SiVictor Hugo ay isang Pranses na makata, nobelista, at dramatista. Kilalang-kilala si Hugo para sa kanyang mga akda tulad ngLes Contemplations (Ang Mga Pagmumuni-muni) atLa Légende des siècles (Ang Alamat ng Panahon).
Angmakata ay isang tao na sumusulat ngtula. Maaaring ilarawan ng mga makata ang kanilang sarili bilang ganoon o mailarawan sila bilang mga makata ng ibang mga tao. Ang makata ay maaaring magingmanunulat ng tula lamang o maaaring itanghal ang kanyang sining sa mga tagapanood.
Ang gawa ng isang makata ay mahalagang kaugnay ngkomunikasyon, alinman sa pagpapahayag ng mga ideya sa literal na kahulugan, gaya ng pagsusulat tungkol sa tiyak na pangyayari o lugar, o sa matalinghagang pamamaraan. Ang mga makata ay nandito na noon pang unang panahon, sa halos lahat ng mgawika, at nakalikha na ng mga gawang labis na nag-iiba-iba sa sari-saringkultura at panahon. Sa buong itinagal ng bawatsibilisasyon at wika, gumamit ang mga makata ng maraming estilo na nag-iiba sa pagpapatuloy ng kasaysayan ngliteraturang humantong din sa malawak nakasaysayan ng mga makata tulad ng literaturang kanilang ginawa.
SaSinaunang Roma, ang mga propesyunal na makata ay pangkaraniwang itinataguyod ng mga patron, ang mga mayayamang tagasuporta kasama ang mga maharlika at mga opisyal ngmilitar. Halimbawa, si Gaius Cilnius Maecenas, kaibigan niCaesar Augustus, ay isang importanteng patron para sa mga makatang Augustan, katulad ninaHorace atVirgil.