AngLos Angeles ay isanglungsod sa kanlurangCalifornia,Estados Unidos. Ang pangalan nito ay nanggaling sa Wikang Espanyol na Los Ángeles. Ang Los Angeles ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansang Estados Unidos sa populasyon. Ito rin ay isang importanteng lugar sa buong mundo at tanyag sa pangkabuhayan, kultura, at sa pang-aliw. Ito'y sumanib sa Estado ng California na isang siyudad sa ika-4 ng Abril, taong 1850. Ito rin ang nagsisilbing "county seat" para sa Los Angeles County. Ayon sa Census noong taong 2000, mayroon itong populasyon ng 3,694,820, ngunit noong nakalipas na ika-1 ng Mayo, taong 2005, angKagawarang Pinansiyal ng California ay may nabilang ng 3.95 milyong katao at ang "metropolitan area" ay nagkakaloob ng 17.5 milyong katao.
Kapag tinutukoy ang Los Angeles, marami sa mga naninirahan dito ay ang ibig sabihin ay ang "metropolitan area" nito. Dahilan dito, ang Los Angeles ay pangkasalukuyang naitatag sa marami na isang napakalaking lugar, at hindi iisa lamang lungsod. Pagdating naman sa heyograpiya, ito'y 465 square miles (1200 square kilometro),mas malaki pa kaysa saNew York atChicago.
Dalawang beses na rin naganap angOlympic Games sa Los Angeles noon 1932 at 1984. Ang lungsod ay tinatawag rin na isa sa mga pinakamoderno at pinakatanyag na lugar sa buong mundo. Ang lungsod ay kaakit-akit dahil sa klima nito, kaaya-ayang pamumuhay, sa pagkaiba nito, at ang oportunidad na makamit ang "Pangarap na Amerikano" o sa Ingles ay tinatawag na "American Dream".
Ang pampang ng Los Angeles ay tinirhan ng mgaTongva (o ng mga Gabrieleños),Chumash, at ng mga naunangKatutubong Amerikano sa loob ng mga libong taon. Ang mga unang Europeo na dumating noong 1542, na pinangunahan niJuan Cabrillo, isangPortuges na manlalakbay na umangkin sa lugar para sa Emperyong Espanyol ngunit hindi lumagi. Ang sumunod na pagdating ay 227 taon ang nakalipas nang si Gaspar de Portola, kasama ang Pransiskanong Pari na si PariJuan Crespi, ay naabot ang kasalukuyang Los Angeles noong 2 Agosto 1769.
Noong 1771, Si PariJunipero Serra ay nagpatayo ngMisyong San Gabriel Arcángel malapit sa Narrows na ngayo'y kalapit nasan Gabriel Valley. Noong 4 Setyembre 1781, isang grupo ng 52 maninirahan mula sa Bagong Espanya, ay nagtungo sa San Gabriel Mission para magtayo ng isang pamayanan sa gilid ngIlog Porciúncula (ngayon ay Ilog Los Angeles). Ang mga maninirahan na ito ay mgaFilipino,Indiyano at mga lahing Kastila, na kung saan dalawa't katlo nito ay mga mestiso.
Noong 1777, ang bagong Gubernador ng California, siFelipe de Neve, ay nagmungkahi sa Viceroy ng Bagong Espanya na ang lugar ay gawin na isang pueblo (bayan). Ang lugar ay pinangalanang"El Pueblo de Nuestra Señora la Reina de los Angeles del Rio de Río de Porciúncula" ("Ang bayan ng ating Mahal na Reyna ng mga Anghel at ng Ilog Porciúncula"). Ito ay nanatiling maliit na bayang rancho sa mga dekada, ngunit noong 1820 ang populasyon ay tumaas sa bilang na 650 residente, kung saan naging pinakamalaking pamayanang sibil (hindi pangmisyon) sa Kastilang California. Ngayon ang buod ng Pueblo ay pinapanatili sa isang pangkasaysayang monumento na mas kilala sadaang Olvera, na datingdaang Wine, na isinunod ang pangalan kayAgustin Olvera.
Ang daang Olvera.
Natamo ng Bagong Espanya angkasarinlan mula saEmperyong Espanyol noong 1821, at ang pueblo ay nanatiling bahagi ng Mehiko. Ang pamumuno ng mga Mehikano ay nagwakas noong nagaganap angDigmaang Mehikano-Amerikano, nang ang mga Amerikano na ang humawak sa mga Californios pagkatapos ng sunod sunod na laban na kinabibilangan ng; Labanan ng San Pascual, Ang Labanan ngDominguez Rancho, at ang panghuli, angLabanan ng Rio San Gabriel noong 1847. AngKasunduan ng Cahuenga, na nilagdaan noong 13 Enero 1847, ang nagwakas sa mga kaguluhan sa California, at ang huli angKasunduan ng Guadalupe Hidalgo (1848), na pormal na ibinibigay ng Pamahalaang Mehikano ang Alta California at iba pang teritoryo sa Estados Unidos. Hinawakang buo ng mga Europeo at Amerikano ang lungsod pagkatapos ng pagdating ng mga migrante patungong California noong panahon ng Gold Rush at inihanda ang pagkakapasok ng California bilang estado sa Estados Unidos noong 1850.
Ang mga riles ng tren ay dumating nang matapos ng Southern Pacific ang linya nito sa Los Angeles noong 1876. Ang langis ay natuklasan noong 1892, at noong 1923, ang Los Angeles ay nag-susuplay ng one-quarter ngpetrolyo sa daigdig. Isa pang mahalagang pag-unlad sa lungsod ay ang tubig.
Noong dekada bente ang mga industriya ng pelikula atpaliparan ay dumayo sa Los Angeles at nakatulong sa pagpapaunlad nito. Ang lungsod ay maligayang naging lugar na pinagdausan ngSummer Olympics ng 1932 na nakitaan ng pag-unlad saburol ng Baldwin kung saan ang orihinal na nayon ng Olympic. Ang Panahong din na ito ay nakitaan ng pagdating ng mga pinatapong tao mula sa papataas na tension bago magdimaan sa Europa, kasama na ang kilalang siThomas Mann,Fritz Lang,Bertolt Brecht,Arnoled Schoenberg, atLion Feutchtwanger. Ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay nagdulot ng bagong kaunlaran at kasaganahan sa lungsod. Ang mga taon pagkatapos ng digmaan ay nagdulot pa ng mas lalong pag-unlad bilang urban na lumawak pa hanggangSan Fernando Valley.
Ang Riot ng Watts noong 1965 at ang "blowouts" ng Mataas na Paaralan ng Chicano noong 1970 ay nagpapakita ng malalim na pagkakahati ng mga lahi sa lungsod. Noong 1969, ang Los Angeles ay isa sa dalawang naging "lugar ng kapanganakan" nginternet, bilang kauna-unahang transmisyongARPANET na naipadal mulaUCLA patungong SRI saLiwasang Menlo.
↑6.06.16.2"City Directory". City of Los Angeles. Inarkibo mula saorihinal noong November 13, 2014. Nakuha noongSeptember 28, 2014.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)