Ang mga mamalya ay kinabibilangan ng pinakamalaking hayop sa planeta, ang mgarorkuwal at iba pang malaking balyena, gayundin ang ilang mga matatalino, tulad ng mgaelepante, ilangprimata,mga tao, at ilang mgasetaseo. Ang batayang uri ng katawan ay isang apatang-paang lupang-sinilang na hayop, ngunit ang ilang mamalya ay nakaangkop para sa buhay sa dagat, sa himpapawid, sa mga puno, o sa pamamagitan ng dalawang mga paa. Ang karamihan ng mga mamalya ay nag-aangkin rin ng mgaglandula ng pawis at dinalubhasang mgangipin. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mamalya namga may inunan ay may isanginunan na nagpapakain sa mga anak nito sapagbubuntis. Ang mga mamalya ay may sukat mula 30–40 milimetro(1- to 1.5-pulgada) gaya ngpaniking bubuyog hanggang sa 33 metrong(108 talampakan)balyenang bughaw.
Ang salitang "mammal" ay moderno, galing sasiyentipikong pangalan na ''Mammalia na nilikhang-salita niCarl Linnaeus noong 175, na hinango mula sa Latin namamma ("utong, suso"). Ang lahat ng mga babaeng mamalya ay nagpapasuso ng kanilang mga supling nggatas na inilalabas saglandulang pangsuso. Ayon saMammal Species of the World (Filipino, 'Mamalya Espesye/Uri ng Mundo'), ang 5,702 espesye o uri ng Mamalya ay napag-alaman noong 2005. Ang mga ito ay ipinangkat sa 1,229 mga sari o henero, 153 mga pamilya, at 29 mga orden.[1] Sa 2008 kinumpleto ngIUCN ang isang limang taong, 17,000 siyentipikong Pandaigdigang Pagtatasa ng Mamalya para saPulang Talaan ng IUCN na bumilang ng mga 5,488 espesyse o uri sa wakas ng panahong iyon.[2]
Sa ilang mga pag-uuri, ang mga mamalya ay nahahati sa dalawang mga pangalawang-klase(hindi kabilang ang mgafossil): angProtheria, iyan ay, ang ordengMonotremata; at angTheria, o ang mga ibabang-klasengMetatheria atEutheria. Ang mgamarsupiyal ay bumubuo ngputong na pangkat ng Metatheria, at kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na metatheriano gayundin ang mga ilang nalipol; ang mga may inunanay ang putong na pangkat ng Eutheria.
Maliban sa limang espesye o uri ng mgamonotreme (mga nangingitlog na mamalya), ang lahat ng mga nabubuhay na mamalya ay nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga mamalya kabilang ang anim na pinakamayaman sa espesye o uring mga ordern ay kabilang sa pangkat na may inunan. Ang tatlong pinakamalalaking orden sa pagkakasunod-sunod na pababa angRodentia (mgamaliit na daga,daga, mgaporkyupayn, mgababera, mgakapibara at mga ngumunguyang mga mamalya),Chiroptera (mgapaniki) at angSoricomorpha (mgamusaranya, mgamowl at mgasolenodon). Ang tatlong pinakamalalaking mga orden na depende sa pag-uuring ginagamit ang mgaprimado na kinabibilangan ng mgatao, angCetartiodactyla (na kinabibilangan ng mgaungguladong may paang patas at mgabalyena), at angCarnivora(mgapusa, mgaaso, mgamusang, mgaoso, mgakarnerong-dagat at mga kamag-anak nito).[1] Bagaman ng pag-uuri ng mga mamalya sa antas na pamilya ay kaugnay na matatag, ang mga iba-ibang pagtrato sa mas mataas na mga antas na pangalawang-klase, ibabang-klase at orden ay lumilitaw sa mga panitikang magkakasabay lalo na para sa mga marsupiyal. Ang karamihan ng mga kamakailang pagbabago ay sumasalamin sa mga resulta ngpagsusuri na kladistiko athenetikang molekular. Ang mga resulta mula sa henetikang molekular ay halimbawa sa pagtumungo sa pagggamit ng mga bagong pangkat gaya ngAfrotheria at ang paglisan sa mga tradisyonal na pangkat gaya ngInsectivora. Ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya nasinapsido ang mgasphenacodont napelikosauro na isang pangkat na kinabibilangan din ngDimetrodon. Sa wakas ng panahongCarboniferous, ang pangkat na ito ay nag-naiiba mula sa hanay ngsauropsida na tumungo sa mga kasalukuyang nabubuhay na mgareptilya atibon. Ito ay pinangunahan ng maraming mga sari-saring pangkat na mga hindi mamalyang sinapsido(na minsang tinutukoy na mga tulad ng mamalyang reptilya) at ang mga unang mamalya ay unang lumitaw sa Kapanahunana ng SimulangMesosoiko. Ang mga modernong orden ng mamalya ay lumitaw sa mga panahongPaleoheno atNeoheno ng KapanahunangSenosoiko.
Triconodonts, Multituberculates, Mga Marsupiyal, at Mga may Inunan
AngSynapsida na isang pangkat ng mga hayop na Sinapsido na naglalaman ng mga mamalya at mga nalipol na kamag-anak nito ay nagmula sa panahongPennsylvanian nang ang mga ito ay humiwalay mula sa lipi (lineage) na Sauropsida na kinabibilangan ng mga hayop na Sauropsido na tumungo sa mga kasalukuyangreptilya atibon. Ang mga mamalyang putong na korona ay nag-ebolb mula sa mas naunang mgamammaliaform o anyong mamalya sa panahong SimulangJurassic.
Ebolusyon mula sa mga amniota in sa Kapanahunang Paleosoiko
Ang orihinal na istraktura ng bungo ng synapsida ay naglalaman ng isangtemporal fenestrae sa likod ngbutas ng mata sa isang katamntamang mababang posisyon sa bungo(mababang kanan). Ito ay maaaring nakatulong sa mga masel ng panga na maaaring nagpataas ng lakas ng pagkagat ng mga ito.
Ang unang mga buong pang-lupaingbertebrado ang mgaamniota. Tulad ng mga hinalinhan nitongampibyano, ang mga ito ay may mgabaga at biyas(hita). Gayunpaman ang mga itlog ngamniota ay may panloob na mga membrano na pumapayag sa umuunlad na embriyo na huminga ngunit nagpapanitili ng tubig sa loob. Kaya ang mga amniota ang mangitlog sa tuyong lupain, samantalang ang mga ampibyano ay pangkalahatang nangangailangan na mangitlog sa tubig. Ang mga unang amniota ay maliwanag na lumitaw saPennsylvaniano (HulingCarboniferous). Ang mga ito ay nag-ebolb mula sa higit na naunang mga ampibyano nareptiliomorph o anyong reptilya[4] na nabuhay sa lupain na tinitirhan na ng mga insekto at ibang mga imbertebrado at ng mga pako, lumot na moss at iba pang mga halaman. Sa loob ng ilang mga milyong taon, ang dalawang mga mahahalagang lipi ng amniota ay naghiwalay: ang mgasinapsido na kinabibilangan ng mga mamalya at ang mgasauropsido na kinabibilangan ng mgapagong, mgabutiki, mgaahas, mgacrocodiliano, mgadinosauro at mgaibon.[5] Ang mga sinapsido ay may isang butas (temporal fenestra o pilipisang bintana) na mababa sa bawat panig ng bungo. Ang isang pangkat sinapsido na mgapelikosauro ay kinabibilangan ng pinakamalalaki at mababangis na mga hayop ng panahong SimulangPermian.[6] Ang mgatherapsida ay nag-ebolb mula sa mgapelikosauro sa panahong GitnangPermian mga 265 milyong taon ang nakalilipas at pumalit sa mga ito bilang mga nanaig na bertebradong pang-lupain.[7] Ang mga ito ay iba sa mga pelikosauro sa ilang mga katangian ng bungo at mga panga kabilang ang mas malakingtemporal fenestrae at mgaincisor na magkatumbas sa sukat.[8] Ang liping therapsida na tumungo sa mga mamalya ay dumaan sa ilang mga yugto na nagsimula sa mga hayop na labis na katulad ng mga ninuno nitong pelikosauro at nagwakas sa mgaprobainognathiancynodont na ang ilan ay madaling mapagkakamalang mga mamalya. Ang mga yugtong ito ay inilalarawan ng:
dahan dahang pag-unlad ng ikalawang mabutong matigas na ngala ngala.[9]
Ang pag-unlad ay nangyari tungo sa isang nakatayong postura ng hita na nagpataas ng stamina ng hayop sa pamamagitan ng paghadlang sahangganan ni Carrier. Gayunpaman, ang prosesong ito ay mabagal at paiba iba. Halimbawa, ang lahat ng mga herbiborosong hindi mammaliaform na mgatherapsida ay nagpakita ng mga napanatiling mga nakabukakang mga hita. Ang ilang mga kalaunang anyo ay maaaring may kalahating nakatayong mga likurang hita. Ang mga karniborosong mga therapsida ng panahongPermian ay may nakabukakang mga harapang hita at ang ilan nito sa Huling Permian ay mayroon ding kalahating nakabukakang likurang hita. Ang katunayan, ang mga modernongmonotreme ay mayroon pa ring mga kalahating nakabukakang mga hita.
Angdentaryo ay dahan dahang naging pangunahing buto ng mababang panga at sa panahongTriyasiko ay umunlad sa isang buong panga ng mamalya(na ang binubuo lamang ng dentraryo) at gitnang tenga(na gawa sa mga buto na nakaraang ginagamit upang buuin ang mga panga ng mgareptilya.
May ilang ebidensiya ng buhok sa mgatherapsida ng panahongTriyasiko ngunit wala para sa mga therapsida ng panahongPermian.
Ang ilang mga therapsia ng panahong Triassic ay nagpakita rin ng mga tanda nglaktasyon(paglalabas ng gatas).
Ang mga hindi mamalyang mgasinapsidong ito ay minsang tinatawag na mga "tulad ng mamalyang mga reptilya"[7][10][11].
Angpangyayaring ekstinksiyon na Permian-Triasiko na isang tumagal na pangyayari sanhi ng pagtitipon ng ilang mga pulsong ekstinksiyon ay nagwakas sa pananaig ng mga karnibora sa mga therapsida. Sa panahong Simulang Triasiko, ang lahat ng mga midyum hanggang malalaking niche ng mga karniborang pang-lupain ay pinalitan ng mgaarkosauro na sa loob ng lumawig na panahon(35 milyong taon) ay kinabilangan ng mgacrocodylomorph, mgapterosaur at mgadinosauro. Sa panahongJurassic, ang mga dinosauro ay nanaig din sa malalaking niche ng mga herbiborang pang-luapin. Ang mga unang mamalya(sa kahulugang ibinigay sa termino nina Kielan-Jawarowskaet al.)[12] ay unang lumitaw sa HulingTriasiko mga 210 milyong taon ang nakalilipas na 60 milyong taon pagktapos ng paglitaw ng mga unangtherapsida. Pinalaganap ng mga ito ang mga pang-gabing niche na insektibora nito mula sa gitnang Jurassic at patuloy nito. Halimbawa, angCastorocauda ay nagkaroon ng mga pag-aangkop para sa paglangyo, paghuhukay at paghuli ng isda.[13] Ang karamihan ng mga espesye ng mamalya na umnira sa era naMesosoiko aymultituberculata, mgatriconodont at mga spalacotheriid.[14] Ang pinakaunang mga alam namonotreme angTeinolophos na nabuhay mga 123 milyong taon ang nakalilipas saAustralia. Ang mga monotreme ay may ilang mga katangian na maaaring namana mula sa mga orihinal naamniota:
Ang mga ito ay may bukasan upang umihi, dumumi at magparami(ang "monotreme" ay nangangahulugang "isang butas") gaya ng mgabutiki atibon
Ang mga ito ay nangingitlog na makatad at hindi kalsipado tulad ng sa mga butiki, pagong at mga buwaya.
Hindi tulad ng ibang mga mamalya, ang mga babaeng monotreme ay walang mgautong at nagpapakin ng mga batang supling nito sa pamamagitan ng pagpapawis ng mga gatas mula sa mga patse sa mga tiyan nito. Ang pinakaunang alam nametatheriano angSinodelphys na natagpuan sa 125 milyong taon na eskisto o pisara ng panahong SimulangKretaseyoso sa probinsiyang Liaoning ng hilagang-silanganing Tsina. Ang fossil ay halos kumpleto at kinaibilangan ng mga kumpol ng balahibo at mga bakas ng mga malalambot na tisyu.[15] Ang pinakamatandang alam na fossil ngEutheria("mga tunay na hayop") ang maliit na tulad ngshrew na Juramaia sinensis, o "InangJurassic mula sa Tsina" na pinetsahan ng 160 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Itaas naJurassic.[16] Ayon sa mananaliksik ng fossil na ito, ito ay maaaring isang placental na mamalaya at ang petsa nito ay umaayon sa mga analis nahenomiko na naglalagay sa paghihiwalay ng dalawang pangkat ng mamalya na placental at marsupial sa mga 160 milyong taon ang nakalilipas.[17][18][19] Ang isang kalaunang eutherian naEomaia na pinetsahan ng 125 milyong taon ang nakaliipas sa MababangKretaseyoso ay nag-aangkin ng ilang mga katangian na karaniwan sa mgamarsupiyal ngunit hindi mgaplacental. Ito ay ebidensiya na ang mga katangiang ito ay umiiral sa huling karaniwang ninuno ng dalawang pangkat ngunit kalaunang naglaho sa liping placental.[20] Sa partikular:
Ang mgabutong epipubiko ay lumalawig pasulong mula sa pelvis. Ang mga ito ay hindi matatagpuan sa anumang modernong placental ngunit matatagpuan sa mgamarsupiyal, mgamonotreme at mga hindi therian na mamalya tulad ng mga multituberculata gayundin saUkhaatherium na isang hayop na lumnitaw sa Itaas na Kretaseyoso sa orden na eutherian naAsioryctitheria.[21] Ang mga ito ay maliwanag na katangiang pang-ninuno ng kalaunang naglaho sa liping placental. Ang mga butong epipubikong ito ay tila gumagana sa pamamagitan ng pagpapatigas ng mga masel sa mga hayop na ito sa lokomosyon nito na nagbabawas ng halaga ng espayo na itinatanghal na kailangan ng mga placental upang ilaman ang mgafetus nito sa mga yugtonghestasyon.
Ang isang makitid na labasang pelvis ay nagpapakita na ang bata nito ay napakaliit sa kapanganakan at kaya ay ang pagbubuntis ay maikli gaya ng sa mga modernong marsupial. Ito ay nagmumungkahi na ang placenta ay isang kalaunang pag-unlad.
Ang mga mamalya ay nanaig sa medyum hanggang malaking sukat na mga nitsong ekolohikal sa panahong Senosoiko pagkatapos na angpangyayaring pagkalipol na Kretaseyoso-Paleoheno ay nag-ubos ng puwang na ekolohikal na minsang pinuno ng mgareptilya.[22] Pagkatapos nito ay mabilis na sumari-sari ang mga mamalya. Ang parehong mga ibon at mamalya ay nagpakita ng isang pagpaparami na pagtaas sa pagkasari-sari.[22] Halimbawa, ang pinaka-unang mga alam na paniki ay may petsang mula mga 50 milyong taon ang nakalilipas na mga 15 milyong taon lamang pagktapos ng pagkakalipol ng mgadinosauro.[23]
↑Bennett, A. F. and Ruben, J. A. (1986) "The metabolic and thermoregulatory status of therapsids"; pp. 207–218 in N. Hotton III, P. D. MacLean, J. J. Roth and E. C. Roth (eds), "The ecology and biology of mammal-like reptiles", Smithsonian Institution Press, Washington.