Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Malaysia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Malaysia
Watawat ng Malaysia
Watawat
Eskudo ng Malaysia
Eskudo
Salawikain: Bersekutu Bertambah Mutu
"Ang Pagkakaisa ay Lakas"
Awitin: Negaraku
"Aking Bayan"
Show globe
Show map of Southeast Asia
Kinaroroonan ng Malaysia  (dark green)

– saAsia  (dark gray & puti)
– saASEAN  (dark gray)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Kuala Lumpur[fn 1]
3°8′N101°41′E / 3.133°N 101.683°E /3.133; 101.683
Punong-lungsodPutrajaya[fn 2]
2°56′N101°42′E / 2.933°N 101.700°E /2.933; 101.700
Wikang opisyalMalay
KatawaganMalasyano
PamahalaanFederalparliamentary konstitusyonalelective monarchy
Ibrahim Iskandar ng Johor
Anwar Ibrahim
no value
Johari Abdul
Tengku Maimun Tuan Mat
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Dewan Negara (Senado)
• Mababang Kapulungan
Dewan Rakyat ( Kapulungan ng mga Kinatawan)
Kalayaan 
mula saBritanya
31 Agosto 1957[1]
22 Hulyo 1963
31 Agosto 1963[2]
16 Setyembre 1963
Lawak
• Kabuuan
330,803[3] km2 (127,724 sq mi) (67th)
• Katubigan (%)
0.3
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
34,564,810[4] (43rd)
• Senso ng 2020
32,447,385[5]
• Densidad
101/km2 (261.6/mi kuw) (116th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.225 trillion[6] (31st)
• Bawat kapita
Increase $37,082[6] (55th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $430.895 billion[6] (36th)
• Bawat kapita
Increase $13,034[6] (67th)
Gini (2018)41.2[7]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.803[8]
napakataas · 62nd
SalapiMalaysian ringgit (MYR)
Sona ng orasUTC+8 (MST)
Ayos ng petsadd-mm-yyyy
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+60
Internet TLD.my

AngMalaysia oMalasya (Malay:Malaysia, bigkas:/məˈleɪʒə/ o/məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo nglabintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal saTimog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 330 803 kilometro kuwadrado.[3][9]Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang angPutrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon.[10] Ang bansa ay nahahati ngDagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—angTangway ng Malaysia at angSilangang Malaysia.[10] Kahangganan ng Malaysia ang mga bansangThailand,Indonesia,Singapore.Brunei atPilipinas.[10] Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ngklimang tropikal.[10] Ang pinuno ng estado ay angYang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isangpunong ministro.[11][12] Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parlamentaryo ngWestminster.[13]

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas.[14] Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mgaNegrito.[15] Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India atTsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.

Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.[16]

Nakalaya ang Malaysia mula saBritanya noong 1957, at tuluyang lumabas angSingapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.

Pinanggalingan ng Salita

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang angKalipunan ng Malaya,Singapura,Hilagang Borneo atSarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[17] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ngArkipelago ng Malay.[18] Minsan rin naisip ngPilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[19] Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay angLangkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[20]

Paghahating Pampolitika

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor,Kedah,Kelantan,Melaka,Negeri Sembilan,Pahang,Penang,Perak,Perlis,Sarawak,Sabah, atTerengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur,Labuan, atPutrajaya).

Demograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[21] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mgaMuslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[21]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sakanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8%[21]. Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.

Pananampalataya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2020, humigit-kumulang na 63.5 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 18.7 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.1 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[22] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[22]

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[23] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[24][25] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumangSharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Constitutional capital, ceremonial and legislative
  2. administrative and judicial

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Mackay, Derek (2005).Eastern Customs: The Customs Service in British Malaya and the Opium Trade. The Radcliffe Press. pp. 240–.ISBN 978-1-85043-844-1.
  2. "31 Ogos 1963, Hari kemerdekaan Sabah yang rasmi". AWANI. 14 May 2021. Nakuha noong1 September 2021.
  3. 3.03.1"Laporan Kiraan Permulaan 2010". Jabatan Perangkaan Malaysia. p. 27. Inarkibo mula saorihinal noong 27 Disyembre 2010. Nakuha noong2 Agosto 2023.Maling banggit (Invalid na<ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "2010 stats" na may iba't ibang nilalaman); $2
  4. "Malaysia".The World Factbook (sa wikang Ingles).Central Intelligence Agency. Nakuha noong24 September 2022. (Nakaarkibong 2022 edisyon)
  5. "Population and Housing Census of Malaysia 2020". Department of Statistics, Malaysia. p. 48. Inarkibo mula saorihinal noong 28 February 2022. Nakuha noong23 March 2022.
  6. 6.06.16.26.3"World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Malaysia)".IMF.org.International Monetary Fund. 10 October 2023. Nakuha noong12 October 2023.
  7. "Gini Index". World Bank. Nakuha noong20 December 2018.
  8. "Human Development Report 2021/2022"(PDF) (sa wikang Ingles).United Nations Development Programme. 8 September 2022. Nakuha noong8 September 2022.
  9. Article 1. Constitution of Malaysia.
  10. 10.010.110.210.3Maling banggit (Hindi tamang<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangCIA Fact Book); $2
  11. Article 33. Constitution of Malaysia.
  12. Article 43. Constitution of Malaysia.
  13. AngFederation of International Trade Associations.General Information of MalaysiaNaka-arkibo 2010-12-26 saWayback Machine.. Retrieved 7 Disyembre 2007.
  14. Holme, Stephanie (13 Pebrero 2012)."Getaway to romance in Malaysia". stuff.co.nz. Isinangguni noong 10 Marso 2018.
  15. Fix, Alan G. (Hunyo1995). "Malayan Paleosociology: Implications for Patterns of Genetic Variation among the Orang Asli".American Anthropologist. New Series.97(2): 313–323. doi:10.1525/aa.1995.97.2.02a00090. JSTOR681964.
  16. W.P. Groeneveldt, 1877,Notes on the Malay Archipelago and Malacca (Mga Tala sa Kapuluang Malay at Malacca), Batavia : W. Bruining. Isinangguni noong 10 Marso 2018.
  17. Maling banggit (Hindi tamang<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangam002); $2
  18. The New Student's Reference Work. 1914.
  19. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  20. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  21. 21.021.121.2"Population and Housing Census" Press statementNaka-arkibo 2007-03-23 saWayback Machine. ,Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15.(sa Ingles)
  22. 22.022.1"Department of Statistics Malaysia Official Portal".www.dosm.gov.my. Nakuha noong2023-02-17.
  23. Artikulo 160 (2). Saligang Batas ng Malaysia.
  24. Inter Press Service:Temple Demolitions Spell Creeping IslamisationNaka-arkibo 2007-10-09 saWayback Machine.. Nakuha noong 2008-07-15.(sa Ingles)
  25. BBC :Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15.(sa Ingles)

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mga bansa at dependensiya saAsya
Mga estadong soberano
Estadong limitado ang pagkakakilala
Dependensiya at iba pang teritoryo
Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Association of Southeast Asian Nations / ASEAN
Mga Bansang Tagamasid:Papua Bagong Guinea ·Silangang Timor
Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Association of Southeast Asian Nations / ASEAN
Mga Bansang Tagamasid:Papua Bagong Guinea ·Silangang Timor
Mga bansa at dependensiya saAsya
Mga estadong soberano
Estadong limitado ang pagkakakilala
Dependensiya at iba pang teritoryo
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Malaysia&oldid=2160655"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp