Ang glandulang lakrimal o glandula ng luha.Ang sistema ng luha. A) glandula ng luha / glandulang lakrimal B) pang-itaas na lakrimal napunctum o punktum {rehiyon ng butas o lagusan} C) pang-itaas na lakrimal na kanal o daluyang lakrimal D) sako o supot ng luha / sakong lakrimal E) pang-ibabang lakrimal na punktum o lagusan F) pang-ibabang lakrimal na kanal o daluyang lakrimal G) kanal o daluyang nasolakrimal {nasa may ilong}
Ang mgaluha ay ang lumalabas na likido mula sa glandulang lakrimal o glandula ng luha. Dumadaloy itong pababa habang nasa ibabaw ngmata obuliga (buong mata), na nagdurulot ng pamamasa ng mata, at dumadaloy din sa talukap ng mata. Nakapahuhugas ng mga dumi mula sa mga buliga ang mga daloy ng luha, at mayroon ding panlinis o antiseptikong katangian at kilos.[1] Tinatawag nalakrimasyon, mula sa Ingles nalacrimation olachrymation angproseso ng pagluha, at ginagamit din sa medikal o pampanitikang diwa para sapag-iyak. Maaaring humantong sa pagluha ang matitinding mga damdaming katulad ngkalungkutan okatuwaan, maging ang proseso ngpaghihikab. Bagaman mayroong sistema ng lakrimasyon o sistemang pangluha ang lahat ng panlupang mgamamalya upang mapanatiling mamasa-masa ang kanilang mga mata, ang tao ang nag-iisang mamalyang pangkalahatang tinatanggap na umiiyak ng mga luhang may damdamin.[2][3]