AngMalta, opisyal naRepublika ng Malta, ay bansang pulo saTimog Europa. Binubuo ito ng arkipelago na matatagpuan saDagat Mediteraneo, timog ngItalya, hilaga ngLibya, at silangan ngTunisya. Sa populasyong humigit-kumulang 516,000 na sinasaklaw ng lawak na 316 km2, ito ang ikasampung pinakamaliit at ikalimang pinakasiksikang soberanong estado sa mundo. Ang kabisera nito ayValletta.
Ang watawat ng Malta (il-bandiera ta' Malta) ay may dalawang kulay, puti sa bandang laylayan ng watawat (hoist) at pula sa kabilang dulo (fly). Mayroong anyo ng Krus ni Jorge, na iginawad kay Malta niJorge VI noong 1942, na nakalagay sa kanton ng puting guhit at may pulang gilid.[1] Unang kinilala ang watawat noong Mayo 1952.[2] Ito lamang ang pambansang watawat na may tekstong nakasulat sa Ingles (“For Gallantry” o Para sa Kabayanihan sa Krus ni Jorge).[3] Kasama ngBelise, ang Malta ay isa lamang sa dalawang nagsasariling bansa na mayroong tao sa kanilang watawat.
Ang kasalukuyangeskudo de armas o sagisag ng Malat ay inilarawan sa Batas sa Sagisag at Pampublikong Selyo ng Malta ng 1988 bilang isang kalasag na nagpapakita ng heraldikong anyo ng pambansang watawat ng Malta. Sa ibabaw ng kalasag ay may gintong koronang mural na may lagusan (sally port) at limang tore na kumakatawan sa mga kuta ng Malta at nagsasaad ng pagiging lungsod-estado. Nakapalibot sakalasag ang isang korona ng mga sanga: ang nasa kanang bahagi (dexter) ay sanga ng olibo, at ang nasa kaliwa (sinister) ay sanga ng palma, mga sagisag ng kapayapaan at kaugnay na kaugnay sa Malta. Lahat ay nasa kanilang likas na kulay at pinagtali sa ibaba ng isang puting laso na may pulang likuran, kung saan nakasulat ang mga salitang Repubblika ta’ Malta (“Republika ng Malta” sa wikang Maltes) sa malalaking titik na kulay itim.[4]