Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Lungsod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakaturo ang "City" dito. Para sa pamilya ng tipo ng titik, tingnan angCity (tipo ng titik).
Tokyo, isa sa mga pinakamalaking lungsod sa mundo.
Lungsod Quezon,Pilipinas.
Lungsod New York, ang pinakamalaking lungsod saEstados Unidos.

Anglungsod osiyudad ay isang pook na may makapal napopulasyon. Binubuo ito ng mgagusali obahay na pantirahan, pangindustriya at pangkalakal kasama ng mga gawaing pangangasiwa na maaaring makipagugnay sa isa pang malaking lugar. Mgalansangan,kalye at bahay ang malaking bahagdan ng isang lungsod.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga lungsod at bayan ay mayroong mahabang kasaysayan, kahit na ang mga opinyon ay nagkakaiba-iba kung ituturing na lungsod ang ibang mga sinaunang mga pamayanan.

Ang mga unang lungsod ay naitatag upang magsilbing sentro ngkalakalan para sa ikabubuti ng mgamamamayan na nabibilang dito. Ang mga unang bayan ay minsan nang itinuturing na mga malalaking pamayanan kung saan ang mga nakatira dito ay hindi na mga simplengmagsasaka ng isang lugar, kundi ay nagtrabaho na ng ibang mas mataas na trabaho kaysa magsasaka.

Sinaunang Panahon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mohenjo-daro, isa sa mga pangunahing lungsod noong sinaunang panahon.

Ang mga unang lungsod na naitatag sa daigdig ay matatagpuan saMesopotamya kagaya ngEridu,Uruk atUr, at saEhipto na matatagpuan saIlog Nile, saLambak ng Indus atTsina. Sa mga unang lungsod, angMohenjo-daro ng Lambak ng Indus ang isa sa mga pinakamalaki, at mayroong populasyon na 41,250, at ito rin ang isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa maraming larangan.

Ang paglago ng populasyon, ang pagkabuo ng mga imperyo na naka-tutok sa kapangyarihang pampolitika, at ang paglago ng komersyo at produksiyon ay nag-resulta sa pagpapatayo ng mas malaking mga kabiserang lungsod at sentro ng komersyo at industriya. Ang mga halimbawa ng kabiserang lungsod na ito ay ang lungsod ngAlexandria,Antioch atSeleucia ngsibilisasyong Helenistiko,Pataliputra ngIndia,Chang'an sa Tsina, atKartago sasinaunang Roma.

Gitnang Panahon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa kasagsagan ngGitnang Panahon saEuropa, ang isang bayan ay may pampolitika na pagkakakilanlan bilang koleksiyon ng mga kabahayan. Ang ibang mga lungsod, kagaya ngVenezia,Genova oLübeck, ay naging makapangyarihang mga estado. Minsan, ang mga lugar sa paligid nila ay sinakop nila at ipinailalim nila sa kanilang kapangyarihan.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Lungsod&oldid=2173486"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp