Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Lutuing Taylandes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yam wun sen kung : isang maanghang na ensaladang Taylandes na maysotanghon atsugpo

Anglutuing Taylandes (Thai:อาหารไทย, RTGS : ahan thai,binibigkas [ʔāː.hǎːn tʰāj]) ay ang pambansanglutuin ngTaylandiya.

Binibigyang-diin ng lutong Taylandes ang mga gaan-handang pagkain na may mga napakasamyong sangkap at maanghang na katangian. Inobserba ni David Thompson, isang kusinerong Australyano at dalubhasa sa pagkaing Taylandes, na hindi kagaya ng karamihan ng mga ibang lutuin,[1] ang lutong Taylandes ay "tungkol sa pagbabalanse ng mga magkakaibang elemento upang lumikha ng pagkakasundo sa katapusan. Tulad ng isang komplikadong kuwerdas sa musika, kailangang makinis ang rabaw nito ngunit hindi mahalaga kung ano ang nangyayari sa ilalim. Hindi talaga kasimplihan ang sawikain dito."

Mayroong apat na kategorya sa tradisyonal na lutuing Taylandes humigit-kumulang:tom (mga pinakuluan),yam (mga ensaladang maanghang),tam (mga dinikdik na pagkain), atkaeng (mga kari). Pagpritong-lubog, paggisa at pagpapakulo ang mga pagluluto mula salutuing Tsino.[2]

Noong 2017, pitong pagkaing Taylandes ang lumabas sa talaan ngWorld's 50 Best Foods (50 Pinakanais na Pagkain sa Mundo), isang botohang online ng 35,000 katao sa buong mundo hatid ng CNN Travel. Daig ng Taylandiya ang lahat ng ibang bansa sa bilang ng pagkain na nasa listahan: tom yam kung (ika-4),pad thai (ika-5), som tam (ika-6), karing massaman (ika-10), karing berde (ika-19), sinangag Taylandes (ika-24) at nam tok mu (ika-36).[3]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Tucker, Ian (19 Setyembre 2010)."One night in Bangkok on the trail of Thai street food" [Isang gabi sa Bangkok sa landas ng Taylandes na pagkaing-kayle].The Observer (sa wikang Ingles). London.Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Disyembre 2013. Nakuha noong29 Oktubre 2013.
  2. Sukphisit, Suthon (22 Setyembre 2019)."Curry extraordinaire" [Ekstraordinaryong kari].Bangkok Post (sa wikang Ingles). Blg. B Magazine. Nakuha noong22 Setyembre 2019.
  3. Tim Cheung (2017-07-12)."Your pick: World's 50 best foods" [Pili mo: 50 pinakanais na pagkain sa mundo].CNN (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 8 July 2017. Nakuha noong2018-05-05.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Lutuing_Taylandes&oldid=2093997"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp