Ang isanglokál na pamahalaan opamahalaang pampook (Ingles:local government) ay isang uri ngpampublikong pangangasiwa na, sa nakararaming mga konteksto, umiiral bilang pinakamababang antas ng pangasiwaan sa loob ng isang estado. Ginagamit ang termino upang ihambing sa mga tanggapan sa antas ngestado, na tinutukoy bilangpamahalaang sentral, pamahalaang pambansa, o (kung naaangkop)pamahalaang pederal at gayon din sa pamahalaangsupranasyonal na tungkol sa mga institusyong pampamahalaan sa pagitan ng mga estado. Pangkalahatang kumikilos ang mga lokál na pamahalaan sa mga kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ngbatas o mga direktiba ng mas-mataas na antas ng pamahalaan. Samga bansang pederal, karaniwang binubuo ang lokál na pamahalaan ang ikatlo (o minsang ikaapat) na antas ng pamahalaan, samantalang sa mgapinag-isang estado (unitary state), karaniwang nasa ikalawa o ikatlong antas ng pamahalaan ang lokál na pamahalaan, kadalasang may higit na kapangyarihan kaysa mas-mataas na antas ng mga dibisyong pampangasiwaan.
AngKodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 ay nagbibigay ng tatlong mga antas ng mga lokál na yunit ng pamahalaan (Ingles:local government units, dinaglat na LGU) sa Pilipinas: (1) anglalawigan (2) ang mgalungsod atmunisipalidad, at (3) angbarangay. Nananatiling isang pinag-isang estado (unitary state) ang bansa at nananatiling may malakas na impluwensiya ang pambansang pamahalaan sa mga lokál na yunit ng pamahalaan.
Ang isang lalawigan ay pinamumunuan ng isang gobernador kasama angSangguniang Panlalawigan na binubuo ng mga kasapi ng lupon. Ang isangalkalde ay namumuno sa isang lungsod o munisipalidad, habang bumubuo naman sa lehislatibong mga sangay ng isang lungsod at munisipalidad angSangguniang Panlungsod at angSangguniang Bayan. Ang isang barangay ay pinamumunuan ngPunong Barangay at ngSangguniang Barangay. Maaaring ihati ang mga barangay sa mgapurok atsitio ngunit hindi hinalal ang kanilang pamunuan.
Ang mga lokál na pamahalaan ay may limitadong kapangyarihan sa pagbubuwis. Karamihan sa kanilang mga pondo ay nangagaling sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ngInternal Revenue Allotment.
AngCanada ay may sistemang pederal na may tatlong kaayusan ng pamahalaan. Ang pinakamalaki ay ang pamahalaang pederal, at sinusundan ito ng mga pamahalaang lalawigan at lokal.[1] Hiwalay na inihahalal ang mga pamahalaang munisipal. Sila'y marapat na sumunod sa mga batas at alituntunin na inilabas ng kanilang lalawigan, ngunit maaari silang magpasa ng karagdagang mga ordinansa at patakarambatas na bukod-tangi sa kanila.
Tumutukoy ang lokal na pamahalaan ng Estados Unidos sa pampamahalaang mga hurisdiksiyon sa baba ng antas ng estado. Karamihan sa mga estado ay may hindi bababa sa dalawang antas ng pamahalaang lokal:mga kondado atmga munisipalidad. Sa ilang estado, nahahati ang mga kondado samgatownship. May ilang magkaibang mga uri ng mga hurisdiksiyon sa antas-munisipalidad, kasama anglungsod,bayan,parokya,boro,nayon,mga reserbasyon atmgaboundary. Ang mga uri at katangian ng mga entidad pangmunisipyo na ito ay nag-iiba sa bawat estado.
Mula noong Enero 1, 2011, ang Gresya ay binubuo ng labintatlongmga rehiyon na nahahati sa kabuuang 325mga munisipalidad at komunidad. Bawat isa sa mga rehiyon ay may inihalal na gobernador at sangguniang panrehiyon, ngunit may pitong mga desentralisadong pangangasiwa, na nagpapangkat ng isa hanggang sa tatlong mga rehiyon sa ilalim ng isang panlahat na kalihim na itinalaga ng pamahalaan. Mayroon din isangawtonomong pook,Bundok Athos.
Mula noongpagpapanumbalik ng Meiji, angHapon ay may isang sistema ng lokal na pamahalaan na nakabatay sa mgaprepektura. Malaking bahagi ng bansa ay pinamamahalaan ng pambansng pamahalaan. Ang mga pamahalaang munisipal ay mga makasaysayang nayon. Sa kasalukuyan, karaniwan ang mga pagsasanib ng mga lungsod, bayan, at nayon upang maging nakatitipid ang pangangasiwa. Mayroong 47mga prepektura. Bawat isa sa kanila ay may dalawang pangunahing mga pananagutan. Una ay ang pagpamamagitan sa pagitan ng pambansa at pangmunisipyong mga pamahalaan. Ang pangalawa ay ang pangangasiwa sa kanilang nasasakupan.
AngLatbiya ay isang pinag-isang estado na kasalukuyang nahahati sa 110 mga munisipalidad (Latbiyano:novadi) at 9 na mga republikanong lungsod (Latbiyano:republikas pilsētas) kasama ng kanilang sariling konseho.
13Régions (kasama angCorsica) at 5Régions d'outre-mer (Réunion,Martinique,Mayotte,Guadeloupe atFrench Guiana). Hindi tinukoy ang Corsica bilang isang "région" kung hindi bilang "collectivité territoriale" lamang, na nagngangahulugang "pook ng lokal na pamahalaan".
Mayroong 36,679mga komyun (antas-munisipalidad, katumbas ng mga bayan at lungsod sa Pilipinas).
Subalit, bilang karagdagan sa mga sugnay ng saligang batas ng 1958, mayroon na ring umiiral na kawastuhan:
Ang mgaintercommunality ay isa nang antas ng pamahalaan sa pagitan ng mga komyun at departamento.
Mayroong 2 "pays d'outre-mer":French Polynesia atNew Caledonia. Ang katagang "pays d'outre-mer" ay kombinyente sapagkat maiintindihan ito sa Pranses bilang kapuwa "panlabas na bansa" at "panlabas na kondado/tradisyonal na lugar" (tulad ng ipinakikita ngPays de la Loire na isanghome région, hindi isang "home country"). Gumagana ang French Polynesia bilang isang awtonomongrégion, habang ang New Caledonia ay may katayuang panlokal na pamahalaan nasui generis na may tiyak na mga institusyon at mas-maraming awtonomiya.
Nahahati ang lupain ng Turkiya sa 81 mga lalawigan para sa mga layuning pampangasiwaan. Naka-organisa ang mga lalawigan sa pitong mga rehiyon para sa mga layuing pansenso; subalit hindi sila kumakatawan sa estrukturang pampangasiwaan. Bawat lalawigan ay nahahati sa mga distrito, para sa kabuuang 957 mga distrito.
AngVietnam ay may tatlong mga antas ng lokal na pamahalaan:
Unang antas: mga lalawigan at munisipalidad
Ikalawang antas: panlalawigang mga lungsod, mga bayan, mga distrito urbano, at mga distrito rural
Ikatlong antas: mgaward (katumbas ng mga purok), komyun, attownship
Bawat antas ay mayPeople's Committee (ehekutibo - hanggang sa ikatlong antas), isangPeople's Council (lehislatura - hanggang sa ikatlong antas) at isangPeople's Court (hudikatura - hanggang sa ikalawang antas)