AngMarso ang ikatlongbuwan ngtaon sakalendaryong Gregoryano atJuliyano. Ito ang ikalawa sa pitong buwan na may habang 31 araw. Nanggaling ang salitangMarso mula saKastilangMarzo. SaIngles, itong buwan ay tinatawag naMarch. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan naMarte, ang diyos ng digmaan ayon samitolohiyang Romano.
SaHilagang Emisperyo, ang simulangmeteorolohiko ngtagsibol ay unang araw ng Marso. Minamarkahan ang 20 o 21 bilang ekwinoksiyo ng Marso na ang simulangastronomiko ng tagsibol sa Hilagang Emisperyo and ang simula ngtaglagas saTimog Emisperyo, kung saan Setyembre ang panahong katumbas sa Marso ng Hilagang Emisperyo.
Marso, mula saTrès Riches Heures du Duc de Berry, isang aklat ng mga panalangin na sinasabi sa mga oras kanoniko
Nagmula ang pangalang Marso saMartius, ang unang buwan sa sinaunang kalendaryong Romano. Ipinangalan ito kayMarte, diyos ng digmaan ng mga Romano, at ang ninuno ng mga Romano sa pamamagitan ng mga anak nitong sinaRomulo at Remo. Simula ng panahon ng pakikidigma ang kanyang buwan naMartius,[1] at sinasalamin ng iba sa Oktubre ang mga pista na ipinagdiriwang sa kanyang ngalan sa Marso, nang magsasara na ang panahon para sa mga aktibidad na ito.[2] Nanatiling unang buwan angMartius sa kalendaryong Romano marahil noong hanggang pinakahuling 153 BC,[3] at ilang pagdiriwang relihiyoso sa unang kalahati ng buwan ay orihinal na mga pagdiriwang ang bagong taon.[4] Kahit noong huling antiguwedad, ang mga mosaikong Romano na ginuguhit ang mga buwan ay minsan nilalagay ang Marso bilang una.[5]
Angnarsiso, ang bulaklak na sagisag ng MarsoMga batong hiyas na agwamarinaPinakinang na piyedra sanggre
Ang mgabirthstone o kapanganakang-bato ng Marso ay ang agwamarina at piyedra sanggre. Sinsimbolo ng mga batong ito ang katapangan.Narsiso ang kapanganakang-bulaklak ng Marso.[6] Ang mga senyas ngsodyak ayPisses hanggang sa tinatayang Marso 20 atAries mula sa tinatayang Marso 21 pataas.[7]
↑Mary Beard, John North, at Simon Price,Religions of Rome (Cambridge University Press, 1998), pp. 47–48 at 53. (sa Ingles)
↑Michael Lipka,Roman Gods: A Conceptual Approach (Brill, 2009), p. 37. (sa Ingles) Ang mga pananaw ni Georg Wissowa sa mga pista ni Marte na nililikha ang panahon ng pagkakampanyang militar na binuod ni C. Bennett Pascal, "October Horse,"Harvard Studies in Classical Philology 85 (1981), p. 264, na may bibliyograpiya.
↑H.H. Scullard,Festivals and Ceremonies of the Roman Republic (Cornell University Press, 1981), p. 84; (sa Ingles) Gary Forsythe,Time in Roman Religion: One Thousand Years of Religious History (Routledge, 2012), p. 14 (sa walang katiyakan kung kailan naganap ang pagpalit).
↑Scullard,Festivals and Ceremonies of the Roman Republic, p. 85sum. (sa Ingles)
↑Aïcha Ben Abed,Tunisian Mosaics: Treasures from Roman Africa (Getty Publications, 2006), p. 113. (sa Ingles)