Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Madonna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Madonna
Si Madonna sa unang gabi ng I Am Because We Are
Si Madonna sa unang gabi ngI Am Because We Are
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakMadonna Louise Ciccone
Kilala rin bilangMadonna Louise Veronica Ciconne Ritchie ,
Madonna
Kapanganakan (1958-08-16)16 Agosto 1958 (edad 66)
Bay City,Michigan,Estados Unidos
PinagmulanLungsod ng New York,Estados Unidos
GenrePop,sayaw,electronika,urbanong kontemporaryo
TrabahoSinger-songwriter,musikero,prodyuser ng rekord,prodyuser ng pelikula,disenyador ng moda ng damit,mananayaw,manunulat,aktres,direktor
Instrumentotinig,gitara,perkusyon
Taong aktibo1979–kasalukuyan
LabelArtist Nation (2008)
Warner Bros. (1982–2008)
Maverick (1992–2004)
Sire (1982–1994)
Websitewww.madonna.com

SiMadonna Louise Ciccone Ritchie (ipinanganak 16 Agosto 1958), na kilala bilangMadonna, ay isangAmerikanongrecording artist atentertainer. Ipinanganak saBay City, Michigan at pinakalaki saRochester Hills, Michigan, si Madonna ay lumipat saLungsod ng New York para sa karera sa pagsayaw ngmodern dance. Pagkatapos ng kanyang pagtatanghal bilang kasapi ng grupong pop musikal naBreakfast Club at Emmy, inilabas niya ang kanyangsariling pangalang album noong 1983, at nakapagprodus ng tatlong magkakasunod #1 na mgastudio album saBillboard 200 noong dekada '80 at apat pang karagdagan simula noong 2000.[1] Noong 1992, itinayo niya ang isang kompanya, angMaverick, kung saan naglimbag ng aklat ng mga larawang (Sex (aklat)|Sex). Naglabas din siya ng isang studio album, angErotica at pinagbidahan ang pelikulangBody of Evidence na may temang erotiko. Ang gawa niyang ito ay gumawa ng negatibong publisidad at nagpabagsak sa kanyang kita noong dekada '90.[2] Ang karera ni Madonna ay muling sumigla noong 1998, nang ilabas niya ang kanyang album naRay of Light.

Si Madonna ay lumabas sa 22 mga pelikula. Subalit karamihan dito ay pumalya,[3] nanalo naman siya ngGolden Globe Award para sa pagganap niya sa pelikula noong 1996 naEvita. Siya ay diborsiyado sa aktor na siSean Penn, at noong 1996 ay nagdalantao sa kanyang anak na babae na si Lourdes Maria (na kilala rin bilang Lola) sa kanyang personal na tagasanay na siCarlos Leon bago siya nagpakasal sa direktor ng pelikula na siGuy Ritchie noong 2000. Sina ni Ritchie ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Rocco at David Banda, isang batang taga-Malawi na kanilang inampon noong 2006, na nagdulot ng mga alegasyon sa media na nilabag nila ang batas sa pag-aampon sa Malawi. Si Madonna at Ritchie ay nagsampa ng kasong diborsiyo noong Oktubre 2008.

Si Madonna ay sinabing "isa sa mga pinakamahusay na artistang pop ng lahat ng panahon" at binansagang "Reyna ng Pop".[4][5][6] Siya ay nirango ngRecording Industry Association of America bilang isa sa pinakamabentang babaeng artistang rock ng ikadalawampung siglo at ikalawang pinakamataas makabentang babaeng artista saEstados Unidos na may 63 milyonsertipikadong mga album.[7][8] Tinala siya ngGuinness World Records bilang pinakamatagumpay na babaeng rekording artist ng lahat ng panahon at ang pinakamataas kumitang babaeng mang-aawit sa daigdig na may tinatayang halaga na US$490 milyon, na nakabenta ng 200 milyon rekord sa buong mundo.[9][10][11][12]

Karera

[baguhin |baguhin ang wikitext]

1958-1981: Pagkabata at ang simula ng karera

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Si Madonna ay ipinanganak bilang Madonna Louise Ciconne saLungsod ng Bay, Michigan. Ang kanyang ina na si Madonna Louise (Fortin, noong dalaga pa), ay mula sa lahing Pranses-Kanadyano, at ang kanyang ama si Silvio "Tony" P. Ciconne, ay mula sa unang henerasyon ng mgaItalyanong Amerikanong mga inhinyero saChrysler/General Motors na ang mga magulang ay nagmula saPacentro,Abruzzo,Italy.[13][14] Si Madonna ay ikatlo sa anim na magkakapatid; ang kanyang mga kapatid ay sina, Martin, Anthony, Paula Mae,Christopher, at Melanie.[15]

Si Madonna ay pinalaki sa suburb ngPontiac, Michigan ngDetroit at sa Avon Township (na tinatawag ngayongRochester Hills, Michigan). Ang kanyang ina ay namatay dahil sakanser sa suso sa edad na 30 noong Disyembre 1. 1963. Ang kanyang ama ay pinakasalan ang kasambahay ng pamilya, si Joan Gustafson, at nagkaroon sila ng dalawang anak: sina Jennifer at Mario Ciccone. Ayon kay Madonna hindi niya raw matanggap ang kanyang ina noong kabataan niya.[16] Hinimok ni Madonna ang kanyang ama na payagan siya na mag-aral ngballet. Nag-aral siya sa St. Frederick's Elementary School at sa St. Andrews Elementary School (na ngayon ay ang Holy Family Regional) at sa West Middle School. Nag-aral din siya saRochester Adams High School, at naging estudyanteng na puro markang A at naging kasapi ngcheerleading squad. Nakatanggap ng iskolarsip si Madonna saPamantasan ng Michigan pagkatapos niyang makapagtapos sa Mataas na Paaralan.[17]

Nahikayat si Madonna ng kanyang guro sa ballet na ipursige niya ang kanyang karera sa pagsasayaw, kaya iniwan niya ang kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Michigan noong huling bahagi 1977 at nagtungo saLungsod ng Bagong York.[18] Kaunti lamang ang salapi ni Madonna noon at minsang tumira sa iskwater, nagtrabaho saDunkin' Donuts kasama ang mgamodern dance troupes.[19] Sinabi ni Madonna na ang pagpunta niya sa Bagong York ay ang kanyang unang pagkakataon na makasakay ng eroplano, unang pagkakataon na makasakay sa taksi, na may dala dala lamang na $35 sa kanyang bulsa. Iyon ang kanyang pinakamatapang na bagay na nagawa.[20] Habang nagtatanghal bilang mananayaw sa isang Pranses na artistang pandisko na siPatrick Hernandez noong world tour nito noong 1979,[21] si Madonna ay nagkaroon ng relasyon sa musikerong si Dan Gilroy, kung siya ring nakasama niya sa binuo niyang kauna-unahang bandang rock. angBreakfast Club sa Bagong York.[22] Doon ay kumakanta at tumutugtog siya ng gitara at tambol bago niya binuo ang bandang Emmy noong 1980 na may isang drummer at kasama ang kanyang dating nobyo na siStephen Bray.[23] Siya at si Bray ay sumulat at nagprodus ng mga awiting pangsayaw na napansin ang atensiyon ng mga lokal sa mga dance club sa Bagong York. Namangha angDisc jockey at rekord produser na siMark Kamins sa kanyang mga rekord na demo, kaya dinala niya si Madonna sa atensiyon niSeymour Stein, ang nagtatag ngSire Records.[24]

1982–1985: AngMadonna atLike a Virgin

[baguhin |baguhin ang wikitext]
si Madonna sa Live Aid sa JFK Stadium

Noong 1982, lumagda si Madonna sa isang kasunduansingles saSire Records, isang label na kabilang saWarner Bros. Records.[25] Ang kanyang unang labas na awit noong 24 Abril 1982, ay ang "Everybody"[26] Ang kanyang unanng album,Madonna ay pangunahing prinodus niReggie Lucas.

Ang paraan ng pananamit, pagkilos, pagtatanghal at pagkilos ni Madonna sa kanyang mga music video, ay naging maimpluwensiya sa mga kababaihan. Ito ay nilalarawan ng mga lace tops, mga palda sa ibabaw ng mga pantalong capri, mgafishnet stockings, mga alahas na may krus, at pagkukulay ng buhok, at naging uso sa mga pananamit ng mga kababaihan noong dekada '80.[27] Ang kanyang sumunod na album, angLike a Virgin, ay naging unangnumber one na album niya saU.S. albums chart;[28] Ang tagumpay ng album ay dahil sa sikat na awit na "Like a Virgin", na naabot ang ikaunang pwesto sa Estados Unidos, at tumagal na anim na linggo sa pwestong iyon.[21] The album sold 12 million copies worldwide, eight of which in the U.S.[29] Itinanghal niya ang awit na ito sa kauna-unahangMTV Video Music Awards, na suot-suot ang kanyang tanyag na sinturong "Boy Toy".[30] Ang awit naLike a Virgin ay itinala ngNational Association of Recording Merchandisers atRock and Roll Hall of Fame bilang isaDefinitive 200 Albums of All Time.[31][32]

Noong 1985, pinasok ni Madonna ang paggawa ng pelikula, na nagsimula sa saglit na paglabas bilang isang mang-aawit sa club sa pelikulangVision Quest. Angsoundtrack ng pelikula ay kinabilangan ng kanyang ikalawang #1 na single sa E.U ang "Crazy for You.[33] Sa huling bahagi ng taong ding iyon, siya ay lumabas saDesperately Seeking Susan. Ang pelikulang iyon ang nagpakilala sa awit na "Into the Groove", na naging #1 single niya sa Nagkakaisang Kaharian.[34]

Nagtungo si Madonna sa kanyang unangconcert tour sa Estados Unidos noong 1985 na pinamagatangThe Virgin Tour, kasama angBeastie Boys.[35] Noong Hulyo ng taong ding iyon, AngPenthouse atPlayboy ay naglimbag ng mga magasin na may mga hubad na larawan ni Madonna na walang kulay na kinuhaan noong huling bahagi ng dekada '70. Sinubukang harangin ito ni Madonna sa pamamagitan ng mga aksiyong legal, subalit nang siya ay mabigo kinakitaan siya ng walang pagpapakailam sa nangyari at naging palaban. Sa isang konsiyertong pangkawan- gawa ngLive Aid sa kainitan ng kontrobersiya, sinabi niya sa medya na hindi niya huhubarin ang kanyang dyaket dahil sabi niya na "baka gamitin ito sa aking pagkatapos ng sampung taon".[36]

1986–1991:True Blue,Like a Prayer at ang Blond Ambition Tour

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Inilabas ni Madonna ang kanyang ikatlong album, angTrue Blue, noong 1986, at sinabi ngRolling Stone na "ito ay akala mo talagang galing sa puso"..[37] Ang album ay kinabibilangan ng awit na "Live to Tell", na isinulat niya para sa pelikulangAt Close Range, na pinagbibidahan ng kanyang asawa noong panahong iyon na siSean Penn. AngTrue Blue any naglabas ng limangTop Five na single sa tsart ngBillboard: ang "Live to Tell", "Papa Don't Preach", "Open Your Heart", "True Blue" at "La Isla Bonita".[38] Noong taong din iyon, lumabas din si Madonna bilang bida sa pelikulangShanghai Surprise at lumabas sa teatro sa unang pagkakataon sa produksiyon niDavid Rabe naGoose and Tom-Tom, na parehong kasama si Sean Penn.[39]

Noong 1987, pinagbidahan ni Madonna angWho's That Girl, at nagbigay ng apat na awit para sa soundtrack nito; kasama dito angWho's That Girl at ang "Causing a Commotion".[40] Noong taong ding iyon, siya ay nagtungo sa kanyang Who's That Girl Tour. Dito nagsimula ang kanyang unang gulo laban saVatican, dahil inudyok ni PapaJuan Pablo II ang mga Italyanong fan na huwag puntahan ang konsiyerto nito.[41] Sa huling bahagi ng taon na iyon, naglabas si Madonnna ng remix album ng kanyang mga naunang mga awit, angYou Can Dance.

Noong 1989, lumagda si Madonna ng isang kasunduan upang iindorso ang produktong inumin ngPepsi. Una niyang inilabas ang kanyang bagong awit na "Like a Prayer", sa isang patalastas ng Pepsi at naglabas rin ng music video para dito. Ang video, na naglalaman ng maraming mga simbolong Katoliko gaya ngstigmata at mga nasusunog na krus, ay binatikos ng Vatican.[30] Dahil ang patalastas at ang music video nito ay labis na magkapareho, hindi agad nakumbinse ng Pepsi ang publiko na ang kanilang patalastas ay walang masamang pangangahulugan. Itinitigil nila ang patalastas at kinansela ang kontrata ni Madonna.[42]

Ang ikaapat na album ni Madonna, angLike a Prayer, na inilabas noong 1989, ay isinulat at prinodus ni Patrick Leonard at Stephen Bray.[43] Umabot sa #1 angLike a Prayer sa Album Tsart ng Estados Unidos at nabili ang pitong milyong kopya nito sa buong daigdig. na may apat na milyon dito ay nabili sa Estados Unidos pa lamang.[44] Ang album ay nakapaglabas ng tatlong single na umabot sa Top 5 ng mga Tsart: angLike a Prayer (ang kanyang ikapitong numero unong awit sa E.U.), ang "Express Yourself" at ang "Cherish".[38]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Frank, Lisa; Paul Smith.Madonnarama: Essays on Sex and Popular Culture. Cleis Press. pp. pg 91.ISBN 0939416727.{{cite book}}:|pages= has extra text (tulong)
  2. "Madonna Biography".Billboard.Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-20. Nakuha noong2008-01-03.
  3. Goodwin, Andrew.Dancing in the Distraction Factory: Music, Television and Popular Culture (ika-Hardcover (na) edisyon). Routledge. pp. pg 100.ISBN 0415091691.{{cite book}}:|pages= has extra text (tulong)
  4. "Madonna: Rolling Stone".Rolling Stone. 2008. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-01-19. Nakuha noong2008-04-29.
  5. Cross, Mary (2004).Madonna: A Biography. Canongate U.S.ISBN 0313338116.
  6. Morton, Andrew (2002).Madonna. Macmillan.ISBN 0312983107.
  7. "Top Selling Artists".RIAA. Nakuha noong2008-06-09.
  8. "The American Recording Industry announces its Artists of the Century".RIAA. 1999-11-10. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong2008-01-30.
  9. "How Will Madonna And Guy Split Their $$?". CBS News. 2008-10-16. Nakuha noong2008-11-02.
  10. Bowman, Edith (2007-05-26)."BBC World Visionaries: Madonna Vs. Mozart".BBC News. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-25. Nakuha noong2008-05-12.In 2000, Guinness World Records listed Madonna as the most successful female recording artist of all time.
  11. "Queen of Pop Madonna crowned highest earning female singer on earth".Daily Mail.Forbes. 2006-09-28. Nakuha noong2007-12-28.
  12. "IFPI Platinum Europe Awards: July & Agosto 2006".IFPI News. 2006-09-13. Inarkibo mula saorihinal noong 2006-11-04. Nakuha noong2007-12-14.
  13. Worrell, Denise."Now: Madonna on Madonna".Time magazine. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-06-12. Nakuha noong2008-06-05.
  14. "The child who became a star: Madonna timeline".Telegraph. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-04-23. Nakuha noong2008-06-09.
  15. "Madonna Biography".FOX News. Nakuha noong2008-06-05.
  16. "Madonna Biography: Patr 1".People. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong2008-05-29.
  17. "Madonna".Guardian. 2001-07-04. Nakuha noong2008-05-29.
  18. "A star with staying power".People in the news. CNN Programs.
  19. "Madonna: Queen of Pop".Biography. 5 minuto sa.The History Channel.
  20. "Madonna on coming to New York City to be a dancer".Mirror. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-15. Nakuha noong2008-05-29.
  21. 21.021.1"Madonna Biography".Music Atlas. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong2007-12-28.
  22. "Madonna Biography: Part 1".People magazine. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong2008-01-13.
  23. "Biography - Madonna".Rolling Stone. 2008. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-01-19. Nakuha noong2008-04-29.
  24. Taraborrelli, J. Randy.Madonna: An Intimate Biography. Simon & Schuster. p. 72.ISBN 0743228804.
  25. "Madonna, Beastie Boys Nominated For Rock And Roll Hall Of Fame".MTV news. 2007-09-27. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-05-03. Nakuha noong2008-05-29.
  26. Holden, Stephen."Madonna Makes a $60 Million Deal".New York Times. Nakuha noong2008-05-27.
  27. "History of Fashion".American Vintage Blues. Nakuha noong2008-06-09.
  28. Rettenmund, Matthew.Madonnica: The Woman & The Icon From A To Z. St. Martin's Griffin.ISBN 0312117825.
  29. Madonna: The Rolling Stone Files: The Ultimate Compendium of Interviews, Articles, Facts and Opinions from the Files of Rolling Stone. Hyperion Books.ISBN 0786881542.
  30. 30.030.1"Madonna - 10 moments that created an icon".MSN Live Earth. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-01-10. Nakuha noong2008-01-04.
  31. "Definitive 200".The Rock and Roll Hall of Fame and Museum. Nakuha noong2008-04-08.
  32. "The RS 500 Greatest Songs of All Time".Rolling Stone. Inarkibo mula saorihinal noong 2006-08-20. Nakuha noong2008-04-11.
  33. Chart Listing For The Week Of 13 Abril 1985Billboard Hot 100. Retrieved on 2008-05-28
  34. "Madonna scores 12th chart topper in the UK".BBC. Nakuha noong2008-06-09.
  35. Holly, Warren; George, Patricia Romanowski; Patricia Romanowski Bashe; Jon Pareles (2001).The Rolling Stone Encyclopedia of Rock & Roll (ika-Rev Upd (na) edisyon). Fireside. pp. 596.ISBN 0743201205.
  36. "Madonna Years".Lycos. Nakuha noong2008-06-10.[patay na link]
  37. "True Blue".Rolling Stone. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-10-23. Nakuha noong2008-05-29.
  38. 38.038.1Madonna singles Billboard chart performance.Allmusic. Retrieved on 29 Mayo 2008.
  39. "Madonna Biography". Tribute Entertainment Media Group. Nakuha noong2008-06-09.
  40. "Causing A Commotion: Chart Listing For The Week Of 12 Disyembre 1987".Billboard. Nielsen Business Media.Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-19. Nakuha noong2008-01-04.
  41. Smith, Neil."Show Stealer Madonna on tour".BBC News. Nakuha noong2008-02-12.and in Italy the Pope called for a boycott.
  42. "Madonna Biography".MyVillage. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-09-19. Nakuha noong2008-06-09.
  43. Like a Prayer (Audio CD). 1989.
  44. O'Brien, Lucy (2007).Madonna: Like an Icon. Bantam Press. pp. pg. 50.ISBN 0593055470.{{cite book}}:|pages= has extra text (tulong)
Mga Studio album
Mga Compilation
Mga EP
Mga Soundtrack
Mga Video compilation
Mga single na video
Live na nilabas
Mga tour
Mga pelikula
Mga dokumentaryo
Truth or Dare (akaIn Bed with Madonna)  · Sex(Launch Party Exclusive)  · I'm Going to Tell You a Secret  · I Am Because We Are
Madonna
"Everybody"  · "Burning Up"  · "Holiday"  · "Lucky Star"  · "Borderline"
Like a Virgin
True Blue
Who's That Girl
You Can Dance
Like a Prayer
I'm Breathless
The Immaculate Collection
Erotica
"Erotica"  · "Deeper and Deeper"  · "Bad Girl"  · "Fever"  · "Rain"  · "Bye Bye Baby"
Bedtime Stories
Something to Remember
Evita
Ray of Light
Music
American Life
Confessions on a Dance Floor
"Hung Up"  · "Sorry"  · "Get Together"  · "Jump"
Hard Candy
Celebration
Nga iba pang single
Mga single na pangtaguyod
"I Want You" (withMassive Attack)  · "Buenos Aires"(Remixes)  · "Impressive Instant"(The Peter Rauhofer Remixes)  · "Amazing"  · "Thunderpuss GHV2 Megamix"  · "Nobody Knows Me"(Remixes)  · "Into the Hollywood Groove" (withMissy Elliott)  · "Mother and Father"(Peter Rauhofer Re-Invention Remix)  · "Future Lovers/I Feel Love"(Live)  · "Music Inferno"(Live)
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Madonna&oldid=2121016"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp