AngMarte (sagisag:) ay ang ikaapat naplaneta mula saAraw sa atingSistemang Solar. Ipinangalan ito saRomanong diyos ng digmaan (Ares saMitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula saLupà sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, angPhobos atDeimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mgaasteroyd katulad ng5261 Eureka. Makikita ang Marte mula saTiyera sa pamamagitan ng hubad na mata (naked eye) na may kaliwanagan ng −2.94 hanggang +1.86 magnitud, nilalagpasan lamang ngVenus,Buwan, at Araw.
Planetang Marte
Rabaw ng Marte
Mapa ng Marte
Paglubog ng Araw sa Marte
Tumutukoy ang unlapingareo- sa Marte katulad sa pagtukoy nggeo- sa Tiyera—halimbawa, angareolohiya laban saheolohiya. Ginagamit din angareolohiya (areology) bilang pangtukoy sa pag-aaral sa Marte sa isang kabuuan sa halip sa mga prosesong heolohikal ng planeta. (Sa salitang Griyego,Arēs ay Marte.) Ang simbolong astronomikal ng Marte ay ♂, isang bilog na may palasong tumuro sa hilaga-silangan. Kinakatawan ng simbolong ito ang kalasag at sibat ng diyos na Marte, at sabiyolohiya, ginagamit ito bilang tanda para sa kasarianglalaki.
Tumutukoy saIntsik,Hapon,Koreano, atByetnames na mga kultura ang planeta bilang 火星, orbituwing apoy, isang pagpapangalan na nakabatay sa lumang mitolohikal na Intsik ng sirkulo ngLimang Elemento.
0.3794g ang grabidad sa surpasyo ng Marte. Mas magaan kung may tao roon. Ang radius ay 3389.5 ± 0.2 km, mga kalahati ng Tiyera. Ang surpasyong kalawakan ay 144 798 500 km2, mga kapareho ng Tiyera sa lupaan (hindi tubigan).
Ang mga suklob na yelong polar sa Marte ay may ilang metrong yelo ng karbon dioksido sa ibabaw ng yelong tubig. Kung tunawin ang suklob na yelong polar sa timog ng Marte, mababaha ang buong surpasyo ng planeta nang mga 11 metrong kailalimang tubig.
Ang Marte ay nasa guni-guni ng maraming tao. Tema itong bagay ng maramingpiksiyong espekulatibo bilang ang prangkisang Barsoom (1912-1948) ni Edgar Rice Burroughs, ang nobelangThe Lost Race of Mars (1960) ni Robert Silverberg, ang nobelangRed Planet (1949) ni Robert Heinlein, ang HaponganimengCarole & Tuesday (キャロル&チューズデイ) (2019) ng estudyo Bones, ang pelikulangThe Last Days on Mars (2013) ni direktor Ruairí Robinson, at ang librong trilohiya ni Kim Stanley Robinson:Red Mars (1992),Green Mars (1993), atBlue Mars (1996).
AngSpaceX Mars Program na pinagmulan ni multibilyonaryongElon Musk at ngSpaceX ay pangmatagalang programa upang mapadali ang tuluyang kolonisasyon ng Marte.