SiHerodoto ang itinuturing na "Ama ng Kasaysayan."
Kasaysáyan[1][a] ang sistematikong pag-aaral at pagdodokumento sanakaraan. Madalas tumutukoy ito sa nakaraan matapos ang pag-imbento sapagsulat; ang panahon bago ang puntong ito ay tinatawag naman naprehistorya. Para malaman ng mgahistoryador ang mga kaganapan sa nakaraan, naghahanap sila at pinag-aaralan angmga mapagkukunang nila ng impormasyon, tulad ng mga nakasulat na dokumento, pasalitang paglalarawan,sining, at materyal naartipakto, gayundin ang mga iniwang bakas sakalikasan.[3] Dahil patuloy na gumagalaw angoras, hindi makukumpleto ang kasaysayan, at hindi kailanman makukuha ng mga historyador ang kumpletong larawan patungkol sa isang pangyayari nang walangkiling.
Isanglarangan ang kasaysayan na gumagamit ngnaratibo upang mailarawan, maipaliwanag, kwestyunin, at suriin ang mga pangyayari sa nakaraan, pati na rin ang pag-imbestiga sa kahalagahan at ang sanhi at bunga ng naturang pangyayari sa isang lugar o sa mundo. Pinagdedebatehan ng mga historyador angkalikasan ng kasaysayan, at ang silbi nito sa paghugis sa mga problema sa kasalukuyan.[4]
Madalas ginugrupo bilang mgapamanang kultural ang mga kuwentong karaniwan sa isang kultura, tulad halimbawa ng mgakuwentong-bayan kagaya ng kayHaring Arturo sa Britanya at ang kuwento ngSampung Datu ng Borneo sa Pilipinas.[5] Iba ang kasaysayan mula samito dahil sa pagkakaroon nito ng mgaebidensiyang mapapatunayan. Malawak ang modernong pag-aaral ng kasaysayan, mula sa malalawak na paksa tulad ngkasaysayan ng sangkatauhan hanggang sa mga napakatiyak tulad ng kasaysayan ng isang lungsod. Bahagi ito ngayon ng kurikulum ng maraming mga bansa sa mundo, at tinuturo bilang asignatura sa mababa at mataas na edukasyon, gayundin bilang isang kursong inaalok ng mga pamantasan.
SiHerodoto ang kinokonsiderang "Ama ng Kasaysayan" dahil siya ang itinuturing na unang historyador ngKanluraning Mundo.[6] Kinekredit siya pati na rin ang kontemporaryo niyang siTucidides bilang mga nagpasimula sa kasaysayan bilang isang lehitimong pag-aaral sa Europa. Samantala, saSilanganing Mundo, nakasulat saMga Tala ng Tagsibol at Taglagas ang opisyal na 241 taong kasaysayan ngEstado ng Lu (ngayo'y bahagi ngTsina), bagamat maliit na bahagi na lang nito ang nananatili sa kasalukuyan.
Galing sa "sanaysay" ("kuwento") ang salitang "kasaysayan," na nagmula naman sa salitang "saysay" ("pahayag").[1] Ang pagkakaroon ngpanlapingkabilaan na "ka-...-an" sa salita ang nagpapahiwatig na isa itongpangngalangkolektibo, sa kahulugang "koleksyon ng mga kuwento." Samantala, galing naman sawikang Kastila ang salitang "historya".[2] Nagmula naman ito sasinaunang wikang Griyego nahistoría (Ancient Greek:ἱστορία,romanisado: historíā,lit. 'paliwanag').[7] Sa ganitong pananaw isinulat niAristoteles ang kanyang akdangKasaysayan ng mga Hayop.[8] Ang ninunong salita nito,ἵστωρ, ay makikita samga himno niHomer, kayHeraklito, sa panunumpa ng mgaephebos ngAtenas, at sa mga kasulatang sa rehiyon ngBoeotia; ginamit ito sa pananaw na "manghusga." Hiniram ang salitang ito sawikang Latin bilanghistoria ("imbestigasyon", "paliwanag", o "naratibo"), na kalaunan ay hiniram din ngmga wikang Romanse katulad ng wikang Kastila,Pranses, atIngles. Nagmula sawikang Anglo-Norman ang salitang Ingles nahistory, kung saan una itong lumabas saGitnang Ingles sa pananaw na "kuwento"; ang modernong salitang Ingles nastory ay nagmula rin sa salitang ito.[9] Ang modernong kahulugan nghistory ay nagmula saRenasimiyento, kung saan ginamit niFrancis Bacon ang kahulugan nito sa wikang Griyego upang ilarawan anglikas na kasaysayan.[9]
Ginagamit ang punto ng pagkaimbento sapagsulat bilang ang simula ng kasaysayan ng isang lugar. Ito ay dahil kinakailangan ng pisikal na ebidensiya ang kasaysayan, at hindi ito matutupad nang walang rekord na nakasulat, tulad halimbawa ng mgahiroglipiko sasinaunang Ehipto. Ang panahon bago ito ay tinatawag naprehistorya (lit. na'bago ang kasaysayan'). Hindi pantay-pantay kung kailan nagsimula ang kasaysayan at nagtapos ang prehistorya, dahil sa iba't ibang punto ng panahon naimbento ang pagsulat sa iba't ibang kabihasnan. Bukod dito, ginagamit rin ang salitang prehistorya upang tukuin ang panahon bago ang unang beripikadong rekord na nakasulat. Halimbawa, angInskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna ay tinatayang nagawa noong 900 KP.[10] kaya naman ito ang ginagamit na batayan sa hangganan ngkasaysayan ng Pilipinas at angprehistorya nito. Mas maagang nagsimula ang kasaysayan sa ibang lugar, lalo na sa mga lambak-ilog ngTigris-Euphrates,Indus, atYangtze, kung saan may mga nakasulat na'ng rekord simula pa noong 5000 BKP.
Historiograpiya ang tawag sa pag-aaral sa mga paraan na ginagamit ng mga historyador sa pagsusuri sa kasaysayan. Maaari rin itong tumukoy sa koleksyon ng mga magkakatulad na gawa patungkol sa isang paksa. Kadalasang patungkol ito sa paksa; halimbawa, anghistoriograpiya ng Pilipinas at ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Maaari rin itong patungkol sa isang bahagi ng pag-aaral sa kasaysayan, tulad halimbawa ngkasaysayang pampulitika atkasaysayang panlipunan. Simula noong ika-19 na siglo, ang pag-aaral sa historyograpiya ay binigyang-pansin, bagamat may mga iilang panitikang nagawa bago ito. Pinakasikat sa mga ito angAng Kasaysayan niHerodoto atMga Tala ng Dakilang Historyador oShiji, na ginawa niSima Qian. Noong ika-20 siglo, nagsimula namang isama ng mga historyador ang pananaw na panlipunan sa kanilang mga historiograpiya, tulad ngpolitika,ekonomiya, atkultura.[11]
SaEuropa, nagsimula ang pagdebelop sa mga kaparaanan simula noong panahon niHerodoto, kung saan isinulat niya angMga Kasaysayan ukol saDigmaang Griyego-Persyano. Para dito, tinagurian siyang "Ama ng Kasaysayan." Samantala, isinulat naman niTucidides, isang kontemporaryo ni Herodoto, angKasaysayan ng Digmaang Peloponisos. Di tulad ni Herodoto, itinuring ni Tucidides na produkto ang kasaysayan ng mga gawain at mga piniling landas ng sangkatauhan, hindi isang resulta ngsupernatural na pangyayari.[12] Binigyang-diin niya ang kronolohiya ng mga pangyayari nang walang pagkiling. Naniwala ang mga historyador ngsinaunang Gresya, kabilang silang dalawa, sa ideya naumuulit ang kasaysayan.[13]
Samantala, sopistikado na ang larangan nghistoryograpiya sasinaunang Tsina. Nagsimula ito sa historyador ng korte na siSima Qian, ang may-akda ngMga Tala ng Dakilang Historyador (Shiji). Pagsapit naman ngGitnang Kapanahunan sa Europa, naging maimpluwensya ang mga gawa niAgustin ng Hipona sa mundo ng Kristiyanismo at ng kaisipang Kanluranin. Madalas pinag-aaralan ang kasaysayan sa panahong ito sa pananaw ng relihiyon. Nagbago ito pagsapit ng ika-19 na siglo, nang nagsimulang magpokus ang mga historyador sa pilosopiya tulad ng kayGeorg Wilhelm Friedrich Hegel, at naging mas sekular.[14]
Sa aklat naMuqaddimah (1377), nagbabala ang may-akda nitong siIbn Khaldun sa pitong kamalian ginagawa diumano ng mga historyador. Ayon sa kanya, magulo ang nakaraan kaya dapat itong masusing pag-aralan. Kontra siya sa mga nakatalang supernatural na haka-haka at sa hindi paggamit ng datos ng kasaysayan. Nagmungkahi siya ng kaparaanan sa pag-aaral sa kasaysayan na katulad halos ngpamamaraang makaagham na maiimbento sa Europa sa mga sumunod na siglo. Ito ang nagbigay-daan sa kritikal na pag-aaral sa gampanin ng propaganda, estado, komunikasyon, at sistematikong pagkiling sa kasaysayan; dahil rito, itinuturing siyang "ama ng historyograpiya".[15][16]
Sa Kanluraning Mundo, nagsimulang madebelop ang modernong historyograpiya noong ika-17 at ika-18 siglo sa Pransiya at Alemanya. Bagamat may mga historyador sa panahong ito na nangangahad na gawing maagham ang pag-aaral sa kasaysayan, tulad niHenry Thomas Buckle, laganap ang ideya niLeopold von Ranke patungkol sa larangan sa panahong ito. Ayon kay Ranke, dapat maingat na kolektahin ang mga datos ng kasaysayan, at suriin ito nang kritikal at mabuti.[17] Pagsapit ng ika-20 siglo, nagsimulang lumayo ang mga historyador sa pagtrato sa kasaysayan bilang mga pangyayari na resulta ng mga "dakilang tao" o pokus sa mga mala-epikong sanaysay patungkol sa isang bansa sa lente ngnasyonalismo. Imbes, nagpokus na sila sa aspetong panlipunan ng kasaysayan. Nagbigay-daan ito upang ituring bilang isangagham panlipunan ang kasaysayan, di kagaya noon na isangsining ang tingin sa larangan.[18]
Madalas hatiin ng mga historyador ang kasaysayan sa mga maliliit na bloke ng panahon. Binibigyan nila ng mga pangalan ito (hal.Panahon ng Pagtuklas,Gitnang Kapanahunan) upang mas mapadali ang pagtukoy sa isang partikular na pangyayari.[19] Bagamat may mga pangkalahatang pangalan ang binibigay sa mga panahon sa kasaysayan ng mundo, hindi ito pare-pareho sa iba't ibang panig ng mundo. Ginagamit madalas angsiglo atdekada sa pagpepetsa sa mga bloke, depende sa ginagamit nasistema (hal. KP saKaraniwang Panahon at BKP saBago ang Karaniwang Panahon). Ginagamit din ang periodisasyon saprehistorya, bagamat saklaw ito ngarkeolohiya.[20]
Heograpiya
Simula ng pag-aaral ng kasaysayan ang pagpili sa partikular na lugar na magiging saklaw ng pag-aaralan. Halimbawa, kasaysayan ng isang kontinente, bansa, o lungsod. Mahalaga ito upang mabigyan ng konteksto ang mga pangyayari. Malaking bagay ang panahon, lokasyon ng tubig at ang kalupaan ng lugar sa pag-aaral sa mga pangyayaring naganap doon. Halimbawa, nagsimula ang mga unang sibilisasyon malapit sa mga ilog, tulad ngIlog Nilo, na nagbigay-daan upang magkaroon dito ng isang malakas na sibilisasyon sa lugar. Dahil sa taunang pagbaha, hindi masyadong kailangan ng maraming magsasaka, kaya naman nagkaroon ng ibang mga trabaho.
Narito ang mga pahina patungkol sa mga kasaysayan sa mga kontinente ng mundo:
Saklaw ng kasaysayang politikal ang pag-aaral sa politika ng isang lugar, at ang epekto nito sa pangkalahatang kasaysayan sa lugar. Pinag-aaralan dito ang mga organisasyon at operasyon ng kapangyarihan sa mga lipunan.
SiLeopold von Ranke ang nagpasimula sa maagham na pag-aaral sa kasaysayan ng politika. Mahalagang aspeto angideolohiya sa pag-aaral, at nakapokus ito madalas sa mga pinuno at mahahalagang tao at ang kanilang desisyon. Gayunpaman, mula dekada 1960s, nagsimulang humina ang pag-aaral dahil sa mga pag-angat ng ibang mga katulad na larangan tulad ng kasaysayang panlipunan at kultural, na nagpokus naman sa lipunan.
Pinag-aaralan sakasaysayang militar angdigmaan, estratehiya, labanan, sandata, at ang sikolohiya ng pakikipaglaban. Saklaw din nito ang pag-aaral sa mga doktrina, taktika, at dahilan ng pakikipagdigmaan. Bagamat nakapokus ang pag-aaral sa mga heneral at komander ng mga labanan, sa modernong panahon, nagpopokus ang mga historyador sa mga sundalong lumaban at ang epekto ng mga digmaan sa kasalukuyan at hinaharap.
Mahalagang tema sa mga historyador ang pag-aaral sa kasaysayan ng mga rehiliyon. Matagal na'ng nakatala ang depiksyon ng relihiyon ng sangkatauhan. Gayunpaman, ang konsepto ng "relihiyon" ay nabuo noong ika-16 at ika-17 siglo. Pinag-aralan ng mga iskolar ang mga banal na teksto ng mga relihiyon, tulad ngBibliya atKoran. Malaki ang saklaw ng pag-aaral, mula sa kaligirang politikal nito hanggang sateolohiya atliturhiya.
Angkasaysayang panlipunan ay ang sangay ng kasaysayan na nakatuon sa ordinaryong tao. Dinodokumento nito ang buhay ng mga lipunan mula sa konteksto ng kabuuang kasaysayan ng lugar. Una itong sumikat noong dekada 1960s kasabay ng mga pagbabagong naganap sa dekadang yon, bagamat ang pinagmulan nito ay maaaring nagsimula pa isang siglo bago ito. Bago ang dekadang ito, tipikal na tinutukoy ng kasaysayang panlipunan ang mga popular na kilusan na kontra sa may kapangyarihan, tulad halimbawa ngpopulismo.
Kasaysayang kultural ang sangay ng kasaysayan na nakatuon sa kultura ng isang lugar o lipunan. Malawak ang saklaw nito, at kabilang sa mga sangay na nasa ilalim nito angkasaysayan ng sining atmusika. Bukod dito, sakop din nito ang pagtatala sa mga seremonya, paniniwala, at kaugalian ng mga tao sa isang lipunan.[21]
Nakatuon angkasaysayang diplomatiko sa relasyon ng mga bansa, lalo na sadiplomasya at sa mga sanhi ng digmaan. Inilalarawan nito ang kasaysayan sa pananaw ng estratehiya sa mga relasyong panlabas ng mga bansa bilang ang sanhi ng mga pagbabago sa kasaysayan. Ayon kayMuriel Chamberlain, matapos angUnang Digmaang Pandaigdig, "pinalitan ng kasaysayang diplomatiko ang kasaysayang konstitusyonal bilang ang simula ng mga imbestigasyong pangkasaysayan, na noo'y ang pinakamahalaga, ang pinakatiyak at sopistikado sa lahat ng mga pag-aaral sa kasaysayan."[b][22] Dagdag niya, matapos angIkalawang Digmaang Pandaigdig, pinalitan rin ito kalaunan ngkasaysayang panlipunan.
AngGDP ng mundo kada kapita World GDP mula 1400 hanggang 2003.
Bagamat itinuturing na bilang sangay angkasaysayang pang-ekonomiya simula pa noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, mas kumikiling na sa ngayon ang pag-aaral sa ekonomiya sa konteksto ng ekonomiya at hindi sa tradisyonal na pag-aaral sa kasaysayan.[23] Kalapit na sangay nito angkasaysayang pangnegosyo, na nag-aaral naman sa kasaysayan ng mga kumpanya, organisasyon, at negosyo sa isang lugar. Mas madalas itong itinuturo sa mga paaralang pangnegosyo.[24]
Maituturing na bago ang pag-aaral salikas na kasaysayan, na pormal na naging sangay noong dekada 1980s.[25] Pinag-aaralan nito ang interaksyon ng sangkatauhan sa kalikasan sa paglipas ng panahon, at ang epekto nito sa kabuuang kasaysayan. Una itong seryosong pag-aralan saEstados Unidos bilang resulta ng mgakilusang pangkalikasan na unang umusbong noong dekada 1960s. Bagamat nagsimula ito bilang resulta sa mga problema sa kalikasan tulad ngpag-init ng daigdig, lumawak ang saklaw nito upang maisama ang populasyon, lungsod, at ang padebelop nglikas-kaya sa mga ito.[26]
Pinag-aaralan sapandaigdigang kasaysayan ang mga pangunahingkabihasnan ng nakalipas na 3000 taon. Di tulad ng ibang mga sangay ng kasaysayan, isa itong sangay na panturo at hindi pampananaliksik. Sumikat ang sangay na ito saEstados Unidos atHapon noong dekada 1980s bilang resulta ng unti-unting pag-usbong ngglobalisasyon.[27][28]
Unang umusbong ang kasaysayang intelektuwal at ang kaugnay nitong kasaysayan ng mga ideya noong ika-20 siglo. Nagpopokus ito sa mgaintelektuwal at ang kanilang mga ideya at aklat, gayundin sa mgaideya bilang isang hiwalay na bagay.[29][30]
Isang malawak na sangay ng kasaysayan angkasaysayang pampubliko, na kalimitang pinapraktis ng mga taong may kaunti o di pormal na pagsasanay sa kasaysayan at labas sa akademiya. Una itong umusbong noong dekada 1970s sa Estados Unidos at Canada, at naging propesyonal ito kalaunan. Ilan sa mga lugar na tipikal na saklaw nito ang mgapook pangkasaysayan, lugar ng mga labanan,museo, mgapelikula, at simula noong ika-21 siglo, sainternet.[32]
Historyador o mananalaysay ang tawag sa mga taong nag-aaral ng kasaysayan at kinokonsiderang ekaperto patungkol rito. Pinag-aaralan nila ang mga pangyayari sa nakaraan ng sangkatauhan gamit ang samu't saring mga metodolohiya. Bagamat maraming tao ang nagtala ng mga pangyayari sa nakaraan, noon lamang ika-19 na siglo nagsimulang tawagin ang mga taong ito bilang mga historyador, sa kasagsagan ng paglago ng pananaliksik sa mga pamantasan saAlemanya at sa mga karatig-lugar nito.
Seudohistorya ang tawag sa anyo ng kasaysayan na sadyang binabago o minamanipula upang iabante ang isang ideya, paniniwala, o agenda. Madalas itong gumagamit din ng mga kaparehong kaparaanan sa pagkolekta ng kasaysayan ng mga iskolar. Kaugnay ito saseudosiyensiya atseudoarkeolohiya. Ginagamit rin nito ang mga nakakagulat na paratang o isangmalawakang kasinungalingan (English:big lie) upang ipamukha na mali ang bersyon ng kasaysayang tinatanggap ng maraming iskolar bilang mga tunay na naganap. Kalimitang tumataliwas ito sa mga ebidensiya, at umaasa sa ideya ng kawalang kasiguraduhan sa mga naganap sa nakaraan. Halimbawa ng mga sikat na seudohistorya ay angNawalang Sanhi ngKompederasiya saEstados Unidos at angpagtanggi saHolokausto, gayundin saginto ni Yamashita at angkodigo ni Kalantiaw sa Pilipinas.
Pagtuturo
Mga ibinebentang aklat ng kasaysayan sa isang tindahan ng mga aklat.
Iba ang kaso saAlemanya. Sentro ang Alemanya sa dalawang pandaigdigang digmaan noong ika-20 siglo at responsable saHolokausto. Matapos ang digmaan, nahati ito sa dalawanf bahagi sa kasagsagan ngDigmaang Malamig, hanggang noong 1990, nang muli itong naging isa. Dahil rito, kontrolado ng 16 estado ang kurikulum ng kasaysayan at maituturing na makakapayapaan at sadyang hindi makabayan. Naging resulta ito sa pagmamaliit ng mga aklat sa ideya ngpatriotismo at mas pinapaboran ang ideya ngdemokrasya,progreso,karapatang pantao,kapayapaan, at pagka-Europeo.[40]
↑Orihinal na sipi: "diplomatic history replaced constitutional history as the flagship of historical investigation, at once the most important, most exact and most sophisticated of historical studies"
↑Richard J. Evans (2001)."The Two Faces of E.H. Carr" [en].History in Focus (sa wikang Ang Dalawang Mukha ni E. H. Carr). University of London.Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2011. Nakuha noong13 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: unrecognized language (link)
↑Halsall, Paul."Herodotus" [Herodoto].Internet History Sourcebooks Project (sa wikang Ingles). Fordham University.Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2020. Nakuha noong13 Abril 2024.
↑Joseph, Brian; Janda, Richard, mga pat. (2008) [2004].The Handbook of Historical Linguistics [Handbook ng Lingguwistikang Pangkasaysayan] (sa wikang Ingles). Blackwell Publishing. p. 163.ISBN978-1405127479.
↑Ferrater-Mora, José (1994).Diccionario de Filosofia [Diksiyonaryo ng Pilosopiya] (sa wikang Kastila). Barcelona: Editorial Ariel.
↑9.09.1"history, n.".OED Online (sa wikang Ingles). Oxford University Press. 9 Marso 2015.
↑Lamberg-Karlovsky, C.C.; Jeremy A. Sabloff (1979).Ancient Civilizations: The Near East and Mesoamerica. Benjamin-Cummings Publishing. p. 5.ISBN9780881338348.
↑Lamberg-Karlovsky, C.C.; Jeremy A. Sabloff (1979).Ancient Civilizations: The Near East and Mesoamerica [Mga Sinaunang Kabihasnan: Ang Malapit na Silangan at Mesoamerika] (sa wikang Ingles). Benjamin-Cummings Publishing. p. 6.ISBN9780881338348.
↑Mowlana, H. (2001). "Information in the Arab World" [Impormasyon sa Mundong Arabo].Cooperation South Journal (sa wikang Ingles).1.
↑Enan, Muhammed Abdullah (2007).Ibn Khaldun: His Life and Works [Ibn Khaldun: Kanyang Buhay at Gawa] (sa wikang Ingles). The Other Press. p. v.ISBN9789839541533.
↑Chamberlain, Muriel (1988).Pax Britannica? British Foreign Policy 1789–1914 [Pax Britannica? Patakarang Panlabas ng Britanya 1789-1914] (sa wikang Ingles).
↑Whaples, Robert (Abril 2010). "Is Economic History a Neglected Field of Study?" [Hindi ba Pinapansin ang Pag-aaral sa Kasaysayang Pang-ekonomiya?].Historically Speaking (sa wikang Ingles).11 (2).
↑Amatori, Franco; Jones, Geoffrey, mga pat. (2003).Business History Around the World [Kasaysayang Pangnegosyo sa Iba't-ibang Panig ng Mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 19 Hunyo 2009.
↑MacEachern, Alan; Turkel, William J., mga pat. (2009).Method & Meaning in Canadian Environmental History [Paraan at Kahulugan sa Likas na Kasaysayan ng Canada] (sa wikang Ingles).Toronto: Nelson Education.ISBN978-0-17-644116-6.
↑Akita, Shigeru (Tagsibol 2010). "World History and the Emergence of Global History in Japan" [Pandaigdigang Kasaysayan at ang Pag-usbong ng Pandaigdigang Kasaysayan sa Hapon].Chinese Studies in History (sa wikang Ingles).43 (3): 84–96.
↑Horowitz, Maryanne Cline, pat. (2004).New Dictionary of the History of Ideas [Bagong Diksiyonaryo ng Kasaysayan ng mga Ideya] (sa wikang Ingles). Bol. 6.
↑Jason Nicholls, pat. (2006).School History Textbooks across Cultures: International Debates and Perspectives [Mga Aklat ng Kasaysayan sa mga Paaralan sa iba't-ibang Kultura: Mga Pandaigdigang Debate at Pananaw] (sa wikang Ingles).
↑Claudia Schneider (Mayo 2008). "The Japanese History Textbook Controversy in East Asian Perspective" [Ang Kontrobersiya sa mga Aklat ng Kasaysayan sa Hapon sa Pananaw ng Silangang Asya].Annals of the American Academy of Political and Social Science (sa wikang Ingles).617: 107–122.
↑Guillory, John (2015).The Common Core and the Evasion of Curriculum [Ang Karaniwang Nilalaman at ang Pagsalakay sa Kurikulum] (sa wikang Ingles). Bol. 130. PMLA. pp. 666–672.