MNL48 | |
---|---|
Pinagmulan | Maynila,Pilipinas |
Genre | |
Taong aktibo | 2018–present |
Label | Hallohallo Entertainment Inc. at ngABS-CBN |
Website | mnl48.hallohallo.com |
AngMNL48( Maynila 48 /Wikang Ingles:''Manila 48'' at binabasa din bilang:M.N.L. Forty-eight ) ay isang bandang binubuo ng mga kababaihan na may temangJ-pop idol at ang ika-apat nasangay ng grupongAKB48, matapos magkaroon angIndonesia ngJKT48, angSNH48 saTsina, at ngBNK48 saTaylandya. Ang pangalan ng grupo ayibinase sa lungsod ngMaynila, ang kabisera ngPilipinas. Ang MNL48 ay natatanging sangay ng AKB48 na binubuo ng eksaktong 48 na miyembro. MNL48 rin ang kauna-unahang idol group sa Pilipinas.
Noong ika-26 Marso 2016, ng pagkakabuo sa MNL48, BNK48, at TPE48 ay inanunsyo.[1]
Noong ika-13 Oktubre 2017, ang HalloHallo Entertainment ay nag anunusyo ng pag tatala sa mga nais sumali bilang unang henerasyon ng banda. Noong ika-10 Nobyembre 2017, ang HalloHallo Entertainment ay nag sagawa ng kauna-unahang awdisyon para sa unang henerasyon MNL48.[2]
Sa pagpasok ng 2018, ang MNL48 ay naging bahagi ng programangIt's Showtime sa pangungunahan ninaAnne Curtis,Billy Crawford, atKarylle na malaman kung sino ang binubuo para sa unang henerasyon ng grupo. Ito ay isang bahagi ng paghahanap para sa kauna-unahangFilipino idol group na ang pangalan ay nagmula sa kabisera ng Pilipinas. Nagsasagawa ito ng mga pag-audition sa buong bansa para sa kababaihan na may edad na 15-20 taong gulang. Libu-libong kababaihan ang nag-audition, ngunit 200 lamang ang nakausad para sa simula ng pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw sa loob lamang ng labing-tatlong linggo. Mula sa Top 200aspirants, ay nabawasan na sa Top 75 upang harapin ang pagboto sa publiko hanggang saPangkalahatang Halalan sa pamamagitan ngMNL48-Plus App na gawa ng HalloHallo Entertainment Inc. sa pakikipagtulungan ngABS-CBN at AKS, ang pinaka-matagumpay naentertainment agencies sa Japan. Mula Top 75, hanggang naging 48 na kababaihan na ang naging opisyal na miyembro ng grupo. Mula Top 48, magkakaroon na ang tinatawag naRanking System na hango saSenbatsu Sousenkyo na sistema ng AKB48. Ang Top 33-48 ay hihirangin bilangNext Girls, ang Top 17-32 ay hihirangin bilangUndergirls, at ang Top 16 ay hihirangin bilangSenbatsu. Mula sa Top 16, 7 kababaihan siguradong pasok bilangKami 7 na kung saan sila ay magigingfrontliners ng pag-peperform at kasama sa mga concerts ng AKB48 at iba pangsister groups sa buong mundo, at bibigyan din sila ng mga international endorsements at isang eksklusibong programa sa pagsasanay. At mula saKami 7 ang Top 1, ay hihirangin na bilangCenter Girl ngPangkalahatang Halalan at magiging mukha ng MNL48 sa buong mundo.
Noong ika- 22 Abril 2018,"Meet Your Oshimen". 300 mapapalad na mga nag-awdisyon ay nakadaupang palad ang mga miyembro ng AKB 48 na ginanap 17:00 saTriNoma 4th Floor Garden.
Sa ika- 28 Abril 2018, ang HalloHallo Entertainment ay iaanunsyo ang mga kauna-unahang miyembro ng MNL48.
Ang MNL48, ay katulad ngAKB48, ang bawat miyembro ay tinatawag na mga "Idolo"(Idols), na inaasahang magiging isang mabuting ihemplo para sa mga kabataan, ang kanilang imaheng masisiglaKyut / magaganda at bibo ay ang isang katangiang tatak ng banda, sa kabila ng karamihan sa mga tagahanga ay may-edad.
Sa ngayon ay gaganapin pa lamang ang pag pipili sa mga magiging unang henrasyon ng mga miyembro, na lahing ipinapalabas bilang isang segment sa pantanghaling palabas naIt's Showtime.Sa ngayon ay mayroong 75 finalist sa nakaraang general election.