Isan kolahe ng Verona, pakaliwa mula sa itaas na kaliwa tungong kanan: Tanaw ng Piazza Bra mula sa Arena ng Verona, Bahay ni Juliet, Arena ng Verona, Ponte Pietra sa paglubog ng araw, Bantayog ng Madonna sa bukal sa Piazza Erbe, tanaw ng Piazza Erbe mula sa Toreng Lamberti
Avesa, San Michele Extra, San Massimo all'Adige, Quinzano, Quinto di Valpantena, Poiano di Valpantena, Parona di Valpolicella, Montorio Veronese, Mizzole, Marchesino, Chievo, Cà di David e Moruri
Pamahalaan
• Mayor
Federico Sboarina (Independiente)
Lawak
Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
• Kabuuan
198.92 km2 (76.80 milya kuwadrado)
Taas
59 m (194 tal)
Populasyon
(2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
AngVerona (/vəˈroʊnə/və-ROH-nə,Italyano: [veˈroːna](pakinggan);Benesiyano:Verona oVeròna) ay isanglungsod sa IlogAdige saVeneto, Italya, na may 259,610 naninirahan. Ito ang isa sa pitong panlalawigang kabisera ng rehiyon. Ito ang pinakamalaking lungsod namunisipalidad sa rehiyon at ang ikalawang pinakamalaki sa hilagang-silangang Italya. Sumasakop ang kalakhang lugar ng Verona ng 1,426 km2 (550.58 mi kuw) at may populasyon na 714,310.[1] Ito ang isa sa mga destinasyong panturista sa hilagangItalya dahil sa artistiko nitong pamana at ilang taunang perya, palabas atopera, tulad ng panahong liriko sa Arena, isangsinaunang Romanong ampiteatro.
Sa pagitan ngika-13 atika-14 na dantaon, pinamunuan ang lungsod ng Pamilyang Della Scala. Sa ilalim ng pamumuno ng pamilya, partikular ni Cangrande I della Scala, nakaranas ang lungsod ng isang malaking pag-unlad, na naging mayaman at makapangyarihan at napapalibutan ng bagang pader.[2] Nakaligtas ang panahon ng Della Scala sa maraming monumento sa palibot ng Verona.
Dalawa sa dula niWilliam Shakespeare ay sa Verona ang tagpuan: angRomeo at Juliet (na tinampukan ng pamamalagi ni Romeo saMantua) atAng Dalawang Maginoo ng Verona. Hindi alam kung nabisita ni Shakespeare kailanman ang Verona o Italya, ngunit naakit ng kanyang mga dula ang maraming bisita sa Verona at palibot na mga lungsod. Dito rin ipinanganak sa Verona si Isotta Nogarola, na sinasabing unang pangunahing babaeng humanista at isa sa pinakamahalagang humanista ngRenasimiyento.[3] Idineklera ang lungsod bilang isangPandaigdigang Pamanang Pook ngUNESCO dahil sa urbanong istraktura atarkitektura nito.