Tinatawag ang mga mamamayan ng Marawi na mgaMaranao at nagsasalita ngWikang Maranao. Hinango ang kanilang pangalan mula saLawa ng Lanao, na tinatawag naMeranau sa kanilang wika, kung saang nasa dalampasigan nito ang Marawi. Kilala rin ang lungsod bilang "Kabiserang Pantag-init ng Katimugan" dahil sa mas-mataas na elebasyon nito at mas-malamig na klima.[5] May gayon ding palayaw angMalaybalay na opisyal na humahawak ng titulong ito. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 207,010 sa may 30,839 na kabahayan. Taong 2017 sa pagbabago ngPederalismo sa Pilipinas ang Marawi ang (kapitolyo) ng BangsaMoro.
Noong Mayo 23, 2017, nakaranas ng malawakang pinsala ang lungsod sa kasagsagan ngLabanan sa Marawi, kung saang sumalakay sa lungsod atnakidigma ang mga militanteng kaanib ngIslamikong Estado ng Irak at Levant. Tumagal ang sumunod na labanan hanggang Oktubre 23, 2017 nang inihayag ni KalihimDelfin Lorenzana ngDND ang pagtatapos ng labanan. Ang pangunahing pinsala sa lungsod ay karamihang sanhi ng mga pagbomba mula sa himpapawid na isinagawa ngHukbong Himpapawid ng Pilipinas habang sinusubukang palayasin ang mga militante.
May kabuuang sukat na 8,755 ektarya (21,630 akre).[2] ang Lungsod ng Marawi. Matatagpuan ito sa dalampasigan ng Lawa ng Lanao. Naghahanggan ito sa hilaga sa bayan ngKapai atSaguiaran; at sa timog ng Lawa ng Lanao; sa bayan ngBubong atDitsaan-Ramain; sa silangan, at sa mga bayan ngMarantao at Saguiaran.
↑"Marawi City is a Component City". Philippine Information Agency, Government of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2019. Nakuha noong15 February 2019.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasapampublikong dominyo.