Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ohio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saLorain, Ohio)
Ohio
State of Ohio (Estado ng Ohio)
Watawat ng Ohio
Watawat
Opisyal na sagisag ng Ohio
Sagisag
Mga palayaw: 
The Buckeye State; (Ang Estadong Buckeye)
Birthplace of Aviation (Kapanganakan ng Abyasyon);The Heart of It All (Ang Puso Nitong Lahat)
Bansag: 
"With God, all things are possible"[1] (Sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari)
Awit: "Beautiful Ohio"[2] (Magandang Ohio)
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio
BansaEstados Unidos
Sumali sa Unyon1 Marso 1803;222 taon na'ng nakalipas (1803-03-01)[3] (ika-17,
retroaktibong dineklara noong
7 Agosto 1953;72 taon na'ng nakalipas (1953-08-07)[4])
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Columbus[5][6]
Pinakamalaking kondado o katumbas nitoKondado ng Franklin, Ohio
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarKalakhang Cleveland (pinagsama at urbano)
Cincinnati (kalkahan)
Columbus (kalakhan)
(tingnan ang talababa)[a]
Pamahalaan
  GobernadorMike DeWine (R)
  Gobernador TinyenteJon Husted (R)
LehislaturaAsembleyang Pangkalahatan
  Mataas na kapulunganSenado
  [Mababang kapulunganKapulungan ng Kinatawan
HudikaturaKorte Suprema ng Ohio
Mga senador ng Estados UnidosSherrod Brown (D)
JD Vance(R)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos10 Republikano
5 Demokrata
Lawak
  Kabuuan44,825 milya kuwadrado (116,096 km2)
  Lupa40,948 milya kuwadrado (106,156 km2)
  Tubig3,877 milya kuwadrado (10,040 km2) 8.7%
Ranggo sa lawakIka-34
Sukat
  Haba220 mi (355 km)
  Lapad220 mi (355 km)
Taas
850 tal (260 m)
Pinakamataas na pook
(Burol ng Campbell[8][b])
1,549 tal (472 m)
Pinakamababang pook
(Ilog Ohio sahangganan ngIndiana[8][b])
455 tal (139 m)
Populasyon
 (2023)
  Kabuuan11,785,935[9]
  RanggoIka-7
  Kapal282/milya kuwadrado (109/km2)
  Ranggo sa densidadika-10
  Panggitnang kita ng sambahayanan
$54,021[10]
  Ranggo ng kita
ika−36
Tawag sa tagalugarOhioan (Ohiyoano); Buckeye[11] (kolokyal)
Wika
  Opisyal na wikaDe jure: Wala
De facto: Ingles
  Sinasalitang wikaIngles 93.3%
Kastila 2.2%
Iba pa 4.5%[12]
Sona ng orasUTC– 05:00 (Silanganin)
  Tag-init (DST)UTC– 04:00 (EDT)
Daglat ng USPS
Kodigo ng ISO 3166US-OH
Tradisyunal na pagdadaglatO., Oh.
Latitud38°24′ N to 41°59′ N
Longhitud80°31′ W to 84°49′ W
Websaytohio.gov

AngOhio (/ˈh./oh-HY-oh )[14] ay isangestado sa rehiyon ng Gitnang-kanlurangEstados Unidos. Pinapalibutan ang Ohio ng Lawa ng Erie sa hilaga,Pennsylvania sa silangan,Kanlurang Virginia sa timog-silangan,Kentucky sa timog-kanluran,Indiana sa kanluran, atMichigan sa hilagang-kanluran. Sa 50estado ng Estados Unidos, ito ang ika-34 na pinakamalaki ayon sa laki ng sukat. Sa populasyon na halos 11.8 milyon, ito ang ikapitong pinakamatao at ikasampu sa pinakamakapal na populasyon na estado.Columbus ang kabisera nito atpinakamataong lungsod, kasama ang iba pang malalaking sentro ng populasyon kabilang angCleveland,Cincinnati,Dayton,Akron, atToledo. Binansagan ang Ohio na "Buckeye State" o "Estadong Buckeye" dahil sa mga punong buckeye sa Ohio, at tinatawag ang mga taga-Ohio bilang "mga Buckeye".[11] Natatangi ang watawat ng Ohio sa lahat ng watawat ng estado ng Estados Unidos dahil ito lamang ang may watawat na hindi hugis paraihaba.

Kinuha ng Ohio ang pangalan nito mula sa Ilog Ohio na bumubuo sa katimugang hangganan nito, na nagmula naman sa salitang Seneca naohiːyo', ibig sabihin, "magandang ilog", "malaking ilog", o "malaking sapa".[15] Tahanan ang estado ng ilang mga sinaunang katutubong sibilisasyon, na may mga tao na noon pang 10,000 BCE. Umusbong ito mula sa mga lupain sa kanluran ng Bulubunduking Apaleches na pinagtatalunan ng iba't ibang katutubong lipi at mga kolonistang Europeo mula noong ika-17 dantaon hanggang sa Mga Digmaang Hilagang-kanlurang Indiyano noong huling bahagi ng ika-18 dantaon. Nahati ang Ohio mula sa Teritoryong Hilagang-kanluran, ang unang hangganang pinanirahan ng tao ng bagong Estados Unidos, na naging ika-17 na estado na natanggap sa Unyon noong Marso 1, 1803, at ang una sa ilalim ng Ordinasang Hilagang-kanluran.[3][16] Ito ang unang poskolonyal na malayang estado na pinasok sa unyon at naging isa sa pinakamaaga at pinakamaimpluwensyang industriyal na napakalakas noong ika-20 dantaon. Bagaman lumipat ito saekonomiyang mas nakatuon saimpormasyon at nakabatay sa serbisyo noong ika-21 siglo, nananatili itong isang industriyal na estado, na nagraranggo sa ikapito sa GDP sa pagsapit ng 2019,[17] kasama ang ikatlong pinakamalaking sektor ngpagmamanupaktura at pangalawang pinakamalaking produksyon ngsasakyan.[18]

Minodelo sa pederal na katumbas nito, binubuo ang pamahalaan ng Ohio ngsangay na ehekutibo, na pinamumunuan nggobernador; ang sangay na pambatasan, na binubuo ng dalawahang-kamara na Asembleyang Pangkalahatan ng Ohio; at ang sangay nghudikatura, na pinamumunuan ng Korte Suprema ng estado. Sinasakop ng Ohio ang 15 puwesto saKapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ang ikapitong pinakamalaking delegasyon.[19] Pitongpresidente ng Estados Unidos (sinaUlysses S. Grant, Rutherford Hayes,James Garfield,Benjamin Harrison,William McKinley,William Howard Taft, atWarren G. Harding) ang nagmula sa Ohio, na tinaguriang "Ina ng mga Pangulo".[20] Kapag may halalang pampanguluhan, tinuturing ang Ohio naswing state o estadong pabago-bago ang isip, na nagpapanalo ng alim man sa mga kandidato ngDemokrata oRepublikano mula sa isang eleksyon hanggang sa isa pang eleksyon. Bilang isang estadong pabago-bago ang isip, kadalasang tinatarget sila ng mga kampanya ng parehong pangunahing-partido, lalo na sa halalang malakas ang kompetisyon.[21] Mahalaga sa halalan ng 1888, naging regular ang Ohio bilang isang estadong pabago-bago ang isip simula noong 1980.[22][23]

Kabilang sa ilang kilalang tao mula sa Ohio ang naggo-golf na siJack Nicklaus, sinaWilbur atOrville Wright, mgaastronautang sinaJohn Glenn atNeil Armstrong, mga may-akdang sina Sherwood Anderson and Toni Morrison,[24] at mga artistang sina Clark Gable at Katie Holmes.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Matatagpuan ang Put-in-Bay sa Pulo ng Timog Bass, isa sa mga Pulo ng Lawa ng Erie ng Ohio.

Naging mahalaga ang lokasyon ng Ohio para sa pagpalawak at paglago ng ekonomiya. Dahil nakakabit ang estado sa Hilagang-silangan at Gitnang-kanluran, dumadaan karamihan ang trapik ng karagamento sa hangganan nito sa mga mahusay na binuong mga daang-bayan. Ikasampung pinakamalakingnetwork ng daang-bayan sa Estados Unidos ang mayroon sa Ohio at nalalakbay ito ng mga sasakyan ng isang araw lamang ng 50% ng populasyon ng mga taga-Hilagang Amerika at 70% ng kapasidad ng pagmamanapaktura ng Hilagang Amerika.[25] Tungong hilaga, mayroon ang Ohio ng312 milya (502 km) ng baybayin sa Lawa ng Erie,[26] na pinapahintulutan ang maraming daungan ng kargamento tulad ng sa Cleveland at Toledo. Natutukoy ang katimugang hangganan ng Ohio ng Ilog Ohio. Ang katabing estado ng Ohio ay angPennsylvania sa silangan,Michigan sa hilagang-kanluran,Indiana sa kanluran,Kentucky sa timog, atKanlurang Virginia sa timog-silangan. Nabigyang kahulugan ang mga hangganan ng Ohio sa sukat at hangganan sa Pinapaganang Batas (Enabling Act) ng 1802.

Tanaw ng Ilog Ohio malapit sa Portsmouth, Ohio

Napapaligiran ang Ohio ng Ilog Ohio, subalit halos lahat ng ilog ay nasasakupan ng Kentucky at Kanlurang Virginia. Noong 1980, pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos, na batay sa pananalita ng pagtigil ng teritoryo ngVirginia (na noong panahon na iyon ay kabilang sa ngayon ay Kentucky at Kanlurang Virginia), ang hangganan sa pagitan ng Ohio at Kentucky (at, sa implikasyon, Kanlurang Virginia) ay ang hilagang markang mababang-tubig na ilog nang umiral ito noong 1792.[27] Mayroon lamang ang Ohio ng posyon ng ilog sa pagitan ng markang mababang-tubig ng 1792 at ang kasalukuyang markang mataas-na-tubig. Nabago din ang hangganan sa Michigan, bilang resulta ng Digmaang Toledo, sa anggulong bahagyang hilagang-silangan sa hilagang baybayin ng bunganga ng Ilog Maumee.

Mapa ng kakapalan ng populasyon sa Ohio

Mayroong 13metropolitan statistical area (MSA, lugar pang-estadistikong kalakhan) sa Ohio, na nakaangkla sa 16 na lungsod, na tinutukoy ng Tanggapan ng Pamamahala at Badyet ng Estados Unidos. Karagdagan dito, 30 mga lungsod sa Ohio ang gumaganap bilang mga sentro ng mgamicropolitan statistical area (lugar pang-estadistikong mikropolitan), mga urbanong kumpol na mas maliit sa mga lugar na kalakhan. Ang tatlong malalaking lungsod sa Ohio ayColumbus,Cleveland, atCincinnati.

Columbus ang kabisera ng estado, malapit sa heograpikong sentro nito, at napakakilala ito saPamantasang Estatal ng Ohio. Noong 2019, mayroon ang lungsod ng anim na korporasyon na pinangalan sa talangFortune 500 ng Estados Unidos: Alliance Data, Nationwide Mutual Insurance Company, American Electric Power, L Brands, Huntington Bancshares, at Cardinal Health sa suburbanong Dublin.[28][29] Kabilang sa pangunahing maypagawa ang mga ospital (tulad ng Wexner Medical Center at Nationwide Children's Hospital bukod sa iba pa), ang mataas na teknolohiyang pananaliksik at pagsusulong kabilang ang Battelle Memorial Institute, mga kompanyang nakabatay sa impormasyon tulad ngOCLC at Chemical Abstracts Service, tagapagmanapakturang Worthington Industries, at institusyong pananalapi tulad ng JPMorgan Chase at Huntington Bancshares. Nasa Columbus din ang punong himpilan ng mga restawrangpangmadaliang pagkain naWendy's at White Castle.

Matatagpuan sa Hilagang-silangang Ohio sa may baybayin ng Lawa ng Erie, nakikilala ang Cleveland sa pamanangBagong Inglatera nito, mgakalinangan ng imigranteng etniko, at kasaysayan bilang isang pangunahing sentro ng pagmamanapaktura at pangangalaga ng kalusugan. Inaangkla nito ang Cleveland–Akron–Canton na Pinagsamang Lugar Pang-estadistiko, kung saan ang mga lungsod ngAkron atCanton ang mga bumubuong bahagi. Ang Mansfield, Sandusky atYoungstown ay pangunahing lungsod din sa rehiyon. Kilala ang Hilagang-silangang Ohio para sa pangunahing kompanyang pang-industriya na Goodyear Tire and Rubber at Timken, mga mataas-na-niraranggong kolehiyo naPamantasang Case Western Reserve, Kolehiyong Oberlin, atPamantasang Estatal ng Kent, ang Klinikang Cleveland, at mga atraksyong pangkultura kabilang ang Cleveland Museum of Art (Museo ng Sining ng Cleveland), kasapi ng Big Five (Malaking Lima) na Cleveland Orchestra (Orkestrang Clevland), Cuyahoga Valley National Park (Pambansang Liwasan ng Lambak ng Cuyahoga), Playhouse Square (Plasang Playhouse), ang Pro Football Hall of Fame (Bulwagan ng Sikat sa Pro Putbol), at ang Rock and Roll Hall of Fame (Bulwagan ng Sikat sa Rakenrol).

Inaangkla ngCincinnati ang Timog-kanlurang Ohio at ang kalakhang lugar ng Cincinnati, na sumasaklaw din sa mga kondado sa Kentucky at Indiana. Tahanan ang kalakhan lugar saPamantasang Miami at angUnibersidad ng Cincinnati, Unyong Terminal ng Cincinnati, Orkestrang Simponya ng Cincinnati, at iba't ibang kompanyangFortune 500, kabilang angProcter & Gamble, Kroger, Macy's, Inc., at Fifth Third Bank. Nasa Lambak ng Miami angDayton atSpringfield, na tahanan ng Unibersidad ng Dayton, Dayton Ballet, at ang ekstensibong Base ng Hukbong Pamhimpapawid ng Wright-Patterson.

AngToledo atLima ay ang pangunahing lungsod sa Hilagang-kanlurang Ohio, isang lugar na kilala sa industriya ng pagawaan ng salamin. Tahanan ito ng Owens Corning at Owens-Illinois, dalawang korporasyongFortune 500.

Steubenville ang natatanging kalakhang lungsod sa Ohiong Apaleches, isang rehiyon na kilala sa pinaghalong mga gubat mesopitiko. Ang ibang kalakhang lugar na may lungsod sa Ohio subalit pangunahing sa ibang estado ay kinababalingan ng Huntington, Kanlurang Virginia and Wheeling, Kanlurang Virginia. Ang Ohio ay ang estado sa Estados Unidos na may pinakamalaking bilang ng lungsod na may parehong pangalan sa mga lungsod saReyno Unido.[30]

 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan saOhio
Pinagmulan: Senso ng Estados Unidos ng 2020[31]
RanggoPangalanKondadoPop.RanggoPangalanKondadoPop.
Columbus
Columbus
Cleveland
Cleveland
1ColumbusFranklin905,74811YoungstownMahoning60,068Cincinnati
Cincinnati
Toledo
Toledo
2ClevelandCuyahoga372,62412SpringfieldClark58,662
3CincinnatiHamilton309,31713KetteringMontgomery57,862
4ToledoLucas270,87114ElyriaLorain52,656
5AkronSummit190,46915Talon ng CuyahogaSummit51,114
6DaytonMontgomery137,64416MiddletownButler50,987
7ParmaCuyahoga81,14617LakewoodCuyahoga50,942
8CantonStark70,87218NewarkLicking49,934
9LorainLorain65,21119EuclidCuyahoga49,692
10HamiltonButler62,08220DublinFranklin49,328

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Sang-ayon sa senso ng Estados Unidos[7], Ang Mas Kalakhang Columbus ang pinakamalakingMetropolitan statistical area (MSA, lugar pang-estadistikong kalakhan) nabuong nasa loob ng Ohio, na may populasyon na 2,078,725; at ang Kalakhang Cincinnati ay ang pinakamalaking MSA nana may bahagyang sa loob ng Ohio, na may populasyon na 2,179,082, na tinatayang 25% nito ang nasa Indiana o Kentucky. Kung anong pinakamalaking MSAsa Ohio ay depende sa konteksto.
  2. 12Inakma ang elebasyon sa Hilagang Amerikanong Patayong Datum ng 1988.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Ohio's State Motto" (sa Ingles). Ohio Historical Society. Hulyo 1, 2005.Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2007. Nakuha noongMarso 27, 2009.
  2. "Ohio's State Symbols" (sa Ingles). Ohio Governor's Residence and State Garden.Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-23. Nakuha noongMarso 26, 2009.
  3. 12Mary Stockwell (2006).Ohio Adventure (sa Ingles). Gibbs Smith. p. 88.ISBN 978-1-4236-2382-3.Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2015. Nakuha noongHunyo 16, 2015.
  4. "The Admission of Ohio as a State" (sa Ingles). United States House of Representatives.Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 10, 2019. Nakuha noongNobyembre 10, 2019.
  5. "Ohio Quick Facts" (sa Ingles). Ohio Historical Society.Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-08. Nakuha noongMarso 26, 2009.
  6. "City of Columbus: Fun Facts" (sa Ingles). City of Columbus, Ohio. 2006. Inarkibo mula saorihinal noong Mayo 1, 2009. Nakuha noongMarso 26, 2009.
  7. July 2017 Annual EstimateNaka-arkibo 1996-12-27 saWayback Machine. (sa Inlges)
  8. 12"Elevations and Distances in the United States" (sa Ingles). United States Geological Survey. 2001. Inarkibo mula saorihinal noong Hulyo 22, 2012. Nakuha noongOktubre 24, 2011.
  9. "Apportionment population and number of representatives by state: 2020 census"(PDF) (sa Ingles). US Census Bureau. Abril 26, 2021.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 2021-04-26. Nakuha noongAbril 26, 2021.
  10. "Median Annual Household Income".The Henry J. Kaiser Family Foundation (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noongDisyembre 9, 2016.
  11. 12"Why is Ohio known as the Buckeye State and why are Ohioans known as Buckeyes?"(PDF) (sa Ingles). Nobyembre 1998.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong Abril 12, 2019. Nakuha noongDisyembre 7, 2018.
  12. "American FactFinder—Results".factfinder2.census.gov (sa Ingles). U.S. Census Bureau. Inarkibo mula saorihinal noong Pebrero 12, 2020. Nakuha noongOktubre 17, 2012.
  13. "Official USPS Abbreviations" (sa Ingles). United States Postal Service. 1998. Inarkibo mula saorihinal noong Marso 28, 2009. Nakuha noongMarso 26, 2009.
  14. "Ohio".Merriam-Webster Dictionary (sa Ingles).
  15. "Quick Facts About the State of Ohio" (sa Ingles). Ohio History Central. Inarkibo mula saorihinal noong Nobyembre 27, 2010. Nakuha noongHulyo 2, 2010.From Iroquois word meaning 'great river'
  16. William M. Davidson (1902).A History of the United States (sa Ingles). Scott, Foresman and Company. p. 265. Nakuha noongHunyo 16, 2015.
  17. "U.S. Gross Domestic Product (GDP), by state 2019".Statista (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 20, 2018. Nakuha noongDisyembre 28, 2020.
  18. Girardi-Schachter, Taylor (Setyembre 3, 2019)."Top 10 States For Manufacturing 2019".Global Trade Magazine (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2020. Nakuha noongDisyembre 31, 2019.
  19. Berg-Andersson, Richard E. (2000)."The Math Behind the 2000 Census Apportionment of Representatives".The Green Papers.Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2009. Nakuha noongMarso 25, 2009.
  20. "Ohio Presidents – Ohio Secretary of State".Ohiosos.gov (sa Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong Enero 21, 2021. Nakuha noongDisyembre 28, 2020.
  21. "The Odds of an Electoral College-Popular Vote Split Are Increasing".FiveThirtyEight (sa Ingles). 2016-11-01.Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 21, 2016. Nakuha noong2016-11-06.
  22. Salamon, Julie (2004-10-02)."Trolling the Campuses for Swing-State Votes".The New York Times (sa Ingles).ISSN 0362-4331. Nakuha noong2024-07-27.
  23. Ellenberg, Jordan (2004-10-25)."Game Theory for Swingers".Slate (sa Ingles).ISSN 1091-2339. Nakuha noong2024-07-27.
  24. Yost, Laina; Woytach, Carissa (2019-08-06)."'She treasured Lorain, we treasured her': Nobel laureate Toni Morrison dies at 88 (UPDATED/PHOTOS)".The Chronicle-Telegram.Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-07. Nakuha noong2020-10-31.
  25. "Transportation delivers for Ohio" (sa Ingles). Ohio: Department of Transportation. Pebrero 12, 2003. Inarkibo mula saorihinal noong Enero 24, 2008. Nakuha noongDisyembre 22, 2005.
  26. "Ohio Coastal Counties" (sa Ingles). Ohio: Department of Natural Resources.Inarkibo mula sa orihinal noong August 30, 2008. Nakuha noongSeptember 3, 2008.
  27. "Ohio v. Kentucky, 444 U.S. 335" (sa Ingles). Find law. Enero 21, 1980.Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-28. Nakuha noongAgosto 15, 2016.
  28. "Top 100 U.S. metro economies"(PDF) (sa Ingles). U.S. Conference of Mayors. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2010-06-25. Nakuha noongAbril 22, 2010.
  29. Womack, Brian (Hunyo 10, 2019)."Plano set to lose Fortune 500 HQ as Alliance Data Systems shifts to Ohio".Dallas Business Journal (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 25, 2020. Nakuha noongAgosto 19, 2021.
  30. "Map of UK cities which share names with US cities" (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 21, 2023. Nakuha noongAgosto 21, 2023.
  31. "U.S. Census Bureau QuickFacts" (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2022. Nakuha noongPebrero 3, 2022.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ohio&oldid=2124230"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp