung kailansinakop ng mga Europeo ang Kaamerikahan at Asya, tumaas nang napakabilis ang produksiyon ng asukal. Itinatag ang mga tubuhan sa maraming lugar na sinakop ng mga bansang Europeo, katulad ng mga kapuluan saKaragatang Indiyo, Kanlurang Kaindiyahan atTimog atHilagang Amerika.[11] Ipinatrabaho sa mga tubuhang ito ang mga kontratadong utusan,alipin o dinukot na mga Taga-isla sa Pasipiko, na humantong sa pagdami ng kalakalan ng alipin sa Atlantiko at Karagatang Indiyano upang masuplayan mga inaliping manggagawa ang mga taniman ng mabiling pananim (kabilang dito ang mga tubuhan). Dinalisay ang tubo na maging hilaw na asukal odinistila na maging rum sa mga tanimang kolonyal o ipinadala sa ibang lugar upang maproseso.[12][13]

Dinala ang hilaw na asukal sa mga daungan sa iba't ibang antas ng kadalisayan na maibebenta nang direkta bilang hilaw na asukal sa merkado para sa produksiyon ng alak, o mailuluwas bilang maskabado sa mga asukalan sa Europa at Kaamerikahan.[14] Noong ika-19 na siglo saEuropa, ang mga hilaw na asukal na nirepina nang sapat upang mawala ang karamihan ng nilalamang pulot ay tinawag nahilaw at itinuring na mas de-kalidad, habang tinawag namaskabado ang mga mababang kalidad na asukal na nilalaman ng maraming pulot, ngunit ginamit din ang terminongpulang asukal nang halinhinan.[14]

Produksiyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga pamamaraan ng produksiyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Tradisyonal nasa-baong produksiyon ng asukal
Prople standing behind a large metal dish
Pagluluto ng puyaw para gumawa ngpulot
A man tilting a large metal disk to put out the contents
Pagbuhos ng pulot sa trey para kalaykayin ito at bumutil-butil

Gawa ang maskabado sa puyaw, ang katas ng tubo, na niluluto hanggang sa mangyari ang pagkikristal nito. Tinatawag na binaok ang malapot na suspensiyon ng mga kristal at pulot. Noong ika-19 na siglo, ginamit ang iilang pamamaraan sa pagprodus ng asukal.[15][16][17][2][18] Ngayon, napoprodus ang maskabado sa tatlong pangunahing paraan:[19][20]

  • Ang manwal na pamamaraan kung saan pinapakristal ang binaok sa pagpapalamig nito sa trey sa tuloy-tuloy na pagkakalaykay (karaniwang ginagawa sa Indiya) o sa pagtatapak (karaniwang ginagawa sa Aprika).
  • Ang industriyal na sentripugo na inimbento noong pahuli ng ika-18 hanggang pasimula ng ika-19 na siglo, kung saan pinapakristal ang binaok gamit ang sentripugo upang pahiwalayin ang makristal na masa sa mga pulot sa isang lalagyan dahil sabalani.
  • Mga modernong pang-industriyang pamamaraan na gumagamit ng wisik-tuyuan ospray drier.

Ginagamit din ang binaok sa produksiyon ngpanutsa, kung saan direkta itong inilalagay sa hulmahan (nang hindi kinakalaykay, sinesentripugo, o winiwisik-tuyo).[19]

Bansang nagpoprodus

[baguhin |baguhin ang wikitext]

10 milyon hanggang 10 milyong tonelada ang kabuuang produksiyon ng mundo mula 20 bansa. Ang pinakamalaking prodyuser ay Indiya (58%), na sinusundan ngKolombya (14%),Myanmar (9%),Pakistan (6%),Brasil (4%),Banglades (3%), atTsina (3%).[6][7]

Sa Indiya, pinoprodus ang karamihan ngkhand (maskabado) ng 150 maliit hanggang katamtamang sukat na pribadong tagagawa na pinangangasiwaan ngKhadi and Village Industries Commission. Gumagamit ang mga prodyuser ng tradisyonal na paraan na walang kemikal, organiko, at manu-mano, at aktibo ang bawat isa mula 100 hanggang 120 araw bawat taon na may tipikal na kapasidad mula 200 hanggang 350 tonelada ng tubo bawat araw.[6] Kabilang sa mga estado sa Indiya na may pinakamalaking produksiyon angMaharashtra (58%),Bihar (6%),Karnataka (5%),Madhya Pradesh at Chhattisgarh (6%).[6]

SaMawrisyo, pinoprodus ang maskabado sa pagsesentripugo ng binaok, kung saan naihihiwalay ang pulot.[2]

Sa Pilipinas, ginagamit ang tatlong pamamaraan sa itaas para makaprodus ng maskabado.[18][19][20] Dati, isa sa mga prominenteng luwa ng Pilipinas ang maskabado, lalo na mula saNegros mula ika-19 na siglo hanggang pahuli ng d. 1970.[19]

Humina nang humina ang produksiyon ng maskabado sa Pilipinas, Barbados, at iba pang lugar noong dinaig ng mga malalaking asukalan ang mga maliliit na asukalan sa produksiyon ng asukal. Sa mga nakaraang taon, dahil tumaas ang interes ng mga konsyumer sa mga masusutansiya at organikong pagkain, muling napasigla sa interes ng mga mamimili sa maskabado, kaya mas marami ang mabebentahan ng mga maliliit na asukalan.[21]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "maskabado - Diksiyonaryo".diksiyonaryo.ph. Nakuha noong2024-02-16.
  2. 2.02.12.2Prince, Rose (9 Nobyembre 2011)."The sweetest flames: Brown sugar from Mauritius" [Ang pinakamatamis na apoy: Pulang asukal mula sa Mawrisyo].The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). London. Nakuha noong19 Hunyo 2017.
  3. Education World: The Human Development Magazine [Mundo ng Edukasyon: Ang Magasin sa Pag-unlad ng Tao] (sa wikang Ingles). 2004. Bolyum 6, Isyu 7-12, p.78
  4. Souvenir, Silver Jubilee Celebrations and 22nd Annual Convention, Indian Society of Agricultural Engineers, 29-31 Oct. 1985 Held at Central Institute of Agricultural Engineering, pa.116
  5. Jaggery Nutritional Value, Nutrition Facts & Analysis, Ayur Times, Dr. Jagdev Singh, 27 Nob 2014
  6. 6.06.16.26.3Bhardwaj, Amit (25 Marso 2013)."The Gur and Khaandsri Industry & its practical impact on Indian Sugar Consumption level" [Ang Industriya ng Gur at Khaandsri & praktikal na epekto nito sa antas ng Pagkonsumo ng Asukal sa Indiya](PDF).Indian Sugar Mills Association (sa wikang Ingles). New Delhi: World Association of Cane and Beet Growers Conference.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2015.
  7. 7.07.1Dhawan, B. D. (Abril 15, 1967). "The Traditional versus the Modern: Case of Indian Sugar Industry" [Ang Tradisyonal kontra sa Moderno: Kaso ng Industriya ng Asukal sa Indiya].Economic and Political Weekly (sa wikang Ingles).2 (15): 723, 725–7.JSTOR 4357817.
  8. Daniels, Christian; Menzies, Nicholas K. (1996). Needham, Joseph (pat.).Science and Civilisation in China: Volume 6, Biology and Biological Technology, Part 3, Agro-Industries and Forestry [Agham at Kabihasnan sa Tsina: Bolyum 6, Biyolohiya at Teknolohiyang Biyolohikal, Ika-3 Bahagi, Mga Agro-Industriya at Panggugubat] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 177–185.ISBN 9780521419994.
  9. See:
    • George Watt (1893),The Economic Products of India [Ang mga Produktong Ekonomiko ng Indiya] (sa wikang Ingles), W. H. Allen & Co., Bol 6, Bahagi II, mga pa. 29–30;
    • J.A. Hill (1902),The Anglo-American Encyclopedia [Ang Ensiklopedyang Anglo-Amerikano] (sa wikang Ingles), Bolyum 7, pa. 725;
    • Thomas E. Furia (1973),CRC Handbook of Food Additives [Hanbuk ng CRC sa mga Aditibo sa Pagkain] (sa wikang Ingles), Ikalawang Edisyon, Bolyum 1,ISBN978-0849305429, pa. 7 (Kabanata 1, ni Thomas D. Luckey);
    • Mary Ellen Snodgrass (2004),Encyclopedia of Kitchen History [Ensiklopedya ng Kasaysayan sa Kusina] (sa wikang Ingles),ISBN978-1579583804, Routledge, mga pa. 145–146
  10. Watson, Andrew.Agricultural innovation in the early Islamic world [Inobasyong Agrikultural sa unang bahagi ng mundong Islamiko] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pa. 26–7.
  11. "Triangular Trade" [Kalakalang Tatsulukin].National Maritime Museum (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 25 Nobyembre 2011.
  12. Abbott, Elizabeth (2009) [2008].Sugar: A Bittersweet History [Asukal: Isang Kasaysayang Mapait-tamis] (sa wikang Ingles). London and New York: Duckworth Overlook.ISBN 978-0-7156-3878-1.
  13. "Slavery in Rhode Island" [Pag-aalipin sa Pulo ng Rhode].Slavery in the North (sa wikang Ingles).
  14. 14.014.1Accum, Fredrick Christian,Culinary Chemistry Exhibiting the Scientific Principles of Cookery [Kimikang Kulinarya, Pagpapakita ng Mga Siyentipikong Prinsipyo ng Pagluluto] (1821, sa wikang Ingles), London, pa. 289.
  15. Orr, W. (1844),The Magazine of Domestic Economy, Vol. 5, p. 107.
  16. Reed, W. (1866),The History of Sugar and Sugar Producing Plants [Ang Kasaysayan ng Asukal at Asukalan] (sa wikang Ingles), mga pa. 82–89.
  17. Martineau, G. (1918), "Sugar from several points of view" [Asukal mula sa ilang pananaw] (sa wikang Ingles), saThe Chemical News and Journal of Industrial Science, 117.
  18. 18.018.1"Muscovado Sugar" [Asukal na Maskabado](PDF).Datupagles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong2016-07-30.
  19. 19.019.119.219.3Larkin, W. (1993)."Sugar and the Origins of Modern Philippine Society" [Asukal at ang Pinagmulan ng Modernong Lipunan ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). pp. 55–58.
  20. 20.020.1Roger Knight, G. (2013),Commodities and Colonialism: The Story of Big Sugar in Indonesia, 1880–1942 [Mga Kalakal at Kolonyalismo: Ang Kwento ng Malaking Asukal sa Indonesia,1880–1942] (sa wikang Ingles), pa. 4.
  21. "Muscovado Sugar : A New Sunshine Industry".Agriculture Business Week. 2008-07-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-13. Nakuha noong2009-05-27.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Maskabado&oldid=2138653"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp